"Trey, you look bothered. Saan ka ba nanggaling, alam mo bang kanina pa nila kayo hinahanap?" Tinungga kong muli yung basong nasa harap ko. Kahit ngayong gabi lang, magpapakalasing ako.
"Nagpahangin lang." Matamlay na sagot ko kay Arah. Pagkatapos ng dalawang oras ay bumalik ako dito, pagkatapos ng tagpong yon ay umalis ako at pumunta sa isang malapit na parke. Para mapag isa. Hindi ko kasi kinaya. Nababadingan na nga ko sa sarili ko eh. Iyak ako ng iyak para akong bata.
"Wow ha, two hours? Kailangan mo pa ng hangin eh may aircon naman kayo." Sarkastikong sabi ni Arah. Umiinom din siya. Sa katunayan eh kaming dalawa lang dito sa table. Wala pa ding umuuwi sa guests, bukod sa enjoy ang party inaantay pa ng iba na umuwi si Papa.
"Why are you drinking, lady?" Tinaasan ko ng kilay si Arah. Na ginantihan naman niya ng pagtaas din ng kilay niya kaya naman ako napangiti.
"Why not? Harsh. Hindi na ako bata. May trabaho na nga ako eh." Trabaho? Ano? Ang tagal talaga naming hindi nagkausap.
"What kind of work?" Kalmadong tanong ko.
"Hmm. Call center agent! Sa isang company sa Orti-"
"Ikaw, call center agent?" Gulat na tanong ko.
"Oh ano naman?" Natawa na ako ng sobra! Grabe ang sakit sa tyan. Pero this is what I love about Arah. She keeps me distracted!
"Hindi ko maimagine. Ang hahaba ng pasensya ng mga tao dun tapos na hire ang isang mainitin ang ulo na kagaya mo? Tsaka-" Hindi ko mapigilan ang pagtawa. "Marunong ka palang mag english!"
"Eh tangina mo pala eh! Marami akong skills Trey! Gago neto, hindi mo lang napapansin kasi busy ka sa iba." Wait, what? Nahinto ako sa pagtawa. Busy sa iba? Ano daw sabi ni Arah?
"Wala. Tangna ka. Nevermind."
Nagkibit balikat na lang ako. Magkatabi kami ng upuan. Inextend ko yung kanang kamay ko sa likod nya, at hinawakan ko yung kanang balikat niya. Napatingin siya ron pero lumipat din ang tingin niya sa akin.
"Namiss ko yung mga mura mo Arah." Nakatingin ako sa stage pero alam kong sa akin siya nakatingin habang nakikinig sa mga sinasabi ko.
"Namiss kong mag almusal ng 'Punyeta naman Trey late na tayo', magtanghalian ng 'Gagong 'to wala ka bang sariling pagkain?', magmeryenda ng 'Ukinang buhay 'to lagi na lang ikaw kasama ko!' at maghapunan ng, 'Tangina mo talaga eh no. Patulugin mo ko gago!' Combo pala yung dinner ko." Natatawa kong sabi. Natatawa din si Arah. Nakita kong masaya din siya... Her eyes says is all. Nagkatitigan kami. Parehas na nakangiti. Parehas na masaya.
"Gago ka kasi." Arah's mouth is no good. Seriously. Punung-puno yun ng mura. Pero ang maganda lang sa kanya ay hindi siya nag p-pretend na hindi siya nagmumura. Hindi siya nagmamalinis para lang tanggapin siya ng ibang tao.
"Midnight snack ba yan?" Biro ko sa kanya. Pinitik niya ako sa noo.
10 seconds...
Ang ganda niya ngayon, sa tingin ko mayrong nagpapasaya sa kanya. Ang pupula ng mga pisngi niya.
20...
Namiss ko na may kausap na ang gaan lang kasama... Hindi yung puro drama. Mula ng umalis sila halos hindi na ako nakakatawa ng madalas.
30...
Ang hirap naman nito.
"E-ehem!" Natigil kami sa pagtititigan nang makita naming nasa harapan namin sina Amirah, Mack, Luis, Vernon, at James pareparehas na nakataas ang kilay.
"Pwede ba kaming maki-upo sa inyo, lovebirds?" Tanong ni Amirah.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkaka-akbay kay Arah at parehas kaming umiwas ng tingin. Tumango ako, saka sila umupo. Tangina ang awkward naman nito!
Nilibang ko ang sarili sa paglalaro ng Clash of Clans sa cellphone ko. Sampung minuto na at wala pa ding umiimik sa amin. Wala nang mas aawkward pa sa araw na 'to!
"Sooo..." Tumango ako at nakita ko ang pabalik balik na tingin nila sa aming dalawa ni Arah.
Kitang kita sa kanila ang pagdududa. Si Luis kanina pang nagbubulungan mga backstabber. Samantalang si James naman, nakatingin lang kay Arah.
"Guys kung ano man yung iniisip ninyo sa kanina, wala yun. Okay? Were just... were just-"
"Defensive!" Sagot ni Amirah kay Arah na ngayon ay namumula na.
"Madudumi lang talaga isip ninyo." Dugtong ko.
"Bro code, Trey!" Sabi ni Vernon. Ulul! Bro code pa 'tong nalalaman. Hindi ko naman tinatalo si Arah kung alam niya lang si James ang tumatalo sa kanya.
"Dude, Arah is my little sister. Wag kayong mag-alala. Walang nalalabag sa bro code." Nag usap pa kaming lahat ng ilang minuto at maya maya pa ay narinig namin na may nagsalita sa mic.
"Goodevening ladies and gentlemen, may we invite the birthday celebrant to come on stage?" Sumigaw ang mga tropa ko ng "Go pare! Tangina artista!" Habang nakikitawa naman sa kanila si Amirah. Kung pano nila yon napaamo? Hindi ko na talaga alam.
"Naka-inom ka Trey, kaya mo ba?" Bulong ni Arah bago ako umalis. Nginitian ko siya at binulungan din ng "Oo naman!" Bago umalis. Narinig ko pa silang inasar si Arah ng "Pabulong bulong" bago ako makalayo sa table.
Pagdating ko sa stage ay nagtawanan ang lahat kasi napamura ako. Sabi kasi ng baklang emcee ay kakanta daw ako! Hindi ko alam na bentang benta pala sa mayayaman ang simpleng "Di nga? Tang ina!" Ha ha ha. Nakakatawa talaga yun.
Naghanap ako ng kanta dun sa listahan nila. At ang napili ko, yung Today my life begins ni Bruno Mars.
"Oh, I will... break the chains that bind me!" Pumapalakpak yung mga tao sa beat ng tugtog.
"Happiness will find me!" Isinisigaw ko lahat ng sama ng loob ko. Sa sarili ko. Sa mama ko, sa papa ko, sa tita ko, sa lahat!
"Leave the past behind me." Dahil sa pagtapos ng araw na 'to, hinding hindi ko na aalalahanin lahat ng taong nakasakit sakin. Lahat ng pangyayaring sumira sa akin. Pagtapos nito, pagtapos nito babalik na ako sa dating ako.
"Today my life begins."
AN: enjoy the double update :)
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
Fiksi Umum♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...