The next morning, maaga ang pasok ko. Habang nagbibihis ako, ang daming thoughts na pumapasok sa isip ko. Parang sa isang iglap kasi ang dami nang pagbabagong nangyari sa buhay ko. Una, si papa. Dumating na siya, bumalik na. Mararamdaman ko na kung paano mahalin ng ama. Pangalawa, pinatigil na niya ako sa pagtatrabaho. Nakiusap kasi sa akin si papa na sana hayaan ko na siang gawin yung parte niya sa buhay ko, kaya pinagbigyan ko na siya. Pangatlo, si Arah at Sharah. Masi nagiging close ko na sila.
Umaga, tanghali, hapon, gabi. Magkatext kami ni Sharah. At kami naman ni Arah laging magkasama sa bahay.
Pababa na ako sa kusina para kumain nang makasalubong ko si Arah sa hallway, maga ang mata. Umiyak ba siya? Pinaiyak ba siya ng tropa kong nanliligaw sa kanya?
"Arah? Umiyak ka ba?" Pero hindi niya ako pinansin, nagtuloy lang siya sa paglakad kaya naman hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. "Arah, magsabi ka sakin, ano bang problema mo? Bakit ka umiyak? May masakit ba sayo?"
"Wala Trey, besides you'll never understand." edi wow. That's deep, perhaps mabigat talaga ang dinadamdam niya kasi she'll never talk to me like that kung wala lang yung problema niya.
"Oh-kay. Basta pag kailangan mo ng kuya just call me." with that, umalis na siya ng tuluyan. Papunta yata ng CR para mag refresh. I don't know.
Nagpatuloy ako papuntang hapag, nadatnan ko si Nay Flor na nagaayos ng makakain, umalis na daw si Papa sabi niya. Oo nga pala, Nay Flor is our new Head of the Household! Laking pasasalamat ko at siya ang nagluluto ng lahat ng pagkain dito sa mansyon. And take note, tatay is our newest Family driver. Yeah. Kahit ayaw ko at ni Papa na magtrabaho sila dito para samin, nagpumilit sila. Sabi nila "Kung ang papa mo nga Trey nagtatrabaho, ano ang karapatan naming tumigil sa pagbabanat ng buto?" may point. Kaya naman hinayaan ko na sila sa gusto nila. Besides, mapagpapatuloy ni Arah ang pag-aaral niya sa laki ng sahod na binibigay ni Papa kayla Nanay.
"Nay, si Arah umiyak. Baka po may nakwento siya sa inyo? Nag-aalala lang po ako." hinain ni nanay Flor yung mga pagkain. Piyesta nanaman.
"Wala naman siyang nasasabi sakin Iho, yaan mo't tatanungin ko siya mamaya." ganun, inaya ko na lang si Nanay kumain. Ayun, sabay sabay naming inubos ang pampiyestang agahan kasama ang mga maids at drivers namin. Bago ako tuluyang pumasok sa school.
Ahhhhh. 'Twas refreshing. Parang ang tagal kong hindi napadpad sa school. Christmas vacation na, but still I managed to go here kasi may ilang matters akong kailangang asikasuhin.
Dumiretso ako sa Dean's office pagdating ko sa school.
"Oh goodmorning Mr. Trey Tenorio -- son of the owner of Torrefiel's."
Nagulat naman ako na alam niya, I wasn't formally introduced yet as my son's dad, pero heto at may nakakaalam na agad. Still, I managed to smile.
"Gusto ko lang pong ayusin ang transfer papers ko. Lilipat na po kasi ako ng school." Marespeto at diretso kong sabi.
"I didn't see that one coming! Perhaps, who would have thought that a typical school icon is a real life gazillionaire!" sabay tawa nya ng malakas. Baliw na ba to si Mam? Angas ng pagkakatawa nya eh. Push kung push hala! Tsaka anong problema nya kung lilipat ako ng school? As if naman nakataya sakin ang kalinisan ng school at dudumi na dito pag wala ako. At isa pang di ko mapalalagpas ha! Tinawag niya kong TYPICAL! VH3! Ako lang may ganitong mukha dito sa campus, wag ako iba na lang!
-
Finally. Nakuha ko na din lahat ng documents na kailangan ko. Oo Christmas vacation at magsstop ako. Dad wants me to study about business, I couldn't agree more. Isa rin naman yun sa gusto ko, di ko lang afford kasi mahirap ako noon. Asa sa scholarships ng mga pulitikong gunggong.
Umuwi na ako sa bahay. Ayan wala nanaman akong magawa. Kaya naman I texted Sharah. I asked her how is she going. No reply. I missed her. Somehow nasanay na ako sa presence nya na lahat ng epic moments ko sa school eh magkasama kami.
Inunat ko ang katawan ko sa chair. Relaxing. Pero wala nang mas nakakarelax pa, kung magpapa-SPA ako ngayon! Ha! Itatry ko magbuhay mayaman! Hahaha!
Dali daling umilaw ang lightbulb na Philips sa utak ko. Pumunta ako sa kwarto ni Arah. Nadatnan ko siyang nag-aaral. Edi wow! Siya na!
"Arah! Studious ka na pala?" tinignan niya ako at binigyan ng death glare na kung totoong deadly talaga eh matagal na nga akong deads!
"Bakit ka nandito?" sungit naman nito.
"Eh kasi bahay ko 'to?" na lalo namang ikinasama ng mukha niya.
"Yabang mo Trey. Eversince. Mas nadagdagan pa kasi yumaman ka na!" sigaw niya. Edi wow. Anong problema nito? Pumunta ako sa gilid ng kama niya at umupo.
"Why? Kung yumaman ako, ibig sabihin yumaman ka din. Arah don't you think we need to enjoy this opportunity God has bestowed us? I mean, let's try to shift and improve our lifestyle." litanya ko. Nakangiti pa ako habang sinasabi ko pero parang walang epekto sa kanya.
"What? You mean we'll act like those bird brain sosyaleros na social climbers? No way!" pagmamatigas niya.
"No. What I'm saying is, let's take away our stresses in life. Tara na't magsaya. Hindi naman tayo makikigaya sa mga social climbers, we would just act like elites."
Ha! Parang lumiwanag naman ang mukha ni Arah.
"Napakakulit mo!"
In the end, napapayag ko din siya.
"Trey ang kuripot mo naman, aayain mo kong maghang-out tapos snowpy lang lilibre mo sakin? Ano ka ba highschool na nag-iipon ng allowance?"
"Welcome back Arah! Grabe namiss ko yung pambuburog mo sakin, hayaan mo ililibre kita sa Max's para makatikim ka naman ng manok."
"Eh sira ulo ka pala eh!" Sigaw ni Arah sabay binatukan ako.
"Aray! Para ka timawa, ba't ka nambabatok?" nagpatuloy siya sa paglalakad, natatwa ako sa kanya, para siyang girlfriend na nagtatampo!
Nagpunta kami ni Arah sa Max's gaya ng sabi ko sa kanya.
"A table for 2 sir? This way." sabi nung receptionist sa amin.
Sumunod naman kami, tapos umupo na din. Si Arah panay ang dutdot sa cellphone. Sino naman kayang katext nito?
"HOY! Ano ba Trey akin na yan! Cellphone ko yan! You are invading my privacy!" tapos inaabot abot niya yung cellphone niya. Which is nakakatuwa, namumula siya at the same time hiyang hiya.
"E-ehem. Excuse me Sir, excuse me Mam, I'm Sharah and I am going to assist you today." napatigil naman kaming pareho sa nagsalita, parehas kaming nasa stae of shock. Si SHARAH? Sharah Forester? What the?!
"SHARAH?! / SHARAH?!" sabay naming tanong ni Arah, wait pano niya nakilala si Sharah? Ah nevermind! Bakit siya nagtatrabaho dito? I mean, diba nung nakaraan workmates kami?
This is not cool.
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
General Fiction♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...
