"Ayan naabutan na tayo! Sabi sayo takbo lang eh!” nasa state of shock pa rin ako hanggang ngayon. Eh kase nemen! Ang mangre-rape sa kanya?
“Bakit tayo tatakbo? Eh bakla pala ‘tong mangre-rape sayo!” tapos tawa ako ng tawa. HAHAHAHA
“KUH! Eh sa natatakot ako sa kanya eh!” sabay tago dun sa likod ko.
“A-a-aanong rape?” naguguluhang tanong nung bakla.
“EH NAGTATAKBO TO SAKIN MAY MANGRE-RAPE DAW SA KANYA!”
“Watdapadj! Ikaw hitad ka! Gagawin mo pa akong manyak?! KILABUTAN KA NGA! PWEYDI? Sinisingil lang kita sa utang mo kasi waley na akis pang-fafa at lubog ka na sa utang sakin no!” Utang?! SINUNGALING PALA TONG BABAENG TO E.
“Eh sabi naman kasi sayo kakaumpisa ko lang sa trabaho eh! Di ba nga babayaran kita sa akinse sabi ko? Eh ang atat mo naman kase!”
“Hindi nga kasi pwede! ANG TAGAL NA NUN NO! Wala na akong pang luho! Bwisit ka sabi mo babayaran mo ako nung nakaraang buwan pa yan ah!”
“TEKA NGA! Naguguluhan na ako sainyong dalawa eh! Sabi nito may mang-re-rape daw sa kanya! Tapos ngayon nagkakasingilan kayo diyan ngayon?”
“Sharah wag ka na kasing magsinungaling sa kanya! Magbayad ka na lang kasi kesa kung anu-ano yang mga ipinagsisisnungaling mo sa kanya!”
“Eh-kase-naman eh,” tapos lumapit siya ay Beki at nagsimulang… Higitin siya sa paa? Pusang galey, para san yun? Tapos naghuhumiyak siya dun! “Wala talaga akong pambayad sayo. Pwede ba sa akinse na lang talaga?! Sige na oh. Parang di naman tayo magpinsan niyan.” –sharah / Magpinsan naman pala sila e –
“HINDI NAMAN TALAGA!” –beki / Taragiss, di naman pala talaga. Ang abnormal naman talaga nitong babaeng to.
“Ah, eh ehehe. Hindi ba? Eh-ano! Parang di naman tayo magkaibigan niyan!” –sharah / Ngayon magkaibigan naman sila? Ku!
“NOON OO. MULA NUNG GINAWA MO SAKIN YUN. HINDI NA! Aalis na ko, kaka-HB ka! Basta magbayad ka! Babalikan kita sa akinse!” tapos hinigit na niya yung paa niya mula sa pagkakahawak ni Sharah at tuluyan ng umalis. Nagpagpag siya, nagpunas ng luha at tumayo na.
Nag-peace sign siya at sinabing, “Uy salamat ah? Sorry sa abala, sige uwi na ko. Hinahanap na ako ni nanay neto eh. Ingat ka.” ^_______^v Tumalikod na siya ng tuluyan pero,
“U-u-uyyy! Sharah teka lang!”
“Uhm, bakit?” sabi niya
“Ah.. Wala, s-s-sige, bye, ingat ka.” Sabi ko with matching wave pa ng hands (Gesture ng bbye)
Ayun, umuwi na lang din ako sa bahay. Nakakapagod naman na kasi ang layo ng tinakbo namin ni Sharah no! Pagpasok ko sa bahay ang dilim. Tulog na siguro sina Aleng Flor,
“BAKIT NGAYON KA LANG!?” biglang bumukas yung ilaw sa sala.
“Pusang gala naman yan oh! Ano ba ARAH? Papatayin mo ba ako? Nangugulat ka eh!” Para namang nanay ‘tong si ARAH. Bwisit kaninang umaga pa niya ko gingulat, nung una sa brief ko, tas ngayon eto naman!
“ALAM MO BANG INAANTOK NA AKO KANINA PA?” High pitched talaga dapat? Kanina pa niya ako sinisigawan, nakakarindi!
“Eh ba’t di ka matulog! Dala ko ba kama at unan mo?!” tapos tinalikuran ko na siya. Pagod na talaga ko. 10 PM na.
Pero di ko inaasahan yung susunod niyang gagawin, binatukan niya ko naglambitin pa siya sa ulo ko, palibhasa mas matangkad ako sa kanya, di niya ako abot, kaya tumalon pa siya, tapos sabay lundag sa sofa, “Pinaantay ka kasi sakin ni Nanay! Kainis ka nga e!” sinabi niya yan habang tumatakbo papunta sa kwarto nila, di ba magigising mga magulang niya sa pinaggagagawa niya? Kaya naman pala siya badtrip sakin, pinantay pala ako nila manang.
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
Fiksi Umum♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...
