[15] Son?!

116 2 1
                                    

"Yes Uncle. Your son is with me."

Okay.

Akala niyo naman papaulit-ulitin ko 'yan na para kong sirang plakang may recorder sa utak? How cliche. Tss.

Okay na yung isa, wag na paulit-ulitin nakaka-bobo e.

"Teka, teka nga. Excuse me pero naguguluhan ako. Pwede paki-explain sakin kung anong ibig sabihin ng lahat nang 'to?" right after I said it, humarap siya.

Siya nga.

Tatay ko nga.

Tinignan ko si Amirah ng tingin na, "Hoy ano 'to?" pero umiwas lang siya ng tingin. Ang tahimik, ang silent. Tahimik nga di ba? May tahimik bang hindi silent? Pero, seryoso. Iba yung aura. Parang gusto ko na lang takbuhin yung tatay kong nakaupo sa umiikot na upuan at yakapin siya na parang bata.

"Excuse me." sabi ni Amirah, umalis na siya ng pinto, naiwan kaming dalawa ng tatay ko dito sa loob ng kwartong 'to. Nandiyan na siya pero parang may pader na nakaharang samin eh.

GALIT?

Hindi.

Tahimik pa din, mga 2 minutes na kaming ganun, naluluha ako. Gay, hay. Hindi. Ang tunay na lalaki umiiyak din!

"Anak."

There. Wala na. Sobrang naiyak na ko.

Gaya ng nasa isip ko, unti-unti kong ginalaw ang mga paa ko, kusa yong tumakbo papunta sa tatay ko na nakatayo na din at handa nang yumakap sa kin.

"Pa!" yun na lang ang nasambit ko, mahirap. Mahirap malayo sa isang ama at buhayin mo ang sarili mo dahil lang sa kailangan lumaban sa buhay. Masakit, pero hindi ko na yun nararamdaman ngayon. Kasi nung niyakap ako ng tatay ko, puro SAYA na lang naramdaman ko.

"Anak, sorry, sorry kung iniwan kita. Nagkamali ako eh." halos wala na nga akong pakialam sa sinasabi ni papa eh, kasi wala na sakin yun. Kahit anong dahilan pa yan, okay lang! Kasi ang mahalaga, andiyan na siya.

Yakap yakap ko pa din siya, ang tagal kong di nakaramdam ng ganitong aruga, sobrang saya. Hindi kasi ako yung lalaking sira-ulo na galit sa tatay niya dahil iniwan siya, hindi ganun! HINDI KASI DAPAT GANUN. Mali yun.

May dahilan ang lahat ng bagay, parents' love for us never fails, kaya may dahilan sa likod ng lahat ng nangyari at yun ang aalamin ko ngayong bumalik na ulit si papa.

"Maupo ka muna Trey." Trey, ang ganda pala ng pangalan ko pag binibigkas ng tatay ko, iba sa pakiramdam. Hayy, ang ignorante ko naman sa pagmamahal ng magulang, pero at least ngayon, hindi na.

"Pa, san kayo galing?" tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako kasi natawa siya, bakit?

"Anak 21 years old ka na, yung tanong mo pang 7." ouch, haha. Lakas mang-hard ng tatay ko, mana sakin!

Napakamot ako sa batok ko sabay ngiti, "Manang mana ka talaga sakin Trey oh, yung gwapo mong mukha, hindi maikakailang anak kita eh!"

HAHAHAHA! Grabe, magtataka pa ba kayo na tatay ko 'to?!

"Hindi rin ako magtatakang ikaw nga tatay ko Pa eh! Mahangin ka din!" at sabay pa kaming nagkatawanan.

Masaya pala yung ganito 'no? Quality time!

"Well, Trey, parehas talaga tayo pagdating diyan. Kanino ka pa ba magmamana ng kayabangan? Kung kagwapuhan nga sakin mo nakuha eh."

Laughtrip. Hahahaha iba talaga 'tong tatay ko eh.

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon