[2] Not his expected Girl-Next-Door

411 9 0
                                    

SyeteOtsoWaloEight! Kakainis to da impiniti. Oo, alam kong pogi ako, kumakaway, ngumingiti at nagha-hi kahit sa mga di ko kilala basta kinilig sakin. Pero, tengene. AYOKO SA MGA PAGEANT NA GANTO! Pambakla amputa. AYOKO as IN AYOKO!!! Mahiyain din naman ako MINSAN no!

Dun sa malayo, kitang kita ko yung mga late kong barkada na pinagtatawanan ako, deputa sila. Kung hindi sila na-late edi sana hindi ako nainip at hindi ako nasali dito at hindi nakapulupot sakin tong si ATENG NAPILITAN LANG DIN.

“May we call on the next pair, MR. & MS. #2”

Antagal naman akong tawagin?! Para tapos na. Punyet –

“HOY! CHARARAT! ANO BA?! DI KA TATAYO DIYAN? Tayo na oh!”

Tinuro ko pa yung sarili ko sabay sabi ng “AKO BA?” Pero walang sounds.

“Ay tanga.” Sabi ba naman niya sabay kamot sa ulo niya. WALA BA SIYANG SUKLAY? WAPOISE na siya pero wala pa din siyang pakialam. At ang matindi pa dun, sinigawan niya ko at tinawag na chararat sa harap ng mic?! She’s insane. Namumuro na yang babae sa mesa na yan.

“Its getting hot between this pair huh.” Sabi nung emceeng bakla tapos tumawa. KALA MO CUTE SIYA.

Tumayo na ko at nang matapos na tong palabas na to!

“Sooo… We’ll go to the question and answer portion for the both of you. There would only be 3 questions and you have to answer it. Okay? Let’s start.”

“Hinga ng malalim, this would be quick but hard.” Sabi nung emcee, pasuspense!

“Favorite fruit?” – emcee

“Mangga”/”Mango”

Tengene, ano bang klaseng tanong yan? Wala sa katinuan. Pageant tapos favorite fruit? ANO TO? SLAM BOOK? Autograph? Pshhit

“Favorite Movie?”

“Twilight”/”Yung may bampira”

“Twilight din pareho? Wow parang pinagpraktisan huh!”

At nagismiran ulit kami nitong babaeng ‘to.

“Bakit ka napasali dito?!”

“PINILIT NILA KO!” siya sabay turo dun sa dalawang pumuri sa kin kanina

“PINILIT NILA KO!” ako sabay turo dun sa dalawang pumuri sa kin kanina

“SORRY”/”SORRY”

Nagtawanan ang crowd, pano ba naman kasi, parehas na nga kami ng mga sinagot, parehas din ng gestures, sabay pa namin binaba mga daliring pinaturo namin sa namilit samin nung sabay kaming nag-sorry.

“You’re sort of destined.” Sabi nun emcee.

“Yuck, destined? Ako? Diyan sa lalaking mayabang na yan?” aba’t ang yabang din naman niya slight.

“LUGI KA PA?” Sabi ko.

“OO LUGING LUGI. BANKRUPT. LUGI. TALO. NGANGA.”

Tapos nag-walk out na siya. Ba’t ba ang init ng ulo sa kin nun? Tengene. Siya tong nagmamaganda at may pa-yuck-yuck pa! Syempre ayokong maiwang luhaan kaya tinanggal ko yung sash na pinilit nilang ilagay sakin, at nagwalk out na din ako.

6 PM

“PINILIT NILA KO! Bwahahahahahahahahahahaha! Pare ang lessonn diyan, wag magpapapilit. TANGA KA DIN KASE.” Asar sakin ni James. Habang ginagaya pa yung actions ko kanina. Tsk. Ganyan din ginagawa sakin nila Luis, Mack, at Vernon. Nauna lang silang umuwi kase taga-bundok yung mga yun.

Nandito kami sa C.R habang pinapalis ko yung make-up ko mula dun sa pageant kanina. Worst day ever ko ‘to kasi naaya ako sa isang pageant tapos nasigawan ako ng babae, at worst eh napahiya ako sa harap ng madaming tao.

“Oo na, oo na. Mali na nga ako diba, ipagdidiinan mo pa eh. Kung di ba naman kasi ako hinaltak nung dalawang officer na amazona edi sana di nangyari lahat yun!”

Pagkalabas namin ng C.R nagpaalam na si James na mauuna na siya. Naglakad lang kasi ako since badtrip ako at gusto kong mapagisa.

“Uy TREY!” “Huh sino ka?!” FC naman  nito, nakahawak pa sa braso ko at hingal na hingal.

“Sha-rah.” Sagot niya habang nakasapo sa dibdib niya at hinahabol ang hininga niya. Sharah pala pangalan niya? Nung babaeng naki-share sakin ng mesa sa school 2 days ago yata, nakapartner ko sa pageant, yung masungit na babaeng nag-walk out sa harap ng maraming tao kanina.

“Akala ko umuwi ka na? May pa-walk out walk-out ka pang nalalaman. ANYARE SAYO?”

“Ka-kas-I, m-mu-nti –”

“Muntik na kitang tadyakan pag di mo inayos pagsasalita mo diyan!” sabi ko, ay nakakabuset kase, paano kami magkakaintindihan kung ganyan siya?

“Hayyy. KAYA KO TO.” Bulong niya na napakalakas naman! Huminga siya ng malalim tapos,

“EHKASIMUNTIKNAKONGMARAPEDUNNGMGAHINDIKOKILALANAKAKATAKOT!”

Sinabi niya yan ng walang hinto. Ang narinig ko lang ngang malinaw na word eh, “MA-RAPE”

“Ano? Di kita maintindihan ayusin mo naman pagsasalita mo!”

Linga siya ng linga sa likod, ano bang nangyayari sa kanya? Ano ba yan, ang gulo-gulo ng buhok niya, para siyang na-rape.. NA-RAPE? DI NGA KAYA? O.o

“ANG SABI KO MUNTIK NA KONG MA-RAPE, TANGANG TO. BINGI KA BA? MUNTIK NA AKONG MA-RAPE AT, TAKBO! ANDYAN NA SILA!”

Hinaltak niya ako at nakitakbo na lang ako sa kanya kasi may humahabol nga samin. Siguro nga etong mga humahabol samin ang nang-rape sa kanya. EH PUTRES bat ba di ko na lang pagsususuntukin yan? BAT AKO NAKIKITAKBO?

“TEKA NGA!” Sigaw ko sakanya since nakalayo naman na kami, sa bilis ba naman ng takbo nitong babaeng to, naka-heels pa yan ah!

“Ano? Baliw ka ba? Ba’t tayo huminto? Eh pano kung abutin tayo nila, baka ma-rape pa ako! Tapos ikaw reypin ka din! Halika takbo na!” Akmang hahaltakin niya ulit ako pero pinigilan ko siya.

“Te-te-teka nga! Calm down!” sabi ko para pigilan siya.

“Calm down? Calm down? Muntik na kong ma-rape tapos calm down? ENE KE BE!”

“Ang ar-ar nito. Tumigil ka nga! Chararat ka pipitikin ko yang bibig mo!”

“Eh kasi andiyan na sila! Andiyan na halaaaaaaaa!”

“Hooooly sheep. Ang bilis mong tumakbers ati! Kala ko madededboling na akis! Hay kaloka! Buti na lang kineri-boom-boom kew!”

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon