Jade's POV
Kinakabahan ako dahil nandyan na naman sya at papalapit sa akin, ano bang ginagawa nya at parang nanunukso sya? 'di nagtagal at heto na nga at nakalapit na sakin at naka-ambang hahalikan ako. Napapikit na lang ako at hinintay na lang ang susunod na mangyayari. Nang biglang.......
BAAAAANNNGGG!!!!
"Ouch!! bad trip!!" ang tanging lumabas na lang sa bibig ni Jade. bumagsak pala sa muhka nya ang alarm clock.
"Haayyyysss, panaginip lang pala akala ko totoo na." Kausap ni Jade ang sarili. At tumingin sya sa oras. Alas-dos pa lang pala ng madaling araw nawala tuloy ang antok nya dahil sa alarm clock na bumagsak sa muhka nya na pakiramdam nya pa'y namula ito.
Tumayo sya at dumungaw na lang sa may terrace ng kwarto nya para magpahangin. Nagmuni-muni hanggang sa maalala nya ang panaginip nya.
"Haayyyss! pati ba naman sa panaginip ko nadala ko yun? anong meron ba yung babaeng yun? hindi kaya may gayuma yun? C'mmon Jade! hindi ka naman siguro baliw diba?" pangangaral nya sa sarili.
Nang mainip sa pagtambay sa terrace bumaba sya sa kusina kumuha ng tasa nag-init ng tubig at nagtimpla ng kape. Umupo ito at nagmuni-muni na naman habang nakatitig sa kapeng tinimpla.
Althea's POV
Bigla itong napabalikwas ng bangon at hinihingal.
"Hayyyss, ang samang panaginip naman nun." tugon nya sa sarili. Humiga ulit ito at tumingin sa kisame. Nang bigla syang may naalala. Tumayo ulit at kinuha ang brochure na binigay sa kanya kanina ng guro. Habang tinititigan nya ito bigla syang napa-isip at napa-tanong.
"Hmmm, bakit kaya ganun kung kumilos yung teacher na yun kanina? Ang weird. Sobrang lamig pa ng kamay nya nung nahawakan ko." Tugon nito sa sarili.
"Ay ewan. Kung anu-ano naiisip ko'' Kausap nya ulit ang sarili.
KINABUKASAN
Halos lumindol ang kwarto ni Jade sa pagmamadali nito dahil mahuhuli na naman sya.
Umakyat ang ina nito."Juskong bata ka, akala ko may lindol na halos mabutas na yang sahig oh" puna ni Amanda.
"Tinanghali na naman po kasi ma eh, male-late na ako." Sagot nito habang tinutuloy ang pag-aasikaso.
"Eh bakit ka ba naman kasi tinanghali na ng gising? Eh maaga ka naman nakauwi kahapon at maaga karin nakapag-pahinga." Tanong naman ng ina nya.
Bago ito sumagot nilingon nya muna ang ina."Hindi kasi ako makatulog ehh, kahit anong pwestong gawin ko hindi ako makatulog. Somethings bothering me." Paliwanag nito sa ina.
"Eh ano naman ba ang bumabagabag sayo?" Muling tanong ng ina.
"I dont know ma." Sagot nito na may kasamang kibit balikat.
"Oh sya, halika na't bumaba na tayo kumain ka na muna kahit konti" Yaya ng ina nya.
Agad naman itong sumunod. Pagkatapos kumain umalis na ito. Habang naglalakad kinuha nya sa bag nya ang cellphone para tawagan si Sally.Ring! Ring!
Pag-ring ng dalawang beses may sumagot na.
"Hello Sally, nasa school ka na ba?" Tanong nito sa kaibigan.
"Yes Im here, nasan kana ba? Late ka na naman." Sagot ni Sally.
"Tinanghali na naman kasi ako ng gising eh,tsaka trapik pa kainis!" Paliwanag nya.
"Madalas ka ng tanghaliin ano b nangyayari sayo?" Muling tanong ng kaibigan.
"Pwede? 'wag kung anu-ano tinatanong mo." Pigil nito sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?