When a Good Model meets Unknown

3.5K 76 7
                                    

"Jade, Jade, anak bangon na umaga na baka ma-late ka pa sa trabaho anong oras na oh," gising ni Amanda sa kanyang anak na tulog na tulog pa.

"Hmmm, Ma naman ehh, mamaya na antok na antok pa ako eh". ingit nito sa ina na may halo pang pagkamot pa sa ulo.

"Anong mamaya na? tatanghaliin ka sa trabaho mo, ala-syete na" pangungulit ng ina para bumangon na ang anak mula sa kamang kinahihigaan nito.

Nang marinig nya ang mga sinambit ng ina napabalikwas ito sa pagbangon.

"Ano?! ala-syete na?! Ma, bakit ''di mo sinabi sa akin agad.?! paninisi pa nito sa ina at nagmadali ng tumayo mula sa kinahihigaan. ina

"Aba, nanisi kapa ah, kanina pa kita ginigising ikaw itong ayaw bumangon." Tugon naman ng kanyang ina na tila 'di naman galit.

"Bilisan mong mag-asikaso at nakahanda naman na yung almusal" dugtong nito habang sya patungo na ng banyo.

Pagkatapos maligo agad na itong nagbihis at nang matapos ng magbihis bumaba na ito mula sa kwarto.

"Oh tapos ka na pala mag-asikaso, halika kumain kana bago ka umalis" anyaya ng kanyang ina.

"Ma, baka ma-late ako ehh hindi na po ako kakain" sagot nya habang humihigop ng kape, pagkahigop ng kape agad na itong nag-paalam.

"Bye Ma" paalam nito na may kasamang halik.

"Ayaw mo ba talaga kumain? kaya ka nangangayayat ehh" pahabol na sabi ng ina habang sya na sa labas na.

"Sexy naman!" mabilis nyang sagot na akala ng ina 'di narinig ang sinabi nya sa anak.

Nagmamadali itong maglakad patungong trabaho enrollment kasi ng mga bata ngayon kaya dapat hindi sya ma-late. Yes, she's a teacher, a brilliant teacher. Maraming estudyante ang nagiging paborito sya hindi nya nga alam kung bakit eh marahil sa cool sya kung magturo pero hindi nya hinahayaang mawala yung respeto sa kanya.

Pagkarating sa eskwelahang pinagta-trabahuhan nya agad syang tumungo sa table nya hindi nga sya nagkamali, nahuli nga sya sa trabaho pero hindi naman ganun katagal ang pagkahuli nya nang may biglang pamilyar na boses syang narinig na nangungutya. "OH! late ka naman, sa'n ka nanggaling kagabi? bakit puyat ka na naman?" Maagang pang-aasar ni Sally sa kapwa nya guro.

"Ikaw talaga ang dumi ng utak mo noh, ang aga-aga mong mang-asar" sagot nito sa kaibigan. Si Sally kasi ang pinaka-close nya sa lahat ng guro na katrabaho nya kaya't naging matalik silang magkaibigan.

"Oh ito na yung mga ilang nag-enroll kanina sa hawak mong section" tugon ni Sally habang inaabot ang student list.

"Salamat" sabay abot ng listahan ng mga pangalan ng mga estudyante.

"Madadagdagan pa kaya ito?" tanong nya.

"Oo naman!, maaga pa naman eh malayo-layo pa ang pasukan we have 2 weeks". sagot naman ng kaibigan nyang si Sally.

Ilang sandali pa may biglang lumapit sa kanilang babae na animoy anghel ang muhka.

"Excuse me, this is the office of Ms. Tanchingco?" tanong ng babae na malambing din ang boses na talaga namang bumagay sa muhka nito.

"Yes, it is, and I'm a Miss Tanchingco."

"Ah good morning Ma'am, mag-iinquire lang po sana ako."

"Ah ok, have a sit." offer naman nya kay pretty girl.

"Thank you, tanong ko lang po kung magkano yung tutio nyo at ano po yung mga available schedule nyo." tanong ng babae.

"Bibigyan na lang kita ng brochure and you will choose the schedule you want if it is available. Sally pakisuyo naman yung brochure please thank you" tugon nya rito at agad naman sumunod si Sally at kinuha ang brochure na nasabi.

"Oh ito na yung brochure na pinapakuha mo" tugon ni Sally at iniabot na kay Jade ito.

Bago ibigay kay pretty girl tiningnan nya na muna ang brochure at sinuri kung tama nga ba ang brochure na ito. Nang mai-check sandali binigay nya na ito sa babae.

"Thank you" sagot ng babae at iniabot ang brochure, nang magkadikit ang mga kamay nila para bang nakaramdam si Jade ng kuryente at dumaloy ito sa buong katawan nya, there's something weird ngunit hindi na nya ito pinagtuunan pa ng pansin ang inisip nya na lang baka nilalamig lang sya dahil sa air-con.

Habang nagbabasa si pretty girl hindi nya maiwasang mapatingin dito at ganun din ang babae. Sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata para bang kinukuryente sya at 'di nya maipaliwanag ang nararamdaman nya.

Nang matapos ng basahin ni pretty girl ang information sa brochure, hindi nya namalayan na kinakausap na pala sya nito at nagising na lang ang diwa nya nang tapikin sya ni Sally.

"HUUUYYY!! ano ka ba?! ok ka lang?" gulat ni Sally sa kanya.

"Ayyy, I'm sorry, what did you say? please pardon me." Mabilis na sabi nito nang magising ang diwa.

"Tatawag na lang po ako o pupunta na lang ulit ako dito kapag nakapag-decide na po ako." nakangiting sagot ng babae.

"Ah ganun ba sige take your time tutal malayo-layo pa naman ang pasukan eh." sagot nya na may halong hiya dahil sa pagkakatulala nya.

"Sige po Ma'am" paalam ni pretty girl at inilahad ang kamay upang makipag-shakehand sa kanya. At 'di nya naman binigo ito at nakipag-shakehand rin. Parang lalong lumakas ang kuryenteng naramdaman nya nang maglapat na ang mga palad nila. Agad nya itong tinanggal para di halatang nilalamig ang kamay nya baka kung ano pa isipin ni pretty girl.

"Sige thank you I hope makapag-decide ka ng mas maaga-aga para maganda din ang schedule na makuha mo." tugon nya sa babae habang palabas naman ito.

"Yes Ma'am" maikling sagot nito na nakangiti pa.

Nang makaalis ang babae nagpakawala sya ng maraming hangin sa katawan nya.

"Ayy, grabe naman ito kung makapag-buntong hininga, hinay hinay lang maubsan ka ng hangin ikaw din sige ka." puna ni Sally.

Tumingin lang sya kay Sally na para bang naiba ang mood nito.

"Oh, anyare sayo? bat biglang nag-iba ata ihip ng hangin" usisa ni Sally.

"Hmmmm... nothing, I feel something weird" matamlay na sagot nya.

"Something weird??? ano naman yun?'' usisa ulit ng kaibigan.

"I don't know, I can't explain eh." sagot naman nya.

"Alam mo, gutom lang yan, halika kain na lang tayo tapos libre mo ako" yaya naman ni Sally na may halong pangungulit pa.

Habang papunta sila sa restaurant na madalas nilang pagkainan lutang pa rin ang utak ni Jade at hanggang ngayon sa mga oras na ito hindi nya pa rin maipaliwanag kunbg bakit. Hanggang sa nakarating na sila sa restaurant nang hindi nya namamalayan.

"Welcome to Italliani's Restaurant!" pagbati ng isang crew dito at inihatid pa sila sa table at binigyan ng menu.

Habang namimili ng putahe eh wala pa din ito sa sarili, ginising na lang ni Sally ang diwa nito.

"HUUUUYYYY!!! ano ka ba? kanina pa ko salita ng salita dito 'di ka pala nakikinig dyan ano bang nangyayari sayo?!" taas na tono ni Sally.

"Ah eh, siguro puyat lang? o gutom?" pagkukunwari nya.

"Ay naku ewan ko sayo, mag-order kana ako meron na akong order." sagot ni Sally na may halong inis pa din.

"Yun na din ang order ko" lutang nyang sagot at agad naman kumilos ang waiter para kuhain ang inorder nila.

"Sally, nangyari na ba sayo yung nakita mo yung isang tao and then when your eyes met you see the person's soul". hindi nya alam kung bakit din nya naitanong yun para bang kusa na lang yung bibig nyang nagtanong at 'di nya ito napigilan.

Napanganga na lang si Sally sa mga sinabi ng kaibigan.

"Huuuhh?? ok ka lang ba? ano ba talgang nangyayari sayo? tanong ng kaibigan.

"W--w-wala, nevermind." yun na lang ang tanging naisagot nya. Ilan pang sandali bumalik na ang waiter at dala-dala na ang mga inoeder nila pagkalapag ng mga pagkain inumpisahan na nila itong kainin ng tahimik.


World and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon