"Ewan ko ba Batchi, dumadalas na yung ganitong sitwasyon namin...hindi na kami nagkakaintindihan..hindi ko na sya maintindiha." Malungkot na sabi ni Althea sa kaibigan sabay tungga ng isang bote ng alak.
"Kung ako sayo iwanan mo na sya!" Sabat naman naman ni Wila dito.
"Itikom mo nga yang bunganga mo Wila kung wala ka namang sasabihing matino." Saway ni Batchi.
"Alam mo Tsong kasama talaga yan kahit saang klaseng relasyon... nasa sa inyo yun naman yun kung napapagod ka na o sya sa ganyang sitwasyon mo.. puro duda ka kasi Tsong nagco-conclode ka agad ehh ilang beses na kitang sinabihan na tanungin mo sya ng deretso kung sino ba talaga yang David na yan na nagtetext sa kanya ng sweet. " Batchi said to Althea.
"Batchi, natatakot ako.. nitong mga huling araw nga nagtatalo kami sa maliit na bagay lang ...mula nung huling punta nya sa office ko nag iba na ihip ng hangin, hindi ko na alam kung saan na ba ako para sa kanya. Lagi nyang dahilan busy sya... tas galit pa kapag nagtatanong ako ano ang pinagkakaabalahan nya bakit sya laging busy." Sagot ni Althea sabay inom muli ng alak.
Halatang may tama na ito."Tsong alam mo klaruhin mo yung sitwasyon nyo para naman hindi ka nangangapa ng ganyan...mahirap yan." Tugon ni Batchi sabay tapik ng shoulder ng kaibigan.
"Ayy nakooooo.. umpisa pa lang kasi alam mong kumplikado na pinasok mo pa.... ehh pano pala kung boyfriend nya talaga yung David na yun at akala lang nya mahal ka nya dahil na-confused lang sya nung una kayong nagkita" sabat muli ni Wila sabay bukas ng isang beer.
"Alam mo Wila hindi ka nakakatulong ehh lalo mo lang pinasasakit ang ulo ko! Pls lang ha wag mo ng sabayan!" Mataas na boses ni Althea dahil sa narinig.
"Edi ako na ang hindi nakakatulong! Nakakahiya naman sayo noh?! Ako na itong concern ako pa lumalabas na masama. Dyan na nga kayong dalawa! tutal kayong dalawa lang naman ang nagkakaintindihan at sa palagay ko hindi nyo rin naman ako kailangan!" Si Wila na tumaas din ang boses at umalis na.
"Kung ikaw sumasakit ulo mo kay Jade ako naman sumasakit ulo sa inyong dalawa. Ang labo nyo." Si Batchi na naiirita na sabay kamot ng ulo.
"Ewan ko ba dun sa kaibigan mong yun kahit kelan walang nasabing matino." Si Althea na iiling iling pa.
"Ay naku.. tsaka mo na sya isipin ako na bahala dun isipin mo muna sitwasyon mo ngayon kay Jade.. klaruhin mo kung ano ka pa ba sa kanya... tara na umuwi na tayo..lasing kana. " paliwang ni Batchi na inaalalayan tumayo ang kaibigan dahil halos nakahiga na ito sa kinauupuan.
Flashback
"Lab? Saan mo gustong kumain tayo mamaya?" Si Althea na naglalambing at pinaglalaruan ang isang kamay ni Jade.
"Uuyy lab? Nakikinig ka ba?" Muling sabi nito sabay tapik sa braso ni Jade.
"Ano ba yun??!! Nakita mong busy ako diba?!" Pasigaw na sabi ni Jade na ikinabigla naman ni Althea.
"Nagtatanong lang naman ako kung saan mo gustong kumain mamaya... minsan na nga lang tayo magkasama busy ka pa rin... ano ba yan?" Mahinahon na sagot ni Althea.
"Sa trabaho ito ok??!! At tsaka magsasabi naman ako kung gutom ako at kung saan ko gustong kumain! Bakit hindi ka makapaghintay na sabihin ko yun??!! Lagi ka na lang tanong ng tanong ng kung ano ano... may halo pang pagdududa!" Tugon ni Jade na mataas pa din ang boses.
"Ok.. ayoko makipag away...alam mo hindi na kita maintindihan bakit ka nagkakaganyan...lagi na lang mainit ang ulo mo sa akin may nagawa ba akong mali?.... ngayon na lang tayo nagkita ganyan ka pa." Sagot naman ni Althea na kalmado pa din.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?