Pain

863 32 5
                                        

Matapos na ang dinner nila umuwi na si Jade kasama nya ang pamilya nya,nasa biyahe na sila at napansin ni Amanda ang anak na malungkot ito.

"Anak ok ka lang ba?" Tanong nya dito.

"Yes Mama, pagod lang po ako." Pagpapanggap nya.

Nakarating sila sa mansion ng wala syang imik. Pagkababa ng kotse dumeretso na agad si Jade sa may kwarto nya sa taas.

"Naninibago talaga ako sa batang yan Oscar." Sabi ni Amanda habang sinusundan ng tingin amg anak.

"Ako ang bahala para di na lumala pa yang batang yan." Sagot ni Oscar at tila naguluhan naman si Amanda sa sinabi ng asawa nya.

"Haa?? Anong ibig mong sabihin Oscar?" Takang tanong nito.
Hindi naman sya kinibo nito at dumeretso na rin ito sa taas patungong kwarto napailing na lang si Amanda.

Lumipas ang ilang oras nakahiga pa din si Jade sa kama nya at pinagmamasdan ang kisame.
Tumayo sya at binukasan ng pahapyaw ang pinto madilim na sa baba tanda na nasa kwarto na lahat ang mga tao. Hindi na sya nagpatumpik tumpik pa,kanina pa sya humahanap ng tyempo na makatakas. Binilisan nya ang pagbaba at patakbong lumabas.

Mabilis syang nakarating sa bahay ni Althea dahil gabi naman na. Agad syang bumaba ng sasakyan.

Kumatok sya at pinagbuksan naman agad sya. Nagulat si Althea na si Jade pala ang kumakatok dahil hindi nya inaasahang pupunta ito ng ganung oras.

"Anong ginagawa mo dito??!!" Galit nyang sabi at aakma sanang isara ang pinto pero agad itong napigilan ni Jade.

"Please! Mag usap tayo hayaan mo akong magpaliwanag." Pagmamakaawa nito at tuluyan na syang pumasok at isinara ang pinto dahil baka may makarinig pa sa kanila sa labas.

"Hayaan mo akong magpaliwanag lablab." Muli nyang sabi.

"Paliwanag?!! Ano pang ipapaliwang mo Jade?! Malinaw na malinaw naman na sa akin ang lahat hindi naman ako ganun katanga oara hindi ko ma-gets ang pangyayari kanina!! So ano pang ipapaliwanag mo??!!" Sigaw ni Althea.

"Lablab please... hindi ko gustong pakasalanan si David..matagal ko ng gustong sabihin sa iyo ito pero wala akong lakas ng loob.. natata..." hindi pa sya tapos magpaliwanag agad ng nagsalita si Althea.

"Natatakot kang ano?!! Natatakot kang lumayo ako at magalit sayo?! Palagay mo ba Jade hindi ako galit sayo ngayon??!! Ginawa mo akong tanga! Mas madali pang tanggapin na sinabi mo sa akin ang lahat atleast isahang sakit na lang kesa ginawa mo akong tanga!" Muling sigaw ni Althea na naluluha na dahil naramdaman na naman nito ang sakit.

Now Playing:
How could you say you love me by: Sarah Geronimo

You say, that you've always been true
Lookin' in your eyes, I see you lie
You're trying hard to hide that
There someone new you found and,
You want me to believe that you still care

"Althea please tanggapin mo naman ang paliwanag ko...paniwalaan mo naman sana ako." Pagsusumamo ni Jade na umiiyak na.

"Tanggapin??! Do really you think I can accept your explanation knowing na naglihim ka sakin at magpapakasal ka na???!! At ang masakit pa dun ako pa ang nag organize ng engagement party nyo!!! It so stupid!!!!" Halos magwala na si Althea. Pilit naman nahinahawakan sya sa braso ni Jade pero pumipiglas ito.

How can you hurt me this way
Everything I knew was lovin' you
How could you try pretending
Your love was never ending
Now you can't even say that you will stay

World and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon