Walk Away

915 35 0
                                    

Althea's POV

Bumalik na sya, bumalik na ang pinakamamahal kong tao sa hinaba haba ng panahon...

Bigla syang yumakap sa akin ng mahigpit pero sa halip na gantihan ko sya ng yakap hindi ko ito nagawa, imbes na pananabik ang maramdaman ko at saya, kirot at hinagpis ang naramdaman ko at bumalik lahat ng pangungulila at sakit dulot nya ..agad akong kumawala sa pagkakayakap nya at mabilis na tumakbo palabas.. ang mga ngiti ng mga tao kanina sa paligid ay naglaho bigla dahil sa ikinilos ko.. hindi ko kaya, hindi ko pa kaya syang harapin dahil sa sakit na naidulot nya sa akin...dahil sa mga panahong umasa pala ako sa wala, ayoko na ng gulo,ayokong makigulo sa buhay nila ni David at ng anak nila...gusto ko na ng katahimikan, hindi ko man alam ang dahilan kung bakit nya ginagawa ito wala na akong balak pang alamin yun dahil ayoko ng masaktan ng paulit ulit, masakit pa din, sobrang sakit pa din...

Agad akong pumunta sa kotse at pinaharurot ito..gusto ko munang mapag isa para makapag isip...pupunta ako sa lugar na alam kong marerelax ako.

Matapos ang mahigit isang oras na biyahe nakarating na ako sa paborito kong lugar.... sa over looking sa Antipolo.

Wala pa din pinagbabago ang lugar... sariwa ang hangin at talaga namang nakakarelax pero may konting kirot sa puso ko dahil ang lugar na ito ay isa ring saksi kung paano kami bumuo ng pangarap...pangarap na hindi na kailanman matutupad... unti unting namuo ang mga luha ko.... isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko para maibsan ang sakit at maiwasan ang pag iyak ko but its not enough to resist the pain I feel right now bumagsak pa din ang mga luha ko .... kasabay ng pag ihip ng hangin ang aking pag hikbi at bawat patak ng luha ko sumasabay sa daloy ng hangin...I can't fight the pain, mahina pa din ako pagdating sa kanya.

"Althea...." sambit ng pamilyar na boses ng babae at agad ko naman itong nilingon mula likuran ko.

"Bakit ka nandito? Paano mo nalamang nandito ako? Anong ginagawa mo dito? Gusto kong mapag isa." Tugon ko sa babae sabay talikod ulit.

"Sinundan kita kasi nag aalala ako sayo...si Batchi nadaw bahala doon sa office." Tugon nya.

"Cathleen hindi mo na dapat ako sinundan..." sabi ko at bigla kong naramdamang yumakap sya sa akin mula likod.

"Hindi ko hahayaang mag isa ka..alam mo naman na ayokong nakikita kang ganyan. " tugon nya sa akin habang nakayakap.

"Hayaan mong ako mismo mag gamot sa sarili kong sugat, ako lang ang makakagamot nito." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan.
Bigla itong kumawala sa pagkakayakap at iniharap ako sa kanya

"Mahal mo pa din sya no?" Tanong nya. Parang may kung anong bagay na nagpabilis ng tibok ng puso ko dahil sa tanong nya kaya hindi agad ako nakasagot.

"Ano? Mahal mo pa din ba sya?" Muling tanong nya

Malaking buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako sumagot.

"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi na" I said in with my calm voice.
Ngumiti lang sya sa akin sabay hawak sa dalawang braso ko.

"Ok" nakangiti nyang sagot sabay unalis na sya at naiwan akong mag isa.


















Samantala

"Talaga??! Bumalik na sya?!" Tugon ni Wila na may pagkahalong gulat ng mabalitaan ang nangyari.

"Oo Tsong napanganga kami ni Althea ehh wala kaming kaalam alam na kasabwat nya pala yung mga models." Paliwanag ni Batchi sa kaibigan.

"Anong ginawa ni Althea?" Usisa pa ulit ni Wila.

"Ayun! Tumakbo palabas kaya nga nadisappoint din yung mga tao kanina ehh dahil sa ginawa nya.. hindi mo rin naman kasi masisi si Althea kung bakit nya ginawa yun..ikaw ba naman kasi ang iwanan ng walang dahilan at malaman na may anak na yung mahal mo syempre masakit yun..hanggang ngayon alam kong hindi pa rin sya nakakamove on kahit matagal na panahon na ang nakakalipas... minahal nya ng sobra si Jade ehh..pero ang hindi ko lang talaga malaman ano ang purpos ni Jade bakit nya ginawa yun eh may anak na sya kay David? Ano yun paaasahin na naman nya kaibigan natin?" Paliwanag ni Batchi..

"Malay mo naman gusto nya na naman na guluhin ang buhay ni Althea..isa pang lapit nya makakatikim na talaga sa akin yun! Magpapaasa na naman sya ng tao!." Inis na sabi ni Wila.

"Ewan ko ba...si Althea naman ang makakapagdesisyon dyan suporta lang tayo." Si Batchi na humigop ng kape.

"Teka? Nasan pala nagpunta yun?" Tanong ni Wila

"Ewan ko.. pero sinundan sya ni Cathleen. Si Jade umalis din agad nung tumakbo si Althea." Sagot ni Batchi.
Wila nodded as her response.





















Dumeretso na si Althea sa bahay nya galing sa Antipolo.. 9:30 P.M na sya nakauwi dahil din sa trapik kaya agad syang nahiga sa kama dahil sa pagod sa biyahe umayos sya ng higa at tinitigan ang kisame...pilit nyang huwag isipin ang nangyari kanina pero hindi nya maiwasang sumagi sa isip nya iyon.. yung mga titig at mahigpit na yakap ni Jade na matagal nyang hindi naramdaman ay naramdaman nya na namang muli at tila ayaw nyang kumawala kanina sa pagkakayakap nito pero nung sumagi sa utak nya na may anak na si Jade hindi nya maiwasang manlambot at masaktan kaya mas pinili nyang tumakbo na lang to cover her pain inside. Ilang taon na din ang lumipas pero sariwa pa din ang sugat.
She shook her head para matanggal sa isipan nya iyon..

"Ahhggggggg!!! NOOOOOOO!! Please Jade don't make me insane......again!!!!" Sigaw nya habang nagpapagulong gulong sa kama at sinasabunutan ang sarili..para na talaga syang nababaliw..

"Nooooo!!" Muli nyang sigaw at biglang umupo sa kama at pinagbabato ang mga unan..hindi nya na alam ang gagawin..hindi nya alam kung paano mawala sa isipan nya si Jade...hindi nya alam kung paano sya makakatakas dito at ang nararamdaman nya pa rin for Jade. Para gusto nya na lang biglang maglaho para matapos na ang kabaliwan nya.






Kinabukasan

Pagpasok ni Althea sa office nya naabutan nya sila Batchi at Wila na nagkakape...

"Oh Tsong...kumusta? Tara coffee tayo..." salubong ni Batchi..bago sumagot naupo muna sya sa office chair.

"Heto ok lang..mamaya na lang ako magkakape..." sagot nya sabay sandal sa upuan at hinilot ang sintido.

"Haaayyy naku stress ka na naman no? Alam ko kung sino dahilan nyan.." sabat ni Wila sabay higop ng kape.
Napatingin naman si Althea sa kanya.

"Sino talaga?" -_- Sagot nya

"Hoooy Ms. Guevarra wala kang maloloko dito!! Alam naman namin si Jade ang dahilan kaya ganyan ka na naman..bigyan kita ng salamin para makita mo yang muhka mo ngayon daig mo pa natalo sa lotto" sambit ni Wila.

"Bakit totoo naman sinasabi ni Wila ehh..nagkakaganyan ka lang naman dahil kay Jade.." sabat naman ni Batchi.

"Tigilan nyo nga akong dalawa..Lalo akong nai-stress sa inyo eh." Sabi ni Althea na patuloy pa din sa paghilot ng sintido nya.

"Hahaha!! Nakakatawa ka talaga Tsong! Pagdating kay Jade windang ka talaga.." asar pa ni Batchi.

"Ewan ko sayo Batchi" awat nya sa kaibigan.

"Pero Tsong seryosong tanong, anong balak mo ngayon? Baka kulitin ka ulit." Biglang sumeryoso naman si Batchi. Tiningnan na muna ni Althea sa mga mata ang kaibigan bago sumagot.

"Hindi ko alam Batchi..naguguluhan ako ngayon..bakit pa kasi sya nagpakita ulit" tugon ni Althea sabay hilamos sa muhka nito na halatang stress na stress.
Nagkatinginan na lang sila Batchi at Wila
Pailing iling na lang si Batchi dahil ang totoo nahihirapan din sya sa sitwasyon ng kaibigan...ayaw nyang nakikita na nasasaktan ang kaibigan nya... gusto man nyang pahupain ang sakit na nararamdaman nito hindi nya magawa dahil hindi nya naman alam kung paano gagawin yan ang tanging alam nya lang ay mag stay sa tabi nito at suportahan.

World and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon