Heartache

848 32 1
                                    

Flashback

"Sir, ito na po ang mga litrato ni Jade at nung babaeng madalas nyang kasama, kumpirmado po na may relasyon sila" tugon ng private imvistagato.

"Sinasabi ko na nga ba na may kalokohan na ginagawa yang batang yan!!" Galit na tugon ni Oscar.

"Napagalaman nyo ba kung anong buhay meron itong babaeng ito!??! Sino sya??!!" Muling tugon ni Oscar na lalong tumaas ang boses.

"Sir Althea Guevarra po ang pangalan ng babae at may ari ng isang kompanya na nag-oorganize ng malalaking event. May asawa po sya pero hiwalay na sila at ngayon nakakulong ang lalaki dahil sa hindi magandang pakikitungo nito kay Althea. Si Tommy po yun at ang tumulong po kay Althea para makulong ang dating asawa ay yung anak nyo po. May anak din po si Althea,Miggy ang pangalan at nasa poder nya ito." Paliwanag ng imbistigador.

"Nagkamali yang babaeng yan ng kinalaban!! Humanda silang dalawa sa akin ni Jade!! Ano ang pangalan ng kompanya nya at saan nakakulong ang asawa nya.??" Sabi ni Oscar.

"Guevarra's Company po..sa may malapit po sa Q.C nakakulong ang asawa nya." Mabilis na sabi ng imbistigador.

"David!! Doon ka pumunta sa kompanya ng salot babaeng yun at doon ka mismo magpa-organize ng engagement party nyo!" Galit na sabi ni Oscar kay David na katabi lang nya na nakikinig.

"Yes tito." Maikling sagot nito na nanlulumo dahil sa binalita sa kanila.

"Pupunta ako sa school at sasabihan ko ang principal ang lahat para isang kahihiyan na lang ang maranasan natin dahil kay Jade!! Para magtino at para maramdaman nya rin kung paano mapahiya!! " muling sabi nito na hindi maalis ang galit.

Pumunta nga sila sa school kung saan nagtatrabaho si Jade at sinigurado nila na wala si Jade doon. Hindi na sya nagpatumpik tumpik pa at sinabi na nga nito sa principal ang pakay nila na paalisin na si Jade dito.

"Sige po Mr. Tanchingco makakaasa po kayo..bagamat dismayado kami sa binalita nyo tungkol sa anak nyo." Tugon ng principal.
Matapos nilang kausapin ang principal tumungo naman sila sa Q.C kung saan nakakulong si Tommy.

"Tommy!! Laya kana!" Sigaw ng isang pulis mula sa labas ng rehas, nagulat naman si Tommy dahil hindi nya alam o kilala kung sino ang napiyansa sa kanya.

"S-sino nagpiyansa sa akin Boss?" Utal na sabi ni Tommy pagkalabas ng rehas.

Bigla naman lumitaw si Oscar sa harapan nito bago makasagot ang pulis.

"Sya yung nagpinyansa sayo! Wag ka na gagawa ng kalokohan!" Tugon ng pulis sabay alis at naiwan naman sina Oscar,David at Tommy.

"S-sino ka? Sino kayo?" nagtatakang tanong nito.

"Wag ka masyadong maraming tanong, magpasalamat ka dahil piniyansahan kita, alam kong mapapakinabangan kita sa mga plano ko para tunigil na sa kalokohan ang anak ko at tigilan na nya ang anak ko." Paliwanag ni Oscar.

"Anak? Sinong anak??! At bakit kilala nyo si Althea?" Si Tommy na naguguluhan pa din sa mga nangyayari.

"Si Jade ang anak ko at magkarelasyon sila ng asawa mo!!" Sagot ni Oscar na may konting taas ng boses.

"At si David ang mapapangasawa ng magaling kong anak!" He added and he pointed David.

"Ganun ba.. kaya nga kami naghiwalay dahil sa katomboyan ng hayop ng babaeng salot na yun ehh!!" Gigil na sabi ni Tommy.

World and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon