Brute

891 30 4
                                    

"Ang sakit Jade! Ang sakit sobra!!" Muling sabi nya sa sarili habang sinusuntok ang sarili sa may kaliwang dibdib..hindi nya maiwasang humagulgol.. wala naman nakakapansin sa kanya dahil na sa sulok sya at isa pa busy ang mga tao sa paglilibang kung may nakakapansin man sa kanya wala syang pakialam ang gusto nya mailabas ang sakit at sama ng loob.

Tumayo sya at tumungo sa labas.

Hinanap nya ang kotse nya at agad itong minaneho.

Habang nagmamanho patuloy sa pagbagsak ang mga luha nya. Naramdaman nya biglang hindi nya na makontrol ang kotse tinatapakan nya ang break nito pero wala at nang may biglang tumawid na babae sinubukan nya itong iwasan pero huli na kaya naman nagkandabalebalentong ang kotse nya at sumalpok sa poste at ang babae naman na biglang tumawid ay nagpagulong gulong at duguan.

"Jaaaadddeeeee!!!!!!" Ang huling salitang lumabas sa bibig ni Althea bago sumalpok.

Napabalikwas ng gising si Althea, hinihingal sya, pawisan at ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Napakasama kasi ng napaniginipan nya pero para sa kanya isa itong bangungot na ayaw nyang mangyari kahit hindi sila maayos ni Jade ngayon. Napanaginipan nya kasi na naaksidente sya. Kinapa nya pa ang sarili nya kung buhay pa sya masyado syang nadala sa napaniginipan nya, she shake her head para mawala na iyon isa isipan nya. Ang huli nya na lang kasing natatandaan ay yung nagpaalam na si Batchi sa kanila the rest of the moment wala na syang maalala.

Lumabas na sya na sya sa kwarto nya at naabutan nya sa may kusina si Wila na nagluluto.

"Good morning gising ka na pala...hinatid na kita kagabi sa sobrang kalasingan mo at dito na din ako natulog sa may sala. " bungad ni Wila sa kanya.

"good morning din..pasensya ka na naabala ka pa tuloy ng dahil sa akin." Sagot naman ni Althea.

"Ok lang...saktong sakto yung paggising mo tapos na itong niluluto ko." Tugon muli ni Wila.

"Salamat ha.." nakangiting sabi ni Althea habang umuupo sa dining table.

"Welcome ka naman sa akin always.. oh ito na kain ka na." Si Wila na inilalapag ang niluto nya.

Habang kumakain narinig ni Althea na tumunog ang phone nya.

Batchi calling....

Agad nya itong sinagot.

"Hello Tsong! Nasan ka??!! " bungad nito na muhkang hindi maganda ang mga susunod na sasabihin.

"N-nandito sa bahay... bakit?" Nagtatakang sabi ni Althea.

"Pumunta ka na ngayon dito! Bilisan mo!" Si Batchi na may tensyon ang mga tono. Kinabahan naman si Althea.

"Haa? Bakit ano bang nangyayari?" Lakas loob nyang tanong.

"Huwag ka ng tanong ng tanong basta bilisan mo!" Si Batchi na pasigaw na ang boses and tnen she ended the call.

"He..hello!! Hello Batchi!" May sasabihin pa sana si Althea pero binaba na ni Batchi ang tawag.

"Bakit anong nangyari?" Usisa ni Wila.

"Hindi ko alam ehh.ayaw nyang sabihin..bigla tuloy akong kinabahan." Si Althea nabalisa na.

"Haa?? Naku baka kung ano na yan! Tara na!" Si Wila sabay tayo sa upuan at ganun din si Althea. Mabilis silang lumabas ng bahay at pinaharurot na ang kotse.

Pagkarating nila Althea sa may lugar kung nasaan ang kompanya nya nadatnan nilang madaming tao, mausok, at may mga bumbero. Dali dali syang tumakbo papalapit dito at sinalubong sya ni Batchi.

"A-ano ang nangyari?" Utal nyang tanong kahit alam nya na ang sagot sa tanong nya.

"Tsong....ano ehh..nasunugan tayo...parang sinadya daw ehh." Sagot ni Batchi na napalakamot ng ulo.

World and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon