New Begginning

954 34 2
                                    


Jade's POV

Nandito kami ngayon sa mansion namin, pagkagaling kasi namin from Antipolo dumeretso na kami dito at nagsalo salo... hindi maipinta sa muhka ko ang ngiting walang katumbas. Kumpleto ang pamilya ko at ang nag iisang taong mahal na mahal ko ay kasama ko din, wala na talaga akong mahihiling pa.

"So, kalian nyo balak magpakasal Althea?" biglang tanong ni Dada.

"Uhhmmm. Pagpaplanuhan pa po namin Mr. Tanchingco" tugon ni Althea.

"Aba, bilis bilisin nyo para magka-apo na kami.." natatawang sabi ni Dada

"Dada?!" biglang sabi ko na nahihiya at pakiramdam ko namula ang buong muhka ko at medyo nabulunan pa..

"Oh bakit? Alangan naman hindi nyo kami bigyan ng apo." Dagdag pang-aasar pa ni Dada.

"Oo nga naman Shobe... dapat higitan nyo pa yung anak nila Pearl at Ahya Gab." Pang-gagatong pa ni Ahya Paul.

"Grabe kayo Ahya Paul!.. Dada!" hiyang hiya kong sabi..

At tinawanan na naman akong lahat.

Matapos naming kumain, we decided na sa bahay kami ni Althea matulog.

"Mag-iingat kayo anak ahhh..gabi na" tugon ni Dada.

"Yes Dada.babalik po kami sa makalawa ni Althea" tugon ko habang nakapulupot ang kamay ko sa braso ni Althea.

"Osige, lumarga na kayo para makauwi kayo agad." Tugon ni Mama.

At nagpaalamanan na kami with besos and hugs.

Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang tumitig kay Althea na napansin nya pala.

"Why are you staring at me? Baka matunaw ako nyan." Bigla nyang sabi.

"Wala.. bakit masama bang titigan ang future wife ko.." sagot ko.

"Eehhh nate-tense kasi ako..hahahaha" she chukled.

"Ayy! May pag arte ahh.." sagot ko sabay hampas ng mahina sa braso nya.

"But Lablab, Iloveyou.. You don't know how happy I am right now.. you really complete me.." buong pusong sabi ko.

Hinawakan nya ako sa kaliwang kamay ko ng kanang kamay nya habang ang kaliwang kamay nya ay nasa manibela para makapagmaneho pa din sya.

"Lab, anything for you!.. alam mo naman I will do everything to make you happy completely.. I want to bring back those time that I'm not with you....and proposal is not enough for me para mabawi lahat ng mga panahon na yun" tugon nya na sya namang kinatunaw ng puso ko..

"Lab ang magkasama ulit tayo at pagtanggap sa atin ng pamilya ko ay sapat na yun para mabawi natin ang mga panahong hindi natin ang kapiling ang isa't isa"

Tiningnan nya ako saglit at nginitian sabay mabilis na halik ang ibinigay nya sa akin..

Time Runs.....

Nang makarating na sina Althea at Jade sa bahay ay agad naman sumalubong si Miggy sa kanila.

"Mommy!!...Mama Jade!" masayang salubong nito.

"Hi anak.. bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na ahh.." tugon ni Althea sabay halik sa noo ng anak.

"Hinihintay ko po kasi kayo ni Mama Jade ehh." Sagot ng bata.

"Naku ikaw talagang bata ka ang hilig mong magpuyat..papayat ka nyan sige ka.." pang aasar ni Jade..

"Mama Jade naman ehh.." natatawang sabi ng bata

World and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon