Althea's POV
Masakit, sobrang sakit na malaman na hindi ka mahal ng taong mahal mo, pero wala ehh may mga bagay talagang kahit ipilit kakawala talaga sayo. Siguro nga dapat ko na syang kalimutan. Ayoko naman ikulong ang sarili ko sa bagay na walang kasiguraduhan.
Sambit ni Althea sa sarili.
-
"Althea look, I'm a teacher.. nagtuturo ng tama sa mga bata, mabuting modelo sa mga mata ng mga bata at ayoko naman na madungisan yun."
Yan ang mga katagang paulit ulit na pumapasok sa isipan ni Althea at dumudurog sa puso nya. Ang mga katagang din yan ang palatandaan na hindi nya na dapat ipagpatuloy ang pagmamahal nya sa babaeng pinakamamahal nya.
"Tsong okay lang yan, wala tayong magagawa kung hindi talaga pwede. Diba sinabihan naman na kita una palang na komplikado na." Tugon ni Batchi habang hinahagod ang likod ng kaibigan dahil sa kakaiyak.
"Alam ko *sob* naman *sob* yun ehh." She answered between her sob.
"Eh tanga ka naman kasi ehh.. teacher ba naman pagdiskitahan mo!" Sabat ni Wila while rolling her eyes.
"Alam mo hindi ka nakakatuwa! Durog na nga yung tao kung makapagsalita ka.. ang baho talaga ng bibig mo! " puna ni Batchi.
"Eh bakit? Totoo naman kasi sinasabi ko." Pagmamataray muli ni Wila.
"Ewan ko sayo! Kahit kelan ka talaga." Si Batchi na iiling iling.
"Mommy? Umiiyak ka po ba? Bakit ka po umiiyak?" Sabat ni Miggy na lumabas ng kwarto at bakas sa muhka ang pag aalala sa ina.
Nagkatinginan sila Batchi at Wila."Ahmmmm Miggy hindi umiiyak Mommy mo... halika muna sa labas laro muna tayo." Pagyaya ni Wila para hindi mag alala ang bata at sumunod naman ito sa kanya.
"Ayusin mo na ang sarili mo besfren." Tugon ni Batchi sabay tapik sa balikat ng kaibigan at tumango lang ito bilang pag sang ayon.
Jade's POV
Hindi ko pa rin maialis sa isipan ko ang mga naging kaganapan, mabigat pa rin ang loob ko hanggang ngayon gusto ko syang puntahan pero wala naman akong muhkang ihaharap sakanya matapos ko syang saktan malamang di na yun makikipag usap sa akin.
Lutang pa rin ang utak ko hanggang ngayon. Iniba ko ang way pauwi sa bahay para malayo layo ang pagbiyahe ko ayoko pa kasing umuwi, ayokong mahalata nila Mama ang sitwasyon ko ngayon.
Habang nagmamaneho ako nadaanan ko ang isang park at may pumukaw ng pansin ko ang isang imahe ng isang tao na pamilyar sa akin. Iniatras ko ang sasakyan upang sulyapan ang taong nakapukaw pansin sa akin na nakaupo sa isang tabi. Idinilat kong mabuti ang mga mata ko.-
"Althea?" Bulalas ni Jade habang tinititigan si Althea. Nag isip muna sya kung bababa sya o hindi pero hindi nya malaman bakit hinahatak sya ng mga paa nya papunta kay Althea. Bumaba sya ng kotse at lumapit ito ng dahan dahan."Althea?" Tugon nito nang makalapit sya dito.
Tumingala naman si Althea nang marinig ang pamilyar na boses at kitang kita sa mga muhka nya ang pagkabigla.
Tatayo na sana ito ng biglang hinawakan ni Jade ang magkabilang braso nito."Huwag mo naman akong talikuran please? Kausapin mo naman ako." Pakiusap ni Jade.
"Wala na dapat tayong pag usapan " matabang na sagot nito at inialis ang mga kamay ni Jade sa mga braso nya.
Humakbang na ito paalis. Nakailang hakbang na sya ng biglang magsalitang muli si Jade."Hindi mo ba talaga pakikinggan ang side ko?" Muling tugon ni Jade.
Napahinto sa paglakad si Althea at nilingon si Jade mula sa likod."Ano naman ang dapat kong pakinggan mula sayo? Wala na dapat akong pakinggan dahil maliwanag naman na sa akin ang lahat." Muling sagot nito. At humakbang muli palayo.
Nagulat sya ng may yumakap mula sa likuran nya.

BINABASA MO ANG
World and Us
Romansapaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?