"Shhhhh ...stop it dont say sorry lab ako dapat ang mag sorry kasi hindi kita naipaglaban noon..but now lablab I am ready to fight my love for you... I'll never leave you again.haharapin natin ang mundo ng tayong dalawa..ng sabay..diba yun ang promise natin sa isa't isa?" She said at hindi ko na napigilan ang luha ko...kung kanina ang namumuong luha sa akin ay luha ng hinagpis ngayon luha na ng totoong kaligayahan...Hindi ako makapaniwala....parang yung mga panahong nawala sa amin napalitan na ngayon... ngayon hinding hindi na ako papayag na mawala pa sya...
"Eh teka lablab sino yung bata? Kung hindi nyo anak ni David yun?" Tanong ko kay Jade habang nakayakap sa akin..nakahiga pa rin kami at tila wala ng balak magbihis.
"Lab, magkwenta ka nga ng taon ng nagkahiwalay tayo at kwentahin mo yung edad ng bata..ilang taon lang tayo nagkahiwalay at nasa 6 na taon na si Mikaela..ibig sabihin buntis na ako nun nung nagkahiwalay tayo? Hahhhhaa" pabiro nyang paliwanag..
"Sira!.." ang tanging nasabi ko lang sabay tapik ng mahina sa pisngi.
"You know what lablab when the time Im living without you? Nagfocus ako nun para matupad ang mga pangarap ko..at pangarap mo na magkaroon ng Modeling Company. Tinupad ko yun ng wala ka sa tabi ko" Dagdag ko..
"Hahha!..wala man ako sa tabi mo nun atleast natupad natin" she smirked..napatingin ako bigla dahil sa sinabi nya.
"Haa? What do you mean?" Takang tanog ko
"Remember the Ms.Chua and Mr. Velasco?. Ako yun at si Ahya Paul..tinulungan nya ako dun at sya ang nagsilbing mata ko para sayo habang ako nasa China..." paliwanag nya na may malawak na ngiti at literal naman akong napa-jawdrop at hindi nakapagsalita dahil sa mga narinig ko.
"Kaya dont ever say na ikaw lang ang mag isang tumupad sa mga pangarap natin..lab nagawa natin maabot yun kahit magkalayo." she added.
"How about you and David?" Muling tanong ko.
"Hiwalay na kami,matagal na...napilitan lang ako magpakasal sa kanya at hindi naging maganda ang naging pagsasama namin nang matuklasan nila Dada yun agad nya kaming pinaghiwalay at inasikaso ang mga papeles para sa divorce namin..galit na galit pa din si Dada hanggang ngayon kay David pero ako naman napatawad ko na sya actually ikakasal na nga sya ehh." Paliwanag ni Jade at bawat detalyeng sinasabi nya ninanamnam ko...
"Pero tekaaa! Ikaw din dapat magpaliwanag sakin! Sino yung babaeng naka-back hug pa sayo nung pumunta ka sa Antipolo at dinedma mo yung intermission number ko!" Pagalit nyang sabi sabay sampal ng mahina sa akin.
"Aray! Grabe 'to..si Cathleen yun." Sagot ko habang hawak hawak ang pisngi ko na sinampal nya.
"Girlfriend mo?? Sya na ba yung bago mo kaya nagawa mong balewalain yung pagkanta kanta ko nung nakaraan dun sa company..effort yun no..grabe ka.." pagtatampo nya..
"Nooo she's not my girlfriend..sya lang itong umaasa na higit pa sa kaibigan ang maging ugnayan namin.." paliwanag ko..
"Good... akala ko pinagpalit mo na ako ehh.." sabi ni Jade sabay yakap ulit sa akin.
"Magagawa ko ba yun? Hindi kaya." Sagot ko sabay halik sa noo nya.
KINABUKASAN
Maagang ako pumasok ngayon sa office kasama si Jade.. Pagpasok namin naabutan namin si Batchi na nagaasikaso ng mga papeles.
"Oh Tsong good morning aga mo yata ahh" sabi nya habang nakayuko at abalang abala sa pagbabasa ng mga papeles.
"Wala lang..para maiba naman" tugon ko at inilapag ang bag sa mesa.
"Oo nga pala....." hindi pa natapos magsalita si Batchi dahil nabigla sya na kasama ko si Jade.
"Hi good morning" bati ni Jade kay Batchi.
"H-hi!.hindi mo naman sinabi Tsong na may kasama ka." Tugon ni Batchi sa akin sabay ngumiti ng nakakaloko...
Tiningnan ko sya ng masama bago sumagot.
"Nasan si Wila?" Pagbabago ko ng usapan.
"Susunod na sya." Mabilis nyang sagot.
"Kumain na ba kayo?" She added.
"Yup..sa bahay." Sagot ni Jade.
"Bahay?" Tanong ni Batchi..sabay tingin sa akin.
"Yes sa bahay nya." Pagpapatuloy ni Jade
"Aahh..ganun ba.." nakangiting nakakaloko.
"Sorry ! I'm late!" Biglang pasok ni Wila ma ikinagulat naming tatlo.
"Tsong katok katok din pag may time! Kung may sakit lang kami sa puso hinimatay nakami sa gulat sayo!" Sita ni Batchi
"Wow haa.arte lang?!" Pagtataray nito.
"Tekaaa! Hoy babae bakit nandito ka?!" dagdag ni Wila na nakapamewang pa.
"Wila stop it!" Sita ko sa kanya.
"Stop it stop it ka dyan!! Sooo kayo ulit? WOW ha! Konting pakipot naman dyan Althea matapos kang iwanan babalikan ka ng ganun ganun lang at walang pasintabi?! Tsaka diba may anak na yan!" Sunud-sunod na sabi ni Wila na ikinapanting ng tenga ko.
"Wila ang aga-aga wag kang mambwisit! Wala syang anak at hindi nyo alam ang totoong nangyari kaya wag kang mag-react ng ganyan..kung hindi dahil kay Jade wala itong company ngayon na patuloy nating pinalalago!" Diin na paliwanag ko.
"What do you mean dahil sa kanya wala dapat itong company?" Takang sagot ni Batchi.
"Sya lang naman ang tumulong sa atin nun para maipatayo ito..si Ms. Chua! At si Mr. Velasco nun na pinapunta tayong China at ng indian sa atin si Paul na kapatid nya... magkikita sana kami sa China kaso hindi natuloy dahil sakal sya sa leeg nun ni David..ilang beses syang nagplanong bumalik at makipagkita sa akin pero laging pumapalpak!" Buong pagpapaliwanag ko.
"Whhooaa! Really?!" Ang tanging nasagot lang ni Batchi.
"Edi wow!! Edi sya na! Sya na magaling!" Iritang sabi ni Wila
"Hoy Wila baka gusto mong kulutin kita lalo dyan pag hindi ka tumigil dyan!" Sita ni Batchi.
"Uhhmmm guys let us stop this..huwag na nating pag usapan ang nakaraan.." biglang sabat ni Jade na malumanay ang boses..
"Oo nga kay aga aga nagtatalo kayo." Dagdag ko.
Hindi ko din kasi malaman kay Wila bakit hanggang ngayon hindi nya matanggap na kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya..sya rin naman ang may kasalanan bakit kami nagkahiwalay noon tapos si Jade ngayon pag iinitan nya. Haaayyyy buhaaayyy!!
Ngayong na sa akin ulit si Jade hinding hindi ko na sya muling pakakawalan pa at mas lalo ko pa syang mamahalin ng higit pa sa dati... kailangan ko ng mag plano para mapasa akin sya ng buo.
BINABASA MO ANG
World and Us
Storie d'amorepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?