Jade's POV
Nagulat ako sa ikinilos ni Althea , hindi ko inaasahang iiwasan nya ako..kaya heto ako ngayon nilulunod ang sarili sa alak kasama si Sally. Kahit ilang araw na ang nakakalipas na nangyati yun sariwa pa rin sa akin...lalo na nakita ko na may kasama syang babae at nakayakap pa sa kanya nung sinundan ko sya papuntang Antipolo... akala ko ako lang ang dinadala nya dun at yung lugar na yun ay para sa amin lang pero bakit ganun sinasama nya ibang tao dun??!! Sa amin lang dapat yung lugar na yun!! Doon kami bumuo ng mga pangarap at doon din namin tutuparin yun!!
"Jade, tama na yan nakakailang bote kana....lasing kana oh." Awat sa akin ni Sally at pilit na kinukuha sa akin ang boteng hawak ko.
"No Sally! Hayaan mo na ako..gusto ko lang makapag isip.." sagot ko.
"Makapag isip??!! Sa tingin mo ba makakapag isip ka ng matino kung lasing ka?!! Hindi ko alam Jade kung minsan pinag iisipan mo yang mga sinasabi mo! " sigaw ni Sally sa akin na may haling inis.
"S-sorry Sally...I have to do this to ease the pain...hindi ko na alam gagawin ko ehh..kung paano ko sya maibabalik sa akin gayong parang may pinalit na sya sa akin" sa bawat salitang binibitawan ko kay Sally ay parang pinipirapiraso ang puso ko.
"Look Jade, paano ka makakagawa ng paraan kung ganyan ka... mag isip ka ng ibang plano para bumalik na sya sayo hindi yung ganyang nagmumujmok ka at susuko agad.. at sigurado ka bang bago nya na yung babaeng nakayakap sa kanya? Malay mo naman pinsan o kaibigan diba tayo din naman minsan nagyayakapan?! C'mmon Jade! Wake up!" Paliwanag sa akin ni Sally na naging dahilan ng pag gising ng diwa ko... biglang nawala ang tama ng alak sa akin.
"Ilang plano mo na nga ang naging successful ngayon ka pa ba susuko? Baliw ka rin ehh" she added.
Umayos ako ng upo at hinarap si Sally.
"Sally ano pa ba ang pwede kong gawin? Para makausap ko sya at maipaliwanag ang lahat." Tanong ko kay Sally.
"Jade ikaw ang mas nakakakilala sa kanya kaya alam mo kung saan huhulihin ang kiliti nya." She smiled at me.
Napatango naman ako sa sinabi nya at nagkaroon ng ideya sa planong gagawin ko, biglang umaliwalas ang muhka ko..
"Tama ka Sally..let's go." masiglang tugon ko sabay hila sa kanya..
"J-Jade wait lang naman matalisod tayo...saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Sally.
"Edi uuwi!! Diba kanina ka pa uwing uwi..ihahatid na kita.." sagot ko...
KINABUKASAN
Maaga akong nag asikaso, pupunta ako ngayon sa opisina ni Althea alam ko naman na nandun sya, kahit masakit pa ulo ko dahil sa ininom ko kagabi pilit kong ikinilos ang sarili hindi ako papayag na basta basta na lang mapupunta sa iba si Althea, ang tagal kong nagtiis na hindi sya makita at makasama susuko pa ba ako? No way!! At kung sino man yung babaeng yun ipapamuhka ko sa kanya na wala sya sa kalingkingan ko at alam ko at nararamdaman kong mahal pa din ako ni Althea, nangako ako na hindi ako bibitaw paninindigan ko na ito, ngayon pa na tanggap na ni Dada ang lahat sa akin..
Time runs....
Akala ko maaga ako makakapunta sa office ni Althea ginahol pa din ako sa oras... quarter to 4 na ng hapon ako nakarating.. may mga kinailangan din kasi akong gawin at may inasikaso ako na kasama sa plano ko...
Dere-deretso akong pumasok sa building..pagpasok ko sa elevator I pressed the button number 11..ilang minuto pa narating ko na ang 11th
floor..
Ting!
The door was opened already..paglabas ko mas lalo ko pang binilisan ang paglakad ko ayoko ng may nasasayang na oras.
Hindi na ako kumatok sa office ni Althea agad ko na itong binuksan at hindi naman na licked ang pinto nito.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?
