Mahigit isang buwan din ang preperasyon na ginawa nila Jade at Althea sa kasal nila, lahat ng pagod nila dito ay alam nilang worth it lahat. Wala namang naging hadlang dito kaya Masaya sila dahil Malaya nilang nailakad ang kasal na ito.
Three days before the wedding ay lumipad na silang papuntang US, sila Batchi at Wila ay susunod na lang dahil sa mga papeles pa na dapat asikasuhin.
Sa five star hotel sila nag check in at dahil hindi naman pwede na sama sama sila lahat sa iisang room ay nagbukod bukod na sila para din may privacy. At gusto din kasi ng dalawang sweethearts na magkasama sila before their wedding dahil bago ang kasal nila hindi sila maaaring magkita kaya susulitin na nila ang mga huling sandali na magkasama sila as girlfriend dahil pag nagsama na ulit sila ay as wife na.
"Sobrang mamimiss kita Lablab" tugon ni Jade na nakayakap ngayon kay Althea.
"Mas lalo naman ako.... Ilang Segundo pa nga lang kitang hindi nakikita namimis na agad kita ehh." Althea responded.
"Behave ka haa kung gusto mong matuloy ang kasal natin at kung gusto mong makita pa ang magandang bride mo." Pagbibirong banta ni Jade.
"HAHHAHAHA oo naman," sagot naman ni Althea sabay gigil yakap sa future wife nya
Lumipas ang ilang araw at dumating na rin sa wakas ang pinakahihinatay nilang araw sa buhay nila.
WEDDING DAY!
Ito na ang araw ng pag-iisang dibdib ng Tanchingco at Guevarra sweethearts, araw na tanda ng kanilang pagmamahalan.
"You are soooo pretty anak!" puri ni Amanda sa anak na ngayon ay mine-make up-an ito.
"Thank you Mama.." Jade responded.
"Haaaaayy ang baby girl namin mag-aasawa na" mangiyak-ngiyak na sabi ni Amanda.
"Mamaaaaa.. I'm still your baby girl." Pag-aalo ni Jade at tumayo ito para yakapin ang ina.
"Lagi kang mag-iingat haaaa" paalala ni Amanda.
"Opo Mama.. don't worry, Althea will take care of me." Malumanay na sabi ni Jade na medyo maiiyak na din.
"Alam ko naman yun ehh.... Kumusta na pala si Althea?" biglang tanong ni Amanda.
"Hindi ko po alam, mula kagabi hindi na sya nagparamdam simula nung naghiwalay kami ng kwarto." Sagot ni Jade in her sad tone.
"Oh? Bakit ang lungkot mo?" takhang tanong ni Amanda.
"Namimiss ko na po kasi sya... lalo na wala syang paramdam." Jade responded na nakayuko na tila maiiyak na dahil sa sobrang pagka-miss nya kay Althea.
"Ano ka ba anak, parang di mo naman alam ang tradisyon natin, kailangan talaga muna maghiwalay panandalian ang mag-partner bago sila ikasal." Tugon naman ni Amanda para maibsan ang kalungkutan ng anak.
"Huwag ka ng malungkot, masisira make up mo nyan sige ka." She added.
Tumango tango lang si Jade as her respond.
Meanwhile
"Ang ganda mo tsong ahh!!" hyper na sabi ni Batchi pagkapasok sa room kung saan inaayusan si Althea.
"Thank you" sagot ni Althea wearing her sweet smile.
"Congrats in advance!" sabi naman ni Wila.
"Salamat, nakita nyo naba si Jade?" may halong pag-aalala sa tono ni Althea.
"Ok lang yun Tsong 'wag kang mag-alala." Sabi ni Batchi sabay tapik sa balikat ng kaibigan.
"I miss her so much" dagdag pa ni Althea.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?