Doubt

1K 31 8
                                    

Nagmamadali si Althea bumaba ng kotse dahil late na ito sa office at isa pa doon madami syang aasikasuhin dito madami kasing client na nag-rerequest na ang company nya ang mag organize ng mga iba't ibang occassions isa pa kilala din ang company nya na mahusay pagdating dito. Tinutulungan naman sya ni Batchi sa mga gantong bagay. Habang naglalakad at patungo na sa floor ng office nya may biglang matigas na bagay ang bumangga sa kanya kaya naman napaupo sya.

"Ouccchh!!!" Ang tanging nasabi nya lang pero halatang nainis sya. Nakayuko kasi sya dahil tinitingnan nya ang mga papeles na hawak hawak nya at iyon ang mga papeles na dapat nyang isa isahin basahin para sa mga different occassions na aasikasuhin nila ni Batchi, doon kasi nakalagay kung anong klaseng okasyon ang ioorganize din nila. Dahil sa pagkakabangga nabitawan nya ang mga ito at sumabog.

"Naku Miss sorry ha hindi ko sinasadya hindi din kasi ako nakatingin sa nilalakaran ko." Tugon ng isang lalaki. Nilingon nya ito. Matipuno, disente at may itsura naman ang lalaki, hindi naman ganun kaputi pero lutang pa rin ang pagka magandang lalaki nito...kung tatantsahin mga 5'8 ang height nito.

"Miss? Ok ka lang?" Muling tanong ng lalaki at doon lang nagising ang diwa nya.

"A-a-aahh oo...pasensya na din busy kasi akong basahin ang mga ito." Sagot ni Althea habang dinadpot ang nagkalat na mga papel. Naupo din ang lalaki para tulungan syang damputin ang mga ito.

"Here.. sorry talaga Miss." Sabi ng lalaki nang iniabot ang mga papeles.

"Ok lang.. soooo I have to go madami pa kasi akong kelangan gawin ehh. " paalam ni Althea sa lalaki.

"Sige, dito na din ako." Sagot naman ng lalaki at nag goodbye wave na ito at tuluyan ng umalis.

Dumeretso naman na si Althea sa office nya na kung saan nandoon din ang kaibigan nyang si Batchi.

Pagpasok sa office nya naabutan nya si Batchi na may katawagan sa telepono sakto naman ng patapos na silang mag usap.

"Oh Tsong mabuti naman nandito ka na. Tumawag yung isang client natin gustong ipa-move ng date yung wedding ng asawa nya kasi busy pa daw sila ngayon mag prepare na iba pang dapat asikasuhin sa wedding nila." Paliwanag ni Batchi.

"Ay ito pa pala may another project tayo engagement at wedding party din...lalaki nag abot nyan kanina..nagsadya daw talaga sya para makausap ka ehh kaso hindi naman kayo nag abot gawa na ang tagal mo pero baka nakasalubong mo yun di mo lang kilala kakaalis lang din eh nagkasalisi kayo." Paliwanag muli ni Batchi habang inaabot ang isang letter.

"Grabe.. napansin ko lang puro wedding at engagement party ngayon ang mga projects natin
" sagot naman ni Althea.

"Oo nga ehh at nakakatuwa pa kasi nirerecommend pa ang company natin ng mga dating clients natin" proud na sabi ni Batchi.

"Hindi talaga ako makakaramdam ng pagod pag ganitong karaming projects lagi ang natatanggap natin..mas madali akong makakaipon nito." Tugon ni Althea na abot langit ang tuwa.

"Madaling makaipon para kay Jade...hihhihi" umpisang pang aasar ni Batchi.

"Yan ka na naman sa mga biro mo." Althea said sabay hampas ng mahina sa braso ng kaibigan.

"Aray!!.. ikaw ahh... oo nga pala..kumusta na pala kayo? Bakit parang di ko ata nakikita?" Pag usisa naman ni Batchi.

"Dalawang linggo mahigit na din kaming hindi nagkikita at madalang pa makapag usap sa phone.. busy daw kasi sya ehh kaya sobra ko na syang namimiss." Paliwang ni Althea na halatang nalungkot.

"Ehh intindihin mo na din..buhay teacher ehh ganun talaga pero ingat ka pa din" Batchi answered.

"Lagi ko naman syang iniintindi ehh..ang hindi ko lang maintindihan kung hindi pa ako mag txt o tumawag hindi sya magpaparamdam..ayoko na lang magsalita dahil ayoko ng away." Malungkot na boses ni Althea.

World and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon