Althea's POV
Ilang araw, linggo at buwan din ang nakalipas bago ako ulit makabangon mula sa pagkakalugmok ko, bagamat hindi pa man ganun ako nakakabawi sa lahat ng nawala sa akin atleast ngayon unti unti na ako nakakapagpatayo ng opisina ko, may mga client pa rin kasi ako kahit nawala yung pinaghirapan kong kompanya... pag may client ako na dapat kausapin sa personal nagmemeeting na lang kami sa isang restaurant kaya naman nakakabawi bawi din ako kahit papano. Buti na lang at nandyan din ang mga kaibigan ko na talaga namang treasure sa akin kung wala sila marahil nasa kangkungan na ako, hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung sino ang hayop na nagpasunog o sumunog sa pinaghirapan kong kompanya na mula pa sa Tatay ko, malamang sinusunog na ang kaluluwa nun sa impyerno kung may kaluluwa man sya! Gayun pa man Diyos na ang bahala sa kanya. Ang iintindihin ko ngayon ay ang sarili ko pati ang mga bagay na nawala sa akin...maging tao man.. edi sino pa nga ba? Edi yung taong sobra kong minahal at mahal na mahal ko kahit niloko nya ako.
Sa totoo lang wala na akong balita sa kanya, kay Jade. Ilang buwan na rin na hindi sya nagpaparamdam marahil busy na sya sa magiging pamilya nya,baka nga....magkakaanak na yun ehh... masakit lang kasi nagsisisi ako, oo, nagsisisi ako kasi hindi ko man lang pinakinggan yung mga paliwanag nya sa akin noon pero wala ehh siguro nga dapat ko ng tanggapin ang katotohanan na hindi kami pwede,na hindi kami para sa isa't isa, na hindi talaga nagtatagal ang ganitong klaseng relasyon. Haaayyyyy lagi na lang ba ako ganito? Laging bigo sa pagdating sa pag ibig? Ano ba ang dapat kong gawin para man lang mahalin ako pabalik ng taong mahal ko at hindi ako lokohin tulad ni Jade? pero bakit ganun? Kahit na niloko nya ako at sinekreto nya ang katotohanan mahal na mahal ko pa din sya? Na umaasa pa din ako na babalikan nya ako... ang tanga lang diba? Im stupid to all of stupid! Pero nasaan na kaya sya ngayon? Nasaan na kaya ang taong pinakamamahal ko?. Wala kaming malinaw na closure basta ang alam ko lang gusto nya kaming magkaayos dati masaklap nga lang hindi ko yun pinakinggan."Tsong!!" Tawag ni Batchi na papalapit sa akin at may malawak na ngiti.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Guess what??" sagor nya nang makalapit na sa akin.
"Haa?? Ano ba yun?" Pagtatakang tanong ko. Inabot naman nya sa akin ang isang sobre.
Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ito."Totoo ba ito Batchi?" Masiglang tanong ko.
"Oo Tsong! Finally mas mabilis ka ng makakabangon dahil sa tulong ni Ms. Chua." Masiglang sabi ni Batchi.. panandalian akong napatigil dahil hindi ko lubos maisip na bakit may maf ooffer sa amin ng ganitong kalaking halaga. 3.6M pesos!! Wow!! I can't believe this!
"Batchi, kilala mo ba itong Ms. Chua na to?" Nagmamadali kong tanong.
"Actually Tsong sinearch ko yung background nya pero wala akong ma-search tungkol sa kanya nagulat na lang ako na may nagdeliver ng letter na yan sa bahay mo nung nandun ako kanina, akala ko naman kung ano pero nung binuksan ko yung letter napatalon ako sa tuwa. Tinanong ko din yung nag deliver kung sino ang nagpapabigay sayo nyan pero hindi din daw nito alam. Pero alam mo Tsong malaking tulong yan para sa atin..magpasalamat na lang tayo dahil may tumulong sa atin hindi lahat natutulngan at nabibigyan ng ganyang kalaking halaga." Sunod sunod na sabi ni Batchi.
"Kung sino man sya,kung sino man ''tong Ms. Chua na 'to isa syang hulog ng langit... gusto ko syang pasamatan ng personal pero paano ko naman gagawin yun kung hindi ko naman sya kilala o naikita." Masayang tugon ko habang hawak hawak ko pa din ang letter at tinititigan ito.
"Tama..so Tsong kelan mo balak i-withdraw yan? Nandyan naman yung account number ehh...para makaumpisa na tayo at para matapos na din yung pinapagawa mong office.." tugon ni Batchi.
"Agad agad talaga? Mas excited kapa sa akin ahh.." biro kong sabi.
"Sorry naman..natutuwa lang ako..hehheee" si Batchi na kakamot kamot pa ng ulo.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?