Nang magising si Jade nagulat pa sya sa paligid nya dahil nasa ibang lugar sya napagtanto nya ng mahimasmasan nakatulog na pala sya sa bahay nila Althea dahil naparami ang inom nya humarap sya sa may kanan nya at nagulat sya na nandun si Althea na mahimbing ang tulog.
Sobrang lapit ng mga muhka nila 1 inch na lang magdidikit na ang kanilang mga labi. Hindi nya maintindihan bakit sya napapangiti."Mas lalo ka pa palang maganda sa malapitan." Sambit nya na abot tenga ang ngiti at inayos ang iilang hibla ng buhok na tumatakip sa muhka ni Althea.
Dahan dahan syang bumangon para hindi magising si Althea.
Pagkalabas nya ng kwarto nakita nya si Batchi na bagsak pa rin sa tulog, si Miggy naman tulog pa rin sa may kwarto nya. Pumunta sya sa may kusina at nagpasyang magluto hindi nya hilig magluto pero ngayon ay gustong gusto nyang magluto para kay Althea.Inumpusahan nya ng magluto. Masaya sya sa ginagawa nya at nakangiti pa ito habang nagluluto, ilang minuto pa tapos nya ng lutuin ang mga hotdog, tapa, egg, at fried rice. Inihanda nya na ang lamesa, inihanda nya dito ang mga plato para paggising ng mga kasama nya eh ready na ito. Maya maya pa naramdaman nyang may papasok sa kusina.
"Hmmm ang bango ahh." Si Althea na nakangiti sa kanya na talaga naman ang ganda ng gising.
"Gising ka na pala. Halika pinagluto kita.... I mean kayo." Sagot naman nito na habang inilalapag ang iba pang plato sa mesa.
"Wow ha, maruno ka din palang magluto." Tugon ni Althea habang umuupo sa upuan.
"Oo naman, pero hindi ko lang hilig." Sagot naman ni Jade habang nilalagyan ang plato ni Althea ng pagkain.
"Thank you.... talaga? Gusto mo turuan kita ng iba pang alam kong putahe.?" tanong ni Althea.
"Sure! Gusto ko yan" sabik naman na sagot ni Jade.
"I'm sure mag-eenjoy ka, masaya kayang magluto." Masayang sagot naman ni Althea at ginantihan namansya ng ngiti ng dalaga.
"Oh bakit ikaw hindi kumakain? Sumabay ka na sa akin" pagyaya ni Althea.
"Ang cute mo kasing tingnan kumain ehh" sagot ni Jade na may nakakalokong ngiti.
"Linya ko yan ahh.. hahhaha" biro ni Althea at nagtawanan silang dalawa.
Nang biglang may narinig silang boses mula sa pintuan ng kusina."Good morning po." bati ni Miggy na pupungas-pungas pa.
"Good morning anak. Halika sabayan mo na kami mag-breakfast." Bati ni Althea sa anak.
Umupo na si Miggy at kumain na din."Alam nyo bang parehas kayong bagsak ni Batchi kagabi? Iniwanan nyo ko. " natatawang sabi ni Althea.
"Oo nga ehh naparami ata inom ko buti na lang walang pasok ngayon." Medyo hiyang sagot ni Jade.
"Buti na lang kung ganun." Maikling sagot ni Althea.
Tahimik na silang kumain. At bigla naman silang nagulat sa boses ni Batchi."HIIIIIII!!! GOOOD MORNING!!!!!" Pasigaw na bati ni Batchi na halos dumagungdong ang buong bahay.
"Batchi! Pwede ba? Ang aga aga nakakagulat ka." Suway naman ni Althea.
"Pasensya naman. Hehhehe" paumanhin nito na tatawa tawa.
"Oh kumusta Jade naka-score ba besfriend ko?" Pilyang tanong nito.
"Batchi!!! Tutusukin ko yang bibig mo nitong hawak kong tinidor! Pwede bang magsipilyo kana muna ang baho ng lumalabas sa bibig mo ang aga aga." muling suway ni Althea sa kaibigan.
"Sorry na." Paumanhin nito sabay nag peace sign.
Matapos kumain ng agahan ilan pang sandali nagpaalam na si Jade para umuwi.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?