Nang makauwi si Jade galing kina Althea dumeretso ito sa room ng Ama nya. Gusto nyang ibalita ang tungkol sa kanila ni Althea at gusto nya rin malaman kung tama ba ang naging desisyon nya na makipag-relasyon dito.
"Hi Ama!" Bungad nya pagpasok sa kwarto.
"Oh apo nandito ka na pala halika." Sagot naman ng matanda.
"Ama, hindi ko po alam kung tama ang mga nagiging desisyon ko ngayon." Matamlay na saad ni Jade.
"Bakit apo? Ano bang klaseng desisyon ang ginawa mo at parang balisa ka?" Tanong ng matanda.
"Ama, may nakilala po kasi akong tao na hindi ko naman sinasadyang mahalin. Minahal ko sya kahit alam kong mali." Kwento ni Jade.
"Natatakot po ako sa pwede mangyari sa amin pero I cant help myself na mahalin yung taong yun." She added at yumakap ito sa matanda.
"Apo, listen to me ok?. You know apo there's nothing wrong in every desicion that we do, nagiging mali lamang ito kapag hindi natin ito napanindigan kaya before we decided sa isang bagay make sure alam natin o alamin natin ang mga mangyayari at consenquences nito. Sabi nga nila duwag ang isang taong hindi kayang manindigan. Tulad ko, duwag ako kasi hindi ko napanindigan si Junjun and that was the worst desicion that I did. " paliwanag ni Ama habang hinihimas ang ulo ng apo.
"Ama, mahal ko po sya pero I dont know kung kaya ko syang panindigan." Jade said with her shudder voice dahil naiiyak na ito.
"Dont cry apo ko, sa bawat desisyon talaga natin di maiiwasan ang mga bagay na magpapagulo dito. All you have to do is to be strong. Kung sa kanya ka sasaya apo 'wag mo na syang pakawalan. Tanggalin mo ang takot sa puso at isip mo do what makes you happy. Give your love for that person without fear and doubt." muling tugon ng matanda upang palakasin ang loob ng apo.
"Thank you Ama, thank you because you always make me brave when I'm afraid." Sagot ni Jade at lalo pang hinigpitan ang yakap sa Ama nya.
-
Nasa school si Jade at busy sa pag gawa ng iba pang activities ng mga bata dadag pa nito ang gagawin nilang program sa school, sya kasi ang naatasang mag-asikaso nito.
Habang nag-aayos may biglang kumatok sa mini office nya si Sally."Ohh! Edi ikaw na may ganyan!" Tugon ni Sally habang inaabot ang bouquet of roses at chocolate. Nagulat naman si Jade dahil hindi nya ineexpect na may magbibigay sa kanya nito.
Tiningnan nya ang card na nakaipit dito at binasa."My eyes, my heart, my soul are always missing you and my mind and lips are saying "I " wants you."
-LablabNang mabasa ito ni Jade napangiti ito ng lagpas tenga at parang mapupunit na ang labi nito. Ngiting napakatamis at kinikilig.
"Ay grabe punit na yang bibig mo oh!" Puna ni Sally habang tinuturo ang labi ng kaibigan.
"Ay sorry..... hindi ko kasi maiwasan mapangiti ehhh.." nakangiting sagot nito habang inaamoy ang mga bulaklak.
"Edi ikaw na ang inlove! Sige na dito na ako at punong puno na ng langgam ang office mo kinakagat na ako." Sabi ni Sally na tatawa tawa.
"Sira... kain tayo mamaya ha? I'll treat you." Pahabol na sagot nito.
Tiningnan nya ulit ang roses at kinuha ang phone sa bulsa nya at tinawagan si Althea.Ring .....ring.....
"Hello lab?" Masiglang sagot nito sa kabilang linya.
"Kung may hika lang ako inatake na siguro ako dahil sa ka-sweetan mo." Tugon naman ni Jade na nakangiti at inaamoy amoy ang bulaklak.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?