Habang kumakain ang mag-inang Althea at Miggy sinabaihan ni Althea ang anak."Anak, mamaya pupunta tayo ng mall ha? Mamimili na tayo ng mga gamit mo sa school kaya bilisan mong kumain dyan para makapag-asikaso ka na." Paalala nito sa anak.
"Talaga po mommy? Yehey! Sige po mommy bibilisan ko." Sagot ng bata na excited na excited na bumili ng mga gamit sa eskwelahan.
"Tapos bukas mag-eenroll kana sa school na pinuntahan ko nung isang araw. Maganda dun at mababait pa mga teacher sana nga maging teacher mo na nakilala ko dun " paliwang nito sa anak.
"Talaga po mommy? Ano pong pangalan nya?" Tanong ng bata.
"Jade Tanchingco anak. Alam mo ba mabait sya. Kahit hindi ko pa sya gaanong nakikilala nararamdaman kong mabait sya" Muli nyang paliwanag sa anak.
"Mommy gusto ko din sya makita at makilala." Hiling ng anak.
"Oo naman." Sagot naman nya sa anak sabay himas sa ulo nito.
Nang matapos kumain nag-asikaso na si Miggy ng katawan at habang si Althea naman ay naghugas ng plato.
Nang matapos maligo ni Miggy binihisan nya muna ito bago sya maligo. Pagkatapos maligo agad na itong nagbihis at pumunta na ng mall."Anak tara dun tayo." Tugon nya sa anak sabay turo sa isang bookstore sa mall.
Namili sila ng magagandang cover ng notebook at syempre ang paboritong cartoon character ni Miggy na batman ang pinili nito. Lahat ng covet puro batman maski bag batman.
Pagkatapos makapamili at kumpleto na ang mga gamit binayaran na nila ito sa counter.
Pagkalabas ng bookstore dumeresto sila sa playzone dahil yun ang request ng bata pumayag na ito dahil minsan lang naman sila makapag-bonding ng anak nya dahil busy sa trabaho."Mommy bilisan mo!." Sigaw ni Miggy dahil excited na itong makapaglaro.
"Oo anak sandali" sagot nya ng nakangiti.
Habang papalapit sa anak nabangga sya ng isang babae mula sa likod.
"Ay I'm sorry" paumanhin ng babae. Pamilyar ang boses nito.
Paglingon nya nabigla sya."Ay Ma'am ikaw po pala." Nakangiting sabi nya.
"Althea ikaw pala, pasensya kana kung nabangga kita may tinitingnan kasi ako sa likuran ko kaya di ako nakatingin sa dinadaanan ko nabangga pa tuloy kita." Paliwanag nito.
"Naku Ma'am ok lang po yun di naman masakit yung pagkakabangga mo." Nakangiting sagot nito at nakatitig pa.
"Hehe, ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Jade.
"Hindi po kasama ko po ang anak ko namili po kasi kami ng mga gamit nya sa school... Miggy come!" Paliwanag ni Althea sabay tawag sa anak.
"Bakit po mommy?" Tanong ni Miggy.
"Sya si Ma'am Jade yung kinukwento ko sayo." Sagot nya sa anak.
"Hi Ma'am Jade kamusta po?" Bati ng bata.
"Hello Miggy, I'm fine. Ang cute cute mo naman." Nakangiting sagot nito sabay pisil sa pisngi ng bata.
"Ikaw po Ma'am? May kasama ka po ba?" Usisa ni Althea.
Lumingon ito sa kanya."Actually ako lang mag-isa. Nagmumuni-muni lang ako pampabawas pagod." Sagot nito.
"Ganun po ba, kung di pa po kayo uuwi pwede po kayong sumama samin ng anak ko." offer ni Althea.
"Sure ka? Sige ba gusto ko yan para may kalaro si Miggy. Diba Miggy?" Ngiting sagot nito sabay pisil ulit sa pisngi ng bata.
Kung titingnan para silang masaya at buong pamilya. Sobrang nag-eenjoy silang tatlo. Iba't-ibang rides ang sinakyan nila rollercoaster, bomb car, at horror tunnel.
Takot si Jade sa dilim pero hindi nya iyon pinahalata sa mag-ina nakakahiya naman kasi kung tatanggi sya. Habang papasok sa horror tunnel ang lakas ng kabog ng dibdib ni Jade nanlalamig sya sa takot.
Nang makapasok na sa horror tunnel napapikit sya at tahimik lang nang biglang........
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?