"Tsoooong!! ....Na-miss kita!" salubong ni Batchi kina Althea at Jade ng makita nila ito sa airport.... Mahigpit na yakap ang ibinigay nila sa dalawang sweethearts.
"Aray ko Batchi! Hindi na ako makahinga!" pagrereklamo ni Althea na halos mapitpit na sa pagkakayakap sa kanya ni Batchi.
"Aaaay sorry na-miss lang talaga kita." Tugon ni Batchi sabay peace sign.
"Kumusta naman ang isang linggong bakasyon nyo sa Japan?" usisa ni Wila.
"Sa kotse na natin pag-usapan." Sabi ni Jade na may malawak na ngiti.
"Asus!! Kahit hindi nyo naman sabihin na sobrang nag-enjoy kayo alam namin na sobrang nag-enjoy talaga kayo dahil sa hotel pa lang panigurado ng enjoy kayo." Malokong sambit ni Wila.
"HAHHHAHAHHAHA" they laugh in chorus dahil sa kalokohan ni Wila.
Dumeretso na sila agad sa bahay para na rin makapagpahinga ng maayos.
Iniabot ng dalawang sweethearts ang kanilang mga pasalubong sa dalawa nilang baliw na kaibigan at syempre pati kay Miggy.
Ilang buwan pa ang lumipas na puro saya ang nararamdaman ng dalawang sweethearts, ni wala silang panahon para magkasamaan ng loob dahil ang bukod tanging iniisip nila ngayon ay ang nalalapit nilang kasal na patuloy nilang inaasikaso.
Mula sa invitation cards, sa venue at sa reception ay sinusuri at minamabuti nilang maigi dahil gusto nila na maging matiwasay ang kasal nila. Tinutulungan sila mag-asikaso ni Cathleen na nasa ibang bansa ngayon, sya na ang naglalakad ng mga dapat asikasuhin para sa kasal ng dalawa para hindi na sila magpabalik balik papuntang Amerika kung kaya't nagmabuting loob na itong si Cathleen.
Binabalitaan na lang ni Cathleen ang dalawang sweethearts sa pagproseso ng kanilang kasal and so far maganda naman ang nagiging outcome. Sila na lang talaga ang kulang doon para matuloy na ang pinakahihintay nilang wedding.
"Kumusta na Cathleen dyan?" tanong ni Althea na ka-skype itong si Cathleen.
"So far, so good naman... nakausap ko na ang organizer kanina pati na rin mga musicians and choir narinig ko na din...ako ang mas naeexcite for both of you." Masiglang balita naman ni Cathleen.
"Naku salamat talaga Cathleen ahh.. kung hindi dahil sayo baka mas matagalan kami ng pag proseso ng kasal namin ni Jade" buong pusong pasasalamat naman ni Althea.
"Wala yun, it's an honor for me na isa sa mga taong magiging laman sa kasal nyo tsaka ok lang naman sa akin, actually hindi naman ako ang halos ang gumagawa dito kundi yung mga kaibigan kong mga organizers sila yung kinokontak ko para dito." paliwanag ni Cathleen na nakangiti.
"Basta salamat talaga, malaking bagay ito para sa amin... AT! Kailangan nandoon ka sa kasal namin ahh hindi pwedeng wala isa ka sa mga nangungunang panauhin namin kaya dapat lang na dumalo ka. Tugon ni Althea.
"Sure! Ayokong ma-miss yung mga pagkain este yung wedding nyo ni Jade hahhaa" pagbibiro ni Cathleen.
"Sira ka! Haha .pwede mo bang kuhaan ng picture yung venue at yung church? Gusto kong Makita ehh " pakiusap ni Althea.
"NO! hindi pwede, surprise gift ko yun sa inyo! Haha ..just trust me Althea" pagtatanggi ni Cathleen
"Ayyy grabe sya! Pero kung yan ang gusto mo sige but make sure na ma-aamaze kami dyan sa surprise gift mo sa amin ahh." Pagbabantang biro ni Althea.
"Ako pa ba? By the way ipapadala ko na sa inyo yung mga invitation cards para ma-distribute nyo na sa mga dapat pagbigyan" biglang naalala ni Cathleen at ipinakita pa nya sa camera ito.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?