Jade's monologue
Sa buhay, maraming susubok sa kakayahan natin, kung hanggang kailan natin kayang lumaban at kung paano natin ito lalabanan. Sa aking karanasanan, hindi madaling ipaglaban ang pag ibig na hindi tanggap ng karamihan, lalo na't isa akong guro na nagtuturo ng tama sa mga bata, ngunit paano mo tuturuan ang iba ng tama kung ang iyong sarili hindi mo maturuan ng tama? Ang hirap diba? Ngunit kung iispin natin, iba ang propesyonal na buhay sa ating personal na buhay. Oo, nung una nahirapan akong magdesisyon kung ano at saan ako pupunta, doon bas a tama ngunit hindi naman ako masaya? O doon sa mali sa paningin ng iba ngunit ramdam kong buo at masaya ako? Ang hirap mamili kasi kailangan mong isipin ang mga taong nasa paligid mo lalo na ang pamilya mo. Ngunit isang araw nagising ako, that you don't always consider the others' perspective na hindi ka dapat mag paapekto sa iisipin nila. Nagiging mali lang ang isang pag ibig na ganito kung patuloy tayong manghuhusga sa kapwa natin. Oo, sabihin na nating hindi normal pero sa pag ibig walang mali, walang tama dahil puso natin ang syang magdidikta kung sino at ano ang dapat nating mahalin Nang mahulog ang loob ko sa babaeng pinakamamahal ko madami akong natutunan, na dapat sa mundong ginagalawan natin maging matapang ka,maging metatag at maging totoo sa sarili.
Ngayon, masasabi kong buo na ako, hindi lang dahil magkasama kami ng taong mahal ko kundi dahil nalagpasan ko ang lahat ng pagsubok na dumating sakin at lalong lalo na sa amin ni Althea. And we did it together na kahit na madaming taon kami nawala sa piling ng isa't isa hindi nagging hadlang yuun para ihinto naming ang pagmamahalan na wagas na nararamdaman naming sa bawat isa, at yun ang nagging dahilan kung bakit mas naging matatag kami. Kaya sa mga nagmamahalan tulad naming ni Althea just keep on fighting and praying, parehas kayong lumaban at harapin ang mga bawat bukas na magkasama.. This is our love story of Althea, we fought the world between us.
THE END
ZHBVyKCU!
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?