Feelings

1.3K 51 2
                                    

Nagdadabog si Tommy pag-uwi, mainit na naman ang ulo nito at pinag-initan na naman nya si Althea at syempre nakatikim na naman ng sampal, suntok, at sabunot si Althea mula dito wala itong laban sa kanya kaya sinasalo nya na lang ang lahat ng hampas sa kanya. Iyak ng iyak si Miggy habang pinipigilan ang ama. Hanggang sa may biglang pumasok.

"Tigilan mo yan kundi di ako mag-dadalawang isip na pasabugin sa muhka mo ang baril na hawak ko!" Sigaw ng pulis at natigilan naman si Tommy sa pambubugbog kay Althea.

"Wala kayong pakialam! Away namin ito!" Matapang na sagot ni Tommy sa mga pulis. Hinigit ng isa pang pulis ang kamay nito upang di makapiglas at dinala na ito sa sasakyan papuntang prisinto.

Nagtataka si Althea kung sino ang nagpapunta ng mga pulis ng biglang may bumaba na isang babae sa kotse na pamilyar sa kanya. Si Jade. Patakbong lumapit si Jade sa kanya.

"Ok ka lang?" Tanong nito na alalang-alala.
Hindi agad nakasagot si Althea dahil nagtataka pa din sya sa mga nangyayari.

"Anong ginagawa mo dito Jade?" Pagtatakang tanong nito.

"Tinawagan ako ni Miggy kanina at sinabing binubugbog ka na naman ng lalaking yun" sagot nya dito sabay tingin sa sasakyan kung saan nakasakay si Tommy.

"Miggy bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Althea sa anak.

"Don't blame him tama lang yung ginawa ng anak mo at dahil sa ginawa nya nakagawa ako ng paraan para matulungan ka." Tugon naman ni Jade habang nakahawak sa braso ni Althea.

"Hindi ko naman sa sinisisi ang anak ko ang akin lang nakakahiya sayo." Sambit nya dito at umupo ng marahan dahil masakit pa ang katawan nya dahil sa pagkakabugbog ni Tommy kanina.

"Wala ka dapat ikahiya, hindi na dapat kinakahiya ang mga ganitong bagay kung buhay na ang kapalit nito, buhay nyo ng anak mo. " muling paliwanag nito at umupo na din sa tabi ni Althea.

"Salamat hah, buti na lang nandyan ka para palakasin ako." Taos pusong pasasalamat nito.

"Ok lang yun siguro nga sinadya tayong pagtagpuin ng tadhana para ako ang maging guardian angel mo hahahaha" natatawang sabi nito.

"Haha may pagkabaliw ka rin pala noh." Tugon nito sabay mahinang hampas sa braso ni Jade.

"Mabuti pa gamutin na natin yang mga sugat mo." Pag-iiba nito at kinuha ang medicine kit.
Habang ginagamot ni Jade ang mga sugat ni Althea may biglang lalaking kumatok.

TOK! TOK! TOK!

Si Jade na ang tumayo upang buksan ang pinto.

"Ma'am kailangan po kayo doon sa prisinto." Tugon ng isang pulis.
Binaling ni Jade ang tingin nya kay Althea bago sagutin ang pulis. Tumayo naman si Althea upang harapin ito.

"Sige ho susunod din po kami doon." Si Althea na ang sumagot dito.

"Sige po Ma'am." Maikling sagot ng pulis.

Umalis na ang pulis at sila naman ay nag-asikaso para sumunod sa prisinto at nang may kumatok na naman sa may pinto na sobrang lakas at binabanggit ang pangalan ni Althea.

TOK! TOK! TOK!

"Althea! Althea! Tsong!" Sigaw ni Batchi mula sa labas at pinagbuksan naman ito ni Althea.

"Alam mo pag nasira itong pinto ikaw ang ipapalit ko dito." Tugon ni Althea na nairita sa katok ng kaibigan.

"Pasensya naman nag-aalala lang naman ako sayo kasi tumawag sakin si Miggy na umiiyak gamit number mo kaya napasugod ako dito nasan na yang Tommy na yan bubugbugin ko." Paliwanag nito at susugod sana sa may kwarto pero pinigilan sya ng kaibigan.

World and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon