Jade's POV
Ilang taon na ako dito nakatira sa China, maghapon lagi sa bahay walang ibang ginawa kundi magmukmok...ganto ang buhay ko sa loob ng mahigit tatlong taon.. buryong buryo na ako dito! Hindi ko pinangarap ang ganitong buhay! Ganito ang buhay na binigay sa akin ni Dada matapos nyang matuklasan ang naging relasyon namin ni Althea, ni hindi man ako nakapagpaalam sa kanya ng personal, hindi ko man lang naayos ang sa amin bago ako nakaalis sa Pilipinas. Hindi ko man lang nagawang ipaglaban ang taong mahal na mahal ko sa pamilya ko na walang ibang inisip kundi ang mga sarili nila!!
Lagi akong bantay sarado dito, madalas dinadalhan na lang ako ng katulong ng pagkain sa kwarto ko,kung lalabas man ako o pupunta sa mall limang body guard ang kasama ko pakiramdam ko tuloy anak ako ng presidente dahil sa pagtrato sa akin. Tulad kahapon kasama namin ni Mikaela mamasyal sa park ang mga lintek na guard na ito!! Leche lang diba?!!Kasal kami ni David pero parang hindi makikita sa aura namin na mag asawa kami dahil malayo ang loob ko sa kanya at bukod ako ng kwarto ko..ayoko kasi syang makatabi. Mula ng magsama kami ni David mas nakilala ko ang pagkatao nya..akala ko sa tinagal tagal naming magkarelasyon dati kilalang kilala ko na sya pero nagkamali ako, nakilala ko ang pag uugali nyang mala-demonyo! O mas maganda sigurong sabihin na demonyo talaga ang ugali nya!! Lahat pinagbawal nya sa akin, maging cellphone pinagbawalan nya ako at ang telepono dito sa bahay pinaputol nya para hindi na din ako makontak nila Mama. Pinapalabas nya sa parents ko na maayos kaming nagsasama,ang uto uto ko namang mga magulang tuwang tuwa sa imbento nya! Wala naman akong magawa dahil isa akong bilanggo dito sa impyernong bahay na 'to!!
Kaya lagi na lang ako nasa kwarto ko...Pumunta ako sa may terrace ng sala para makapagpahangin man lang... nakatanaw ako sa labas at nakita kong papasok sa gate ang kotse ni David..buwisit! Nandito na naman sya! Paalis na sana ako sa terrace at tutungo ako sa kwarto ko dahil ayokong makita ang pagmumuhka ng hayop na to!! Pero mabilis syang nakaakyat papuntang sala at agad akong sinalubong.
"Saan ka pupunta??!! Kararating ko lang tapos tatalikuran mo ako??!!" Pasigaw nyang sabi habang papalapit sa akin
Nag-cross arm ako at tumalikod sa kanya."Huwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita!!" Sigaw nya sabay higit sa kanang braso ko at iniharap ako sa kanya.
"Ano ba David???!! Nasasaktan ako!!!!" Pagpupumiglas ko.
"Nasasaktan???!! Ako Jade hindi ba nasasaktan sa pag trato mo sa akin??!!" Galit nyang sabi.
"Ilang taon mo na akong tinatratong walang silbing asawa... hindi naman tayo ganito dati.." he added.
"Ako David??!! Ano bang pagtrato ginagawa mo sa akin??!! Para akong aso dito David!! Lagi mo kinukulong!! Lagi mong pinapasunod sa mga gusto mo!! " sigaw ko sa kanya. Kung dati rati nagagawa nya akong sindakin at saktan ngayon hindi na ako pumapayag na magawa nya yun ng paulit ulit.
"Sabihin mo ngayon sa akin kung sino ang mas nasasaktan?!! Na sino ang mas kawawa??!! Ginawa mo akong bilanggo David!!" I shouted again
Aakma syang sasampalin ako pero hindi nya iyon naituloy"Ano??!! Sasaktan mo ulit ako??! Gooo!! Yan lang naman ang kayang mong gawin diba??! Ang manakit!!! Balewala na sa akin yan dahil manhid na ako David!!" Muling sigaw ko.
"Jade, mahal na mahal kita... at ayokong mawala ka..kaya sana hayaan mong gawin ko ang lahat para bumalik sa atin ang lahat sa dati" He said in his calm voice.
"You know David na hindi mo na kayang ibalik sa atin ang dati... dahil alam mo kung sino ang mahal ko at you will never replace her in my heart kahit ano pang gawin mo! Pumayag akong magpakasal sayo para sa pamilya ko kahit na ang mismong kaligayahan ko na ang nakataya dito...iniwan ko ang taong MAHAL NA MAHAL KO para sa lintek na reputasyon nyong pinaninindigan na baluktot naman!!" Sabi ko at I emphasized the word na "mahal na mahal" para mas lalong sumiksik sa kokote nya..... at mabilis akong naglakad papuntang kwarto at naiwan syang mag isa hindi ko na hinintay na magsalita syang muli dahil wala naman patutunguhan ang usapan namin, halos araw araw ganito ang eksena namin at ewan ko ba bakit hindi nagsasawa itong si David sa ganitong mga kaganapan.
Isinara ko ang pinto at naupo ako sa kama... dun lang ako umiyak dahil ayokong ipakita kay David na mahina ako at kaya nya akong kontrolin... sawang sawa na ako sa ganitong buhay ko... walang humpay na naman ang pagbuhos ng mga luha ko.. inilagay ko ang dalawang palad ko sa muhka ko at narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko pa rin tinatanggal ang mga palad ko sa muhka ko...
"Mama..." si Mikaela.
"Umiiyak ka na naman po ba?" She added at niyakap nya ako.
"Hindi anak... masama lang pakiramdam ni Mama" sabi ko at tinanggal ang mga palad sa muhka ko at yumakap din ako sa kanya.
"Tahan na Mama... I love you." Paglalambing nya sabay punas sa mga luha ko.
Buti na lang meron akong isang Mikaela dahil sa kanya nawawala ang lungkot ko kaya kahit papano nakakaramdam pa din ako ng saya dahil sa kanya.
Sya ngayon ang kaligayahan ko.
Magmula ng mawala sa buhay ko si Althea kay Mikaela ko ibinuhos ang buong atensyon ko pero sa totoo nyan gustong gusto ko na syang makita at mayakap kaya nga nagpaplano ako ngayon para mag-krus ulit ang landas namin... tutal naumpisahan ko na naman na ang unang plano, itutuloy tuloy ko na ito at sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa mga susunod ko pang mga plano... I'll do my best to win her back and hindi ako titigil hangga't hindi sya napapasaakin muli.. I'm ready to out and tell the world who and what the person I really love.. I don't care to people say against me, the important is maipaglaban ko ang taong mahal ko at buong tapang haharapin ang mundong mapang api. Teacher man ako at nagtuturo ng tama sa mga bata pero hindi ako perpekto, hindi ako Diyos para maging banal at hindi ko kasalanan kung mahalin ng puso ko ang kapwa ko babae. Nagmamahal lang ako, nagpapakatotoo. Para sa akin mas hangal ang mga taong mapanghusga't makikitid ang utak dahil normal nga sila, abnormal naman ang kaisipan.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?