One week after mula ng magpa-book ang dalawang sweethearts and now this is the day na magta-travel na sila sa Japan! Excited na excited na silang bumiyahe papunta doon at gabi pa lang nag-impake na sila.
8 A.M handa na silang lumarga bakas na bakas sa muhka nila ang saya.
"Are you ready Lab?" masayang tanong ni Althea sabay hawak sa kamay ng girlfriend.
"Yes! " masayang sagot naman ni Jade.
"Let's go na lab" she added sabay hila sa girlfriend nya.
Naabutan nila ang mga kaibigan sa labas para ihatid sila sa airport. 12noon pa ang flight nila pero kailangan nilang umalis ng maaga dahil mahaba haba pa ang biyahe nila.
While on the road binilinan ni Althea sina Batchi at Wila na sila na muna ang bahala kay Miggy.
"Batchi, kayo na muna bahala sa lahat haa? Pati kay Miggy." Malumanay na bilin nito sa kaibigan.
"Syempre naman! Maasahan mo ako Tsong wag kang mag-alala." Bibong sabi nito habang nagmamaneho at sinulyapan pa ang kaibigan sa rear view mirror ng kotse.
"Salamat Batchi ha? Pagbalik namin dadalan namin kayo ng madaming pasalubong." Sabi naman ni Jade sabay sandal ng ulo sa balikat ni Althea.
"Anything for you sweethearts!" masayang sabi ni Batchi.
"Dapat masundan na si Miggy pagbalik nyo dito ahh!" sabay sabi naman ni Wila.
"Tumigil ka nga dyan Wila! Wala ka talagang masabing matino." Sita naman ni Batchi.
"Tse! Tumigil ka dyan hindi ikaw ang kausap ko." Pagtataray naman ni Wila sabay isnab
"Aalis na kami't lahat hindi pa din kayo magkasundong dalawa! Baka naman pagbalik namin dito sa Pinas eh windang na ang anak ko dahil sa inyo." Pagsaway ni Althea sa dalawang kaibigan.
"Huwag kang mag-alala Tsong lalagyan ko ng packing tape bibig ni Wila para hindi maingayan si Miggy sa kanya pag hindi pa nanahimik bobombahan ko na!" pang-aasar ni Batchi.
"Ikaw kawayan ka isasabit na talaga kita pag hindi ka pa tumigil! Mag-drive ka na nga lang!" asar-talong sabi ni Wila.
"Tumigil na nga kayo sa mga asaran nyo, kahit ngayon lang magkasundo kayo alang-alang sa anak ko, ako natatakot sa inyong dalawa ehh." Pagpipigil ni Althea sa dalawang kaibigan sabay kamot ng noo.
11:00 A.M nang makarating na sila sa NAIA. Since na maaga pa naman para sa biyahe ng dalawang sweethearts ay napagpasyahan nilang kumain muna sa malapit na restaurant dito.
Habang kumakain Masaya silang nagkukwentuhan.
"Dapat ang honeymoon nyo sa ibang bansa din para mas masaya." Sabi ni Batchi sabay kuha ng pagkain sa harapan nya.
"Yun naman talaga ang balak namin, pero syempre kailangan naming mag-ipon ng mas madami-dami para dun kasi sa preparation pa lang ng kasal namin madami ng gastos at syempre para din ma-provide namin ang lahat ng needs and wants namin." Nakangiting paliwanag ni Althea sabay lingon sa girlfriend.
"And another thing is sa magiging future ni Miggy at sa magiging kapatid nya." Masayang sabi ni Jade.
"AYYIIEEEEEEE!!!" Sabay na sabi nila Wila at Batchi.
"May pag ganon! Hahhaha!" sabi ni Wila na kinikilig kilig pa.
"Edi kayo na ang may RELATIONSHIP GOALS!" Saad ni Batchi and she emphasized the words she've said.
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?