"Happy Birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday dear Jathea!" masayang pagkanta ng mga bisita sa kaarawan ni Jathea, she is now 3 years old. Madami ang bisita at masaya ang lahat, pinagmamasdan ni Althea mula sa di kalayuan ang batang bumuo ng buhay nya,hindi naging madali sa kanya ang pagpapalaki dito dahil kasing bibo at kasing kulit nito ng asawa nya, hindi rin biro ang proseso na pinagdaanan nila para magkaroon ng Jathea sa mundo ngunit gayunpaman nagpapasalamat sya sa Poong Maykapal dahil ibinigay sa kanya ang matagal nya ng hinihiling. Mahigit dalawang taon kasi sya naghintay at nagdarasal para dito.
Flashback
Nasa opisina si Althea at abalang inaasikaso ang mga papeles sa table nya, nang may biglang tumawag sa kanya na unknown number, nakatitig lang sya at nagdadalawang isip sagutin ito.
"baka importante" she thought kaya sinagot nya na ito.
'Hello, is this Althea Guevarra?' sabi ng kabilang linya ng sagutin nya ang tawag.
"Yes speaking, who is this?" sagot nya na may pag-aalangan.
"Are you related with Jade Tanchingco-Guevarra?'' tanong muli ng sa kabilang linya.
"Yes, I'm her wife, why? What happened to her? " sunud-sunod na tanong ni Althea na may kaba.
"Please come here at St. Luke nandito po sya ngayon." Sabi ng kausap nya.
Kahit unethical pinatay nya na tawag at dali-daling tumungo ng parking lot para kunin ang kotse nya, she drove fast as she can to the hospital said, habang nagmamaneho hindi nya maiwasang kabahan sobra syang nag-aalala sa asawa nya at sa dinadala nyang anak nito.
"Diyos ko, gabayan mo po ang mag-ina ko." She said in her mind.
Nang makarating sa ospital tumungo agad sya sa information area at tinanong ang isang nurse na naka-assign dito.
"Ms. Saan po room ni Mrs. Guevarra?" tanong nya na natataranta.
"ayy maam nasa O.R po sya ngayon." Hindi nya na pinatapos ang sinasabi ng nurse dahil mabilis na syang tumakbong operating room, nangmakarating sa nasabing kwarto marahas nya itong binuksan kung kaya't nagulat ang mga doktor at nurse na nakapalibot sa pinakamamahal nyang Jade.
"Anong nangyari sa asawa ko??!! " malakas nyang sabi at aakmang pupunta kung saan nakahiga si Jade ngunit bago nya pa yun magawa napigilan na sya ng isang nurse na nando'n.
"Ma'am sa labas na lang po kayo maghintay." Sabi sa kanya ng isang nurse habang inilalabas sya.
"NOOO!!! Dito lang ako, kailangan ako ng asawa't anak ko..hindi ko sila pwedeng iwan." Marahas nyang sabi dito at nagpupumiglas, ngunit sa bandang huli rules pa rin ng ospital ang nanaig kaya wala syang nagawa kundi maghintay na lang sa labas ng operating room kahit na gustong-gusto nyang pumasok wala syang magawa, hindi sya mapakali at panay ang lakad nya, balisang balisa at windang na windang. Hindi nya maiwasang mag-isip ng masama dahil sabi ng OB ni Jade dati ng magpa-check up ay maselan ang pagbubuntis nito at maaring malagay sa kapahamakan ngunit sa eagerness nilang magkaroon ng sariling anak ay pinagpatuloy nila ito. Nabuntis si Jade with the help of science and technology . Artificial Assimilation is one of the best way process to make a new born baby kahit walang intersexuality na nangyayari. Kailangan lang dito ng sperm donor at doon na ipoproseso, pagsasamahin ang nasabing sperm at similya ng babae at kapag parehong match ang sperm at egg cell ready na itong itanim sa babaeng magdadala ng sanggol.
Iyak ng iyak si Althea dahil sa sobrang nag-aalala na sya sa asawa at anak nya, wala syang ginawa kundi magdasal ng magdasal para sa kaligtasan ng mag-ina nya.
Lumipas ang ilang oras lumabas na ang doctor sa operating room agad tumayo si Althea sa kinauupuan nya at lumapit sa doctor.
"Doc, kumusta na po ang asawa ko?" agad nyang tanong ng makalapit sa doctor.
"Don't worry Mrs. Guevarra she is fine now... dahil nga sa maselan ang pagbubuntis ng pasyente kaya sya nag-collapsed... kailangan nya uminom ng mga vitamins na irereseta ko mamaya sa kanya." Paliwanag ng doktor.
Para naman syang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan nya ng marinig ang sinabi ng doktor.
"Thank you doc but how about my baby?" kabado nyang tanong.
"Congrats, a healthy baby girl.." nakangiting sambit ng doktor.
Halos mapatalon sya sa tuwa sa narinig..kung kanina umiiyak sya sa sobrang pag alala at takot ngayon umiiyak sya sa sobrang tuwa.
"Thank you doc, thank you po.." ang tanging nasambit nya lang habang umiiyak.
"you're welcome, in a few minutes ililipat na ng room si Jade at ang anak mo." Sabi ng doktor sabay nagpaalam na.
End of flashback
"Hi lab.." si Jade na lumapit kay Althea sabay halik dito at doon na lang nahinto ang pagbabalik tanaw nya.
"Parang ang lalim ng iniisip mo ahh." Tanong ni Jade na may halong pag aalala.
"Wala lab, natutuwa lang ako kasi napalaki natin ng maayos ang anak natin, ngayon wala na akong mahihiling pa" sagot ni Althea na nakangiti.
"Ako din naman lab, sobrang saya ko kasi mas lalo mo akong kinumpleto.. thank you for everything especially sa love mo." Buong pusong sabi ni Jade.
"Thank you for having Jathea." Sabi ni Althea sabay hawak sa kamay ni Jade then she kissed of the back of Jade's hand. Kahit matagal na silang kasal sobrang sweet pa rin nila sa isa't isa.
"I heart you" Althea said.
"I heart you too lablab" Jade answered..
"Hoy mga bruha! Tigil tigilan nyo nga yang sweet sweetan nyo, ito na anak nyo ohh grabe sobrang bigat.." biglang sulpot ni Wila sa dalawa sabay abot sa bata kay Althea dahil sa pagod magkarga sa inaanak.
"inggit ka lang kasi hanggang ngayon wala ka pa ring forever!" singit naman ni Batchi.
"ewan ko sayo.. tumigil ka nga dyan hindi ikaw ang kausap ko!" pataray na sagot ni Wila sa kaibigan.
"Kayong dalawa hanggang ngayon hindi pa rin magkasundo.. aso't pusa pa rin baka naman bukas makalawa mabalitaan namin kayo na haaa." Tatawa tawang sabi ni Althea
"Naku!! hinding hindi naman ako papatol sa kawayan na yan no!" mabilis na sabi ni Wila with matching poker face pa.
"At hinding hindi din ako papatol sa butangerang katulad mo! Dinaig mo pa speaker ko sa bahay ehh sa lakas ng bibig mo." Mapangasar na sagot ni Batchi.
"Oy! Oy! Oy! Tumigil na nga kayong dalawang party ito ng anak ko nakakalimutan nyo.." pigil ni Althea sa dalawang kaibigan.
"Mabuti pa kumain na tayo at sabayan natin ang mga bisita." Pag anyaya naman ni Jade sa mga kasama.
"yan ang gusto ko!!" tuwang tuwa na sabi ni Batchi..
"Kain ka ng kain hindi ka naman tumataba." Singhal ni Wila
"Tama na yan, let's go." Si Jade na inakbayan na ang kaibigan para tumigil na sa kakadakdak.
Masaya ang naging party ni Jathea pero wala ng mas sasaya pa kina Jade at Althea sa tuwing nakikita nilang nag eenjoy ang anak.. ngayon ay pinanonod nilang mag asawa ang anak na maglaro ng laruan nito galling sa mga bisita kanina. Nakasandal ang ulo ni Jade sa balikat ni Althea habang nakaupo sa couch ng sala.
\
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?