Jade's POV
After 5years and 4 months
Nandito ako ngayon sa bahay nila Ahya Gabriel at Pearl sa China, susunod din sila Dada at Mama icecelebrate kasi namin ang 4th wedding anniversary nila...matagal na din silang nagsasama at sa tingin ko lalo pa silang tumitibay pero ako? heto nangungulila pa din sa kay Althea...
"Hi anak...." masiglang bati ni Mama sa akin at sinalubong ko sila at nakipagbeso.
"Hello Mama..si Dada po nasaan?" Tanong ko pagkatapos namin magbeso.
"Nandun na sa labas papasok na yun." Sagot ni Mama. Maya maya pa natanaw ko na si Dada papasok mula pinto agad ko syang sinalubong.
"Hi Dada! I miss you!!" Masiglang bati ko sabay yakap.
"Namiss ko din ang baby girl ko."
Sabi ni Dada at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sa akin."Hi everyone... musta?"
Sabay sabay kami napalingon sa pinanggalingan ng boses....
Si David."O sya, pupuntahan ko lang sila Gabriel bago pa sumama ang mood ko." Sabi ni Dada na may halong inis ang boses.
"Dada...." awat ko at nag half smile ako at tuluyan na syang umalis.
Hanggang ngayon galit pa rin sya kay David dahil nalaman nya ang mga hindi magandang ginawa sa akin ni David dati...matagal na din na panahon ang nakalipas at sino ba ako para hindi magpatawad? Inasikaso agad ni Dada ang divorce paper namin nun nung malaman nya ang pananakit sa akin ni David hindi na sya nagdalawang isip na paghiwalayin kami at nagsisi sya na ipinakasal ako kay David at inilayo sa taong mahal ko...hindi nya alam na magiging miserable ang buhay ko kay David..Napayuko si David sa inasta ni Dada nilapitan ko naman sya para maibsan ang pagkadismayado.
"Galit pa din si Tito sa akin no??" Malungkot nyang sabi na nakayuko pa din.
"Mawawala din galit ni Dada..palipasin mo lang..." sabi ko na tinatapik ang balikat nya.
"Nagsisisi naman na ako Jade....hanggang ngayon ba naman?" Malungkot pa din nyang sabi.
"David.. tama na.." muling sagot ko.
"Hi Tito David!!!" Si Mikaela sabay takbo papunta kay David.
"Hello baby! Ang laki mo na ahh... namiss kita." Si David na sinalubong si Mikaela at niyakap sabay halik sa noo.
"Bakit ngayon lang po ulit kayo pumunta sa amin?" Tanong ni Mikaela.
"Busy ako ehh." Matipid na sagkt ni David sabay himas sa ulo.
"Anak..halika na dito.." si Pearl na yaya sa anak... yes, Mikaela is my niece...my lovable niece.. Mommy lang ang tawag nya sa akin at kung minsan tinatawag ko ring anak dahil parang anak ko na rin talaga sya. Ako ang nag aalaga kay Mikaela kasi madaming trabahong inaasikaso sila Ahya Gab at si Pearl naman busy din sa mga pasyente nya kaya wala talaga silang magiging oras sa anak... ayoko naman ipaalaga sa katulong kasi bihira lang ang mapagkakatiwalaan na mag alaga sa bata kaya ako na ang nagprisintang mag alaga kay Mikaela at mas mabuti na din yun para maibsan ang lungkot ko.
Never akong nagpagalaw kay David noon.... over my dead sexy body hindi ako magpapagalaw sa kanya o magpabuntis! Dahil si Althea lang ang gusto kong gumawa nun...ang gumalaw sa akin..period!."Hi Jade... musta na? Hindi ba pasaway ito??" Si Pearl na karga karga ang anak.
"Hindi naman.. bait kaya nyan..diba baby?" Sagot ko sabay pisil ng mahina sa ilong ni Mikaela..
![](https://img.wattpad.com/cover/49468535-288-k799231.jpg)
BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?