Gumising si Althea ng may ngiti, pinagmamasdan nya ang kanyang girlfriend matulog. Her eyes, her nose, her lips are perfect bonus pa ang magandang attitude nito kaya lalo pang minamahal ni Althea si Jade hinalikan nya sa noo si ito bago bumaba ng kama, dahan dahan sya para hindi magising, gusto nya kasi paggising nito handa na ang breakfast.
Tumungo na ng kusina si Althea para ihanda ang agahan nila habang nagluluto sya nakadikit pa din sa labi nya ang mga ngiti dahil hindi nya matanggal sa isip nya ang kiss nila ni Jade kagabi pero may bigla syang naalala na medyo ikinirot ng puso nya at hindi nya maiwasang mag isip ng masama.
"Sana mali itong iniisip ko" she thought to herself.
Flashback last night.
Himbing na himbing na ang tulog ni Jade na nakayakap pa kay Althea, ngunit si Althea hindi pa din makatulog dahil tinitingnan nya ang bawat detalye ng muhka ng girlfriend nya hinihimas himas nya ang ulo nito habang nakatitig, para bang kahit isang segundo ayaw nyang mawala ito sa paningin nya.
Habang nakahiga at tinititigan ang girlfriend, biglang tumunog ang phone nito, agad naman nyang kinuha ang phone ni Jade mula sa katabing table ng kamang hinihigaan nila para tingnan kung sino ang nag text naisip nya kasi baka importante ito mula school. Binuksan atb binasa nya ang text.First text
From: David
Babe, nasaan ka? Nandito ako sa bahay nyo sabi ng mama mo umalis ka na naman daw.second text
From: David
Uy babe, kanina ka pa hindi nagrereply ahh. Text ka naman. Pauwi na ako.
Third text
Sige babe... good night na lang.. i miss you :(
Napakunot ang noo ni Althea sa nabasa nya.. nakaramdam sya ng kirot dahil dito nanlambot sya.
"Lab? Bat gising ka pa? Halika na dito tulog na tayo." Pag aya ni Jade na naalimpungatan.
Hindi naman agad nakapagsalita si Althea dahil sa pagkabigla."A-ahh ito na lablab.. nag c.r lang kasi ako." Paliwanag ni Althea habang tumatabi kay Jade.
-
"Good morning lablab ko!" Bati ni Jade sa may pintuan ng kusina kaya naman nagising na ang diwa ni Althea kakaisip sa text ng David kay Jade.
"O-ohh gising kana pala lablab..upo kana muna dyan at malapit na maluto ito." Sagot ni Althea.
Lumakad naman papalapit si Jade dito imbes na maupo at nagback hug ito sa girlfriend nya."Hmmm ang bango naman yan lablab.." nakangiting sabi nito at inilagay ang baba sa right shoulder ni Althea.
"Parang ikaw...." she added at nag-blushed naman si Althea at ngumiti.
"Nakooo.. nambola pa ang lablab ko." Sagot naman ni Althea at pinisil ng mahina ang ilong ni Jade at tila nawala na sa isip nito ang mga txt ni David dahil nilamon na ito ng ka-sweetan.
"Good morning mommy...good morning maam Jade.." si Miggy na pupungas pungas pa.. agad naman kumalas sa pagkakayakap si Jade at nilapitan ang bata.
"Good morning my little boy!" Bati ni Jade sa bata sabay halik.
"Halika,upo kana at malapit ng matapos ang niluluto ni Mommy. Ipagtitimpla muna kita ng gatas." She added at sumunod naman ang bata.
"Oh eto tapos na ako magluto.. maupo kana din at ako na dyan." Sabat naman ni Althea
Ayaw na ayaw nya kasing pakiluson ito dahil turing nya dito ay prinsesa."Ikaw talaga... pati ba naman ito ayaw mong gawin ko? Eh magaan lang na trabaho ito. " reklamo ni Jade na di naman galit.
"Eh sa ayaw kong magkaroon ng kalyo kahit maliit ang mga kamy mo." Si Althea na kinuha ang ginagawa ng girlfriend at hinalikan ang kamay.
Napangiti naman si Jade at kinilig."Ikaw talaga.... baka masanay ako ng ganto sige ka." Si Jade na abot ulo na ang ngiti dahil sa kilig.
"Bakit? Edi masanay ka na dahil wala naman akong balak na itigil ito." Muling banat ni Althea at kinuha ulit ang mga kamay ni Jade at hinalikan.
"Ayy naku.. wala na akong ganang kumain." Si Jade na sumeryoso ang boses.
Nabigla naman si Althea at nilingon ang girlfriend na nagtataka."Bakit lab?" Tanong nito na medyo kinabahan.
"Kasi busog na busog na ako sa pagmamahal mo." Tugon nito na nakangiti at sabay pisil sa pisngi ni Althea.
"Naman ehh.....ikaw ahh...tara na nga kumain na tayo.." sambit ni Althea at hinila na ang isang kamay ni Jade papuntang dining table.
Habang kumakain nakaisip sila ng gagawin for the whole day.
"Lablab... mamaya kaya punta tayong park? Tutal Saturday naman wala akong pasok at ikaw naman rest day..." sambit ni Jade habang kinikuha ang isang hotdog sa kabilang plato.
"Pwede..para naman malibang tayo kesa naman maghapon tayo dito sa bahay." Sagot naman ni Althea.
-
"Mommy! Doon lang po ako ahh..gusto kong mag slide dun" paalam ni Miggy.
"Sige anak pero mag-ingat ka ahhhh wag kang lalayo." Paalala naman ni Althea sa anak. At tumakbo naman na si Miggy patungong slide.
"Ang kulit talaga ng batang ito." Dagdag pa niya.
"Parang ikaw." Sabat naman ni Jade na pabiro.
"Ako? Hindi nohh baka ikaw..sayo yata namana ang kakulitan nun. .kinakampihan mo mga kapilyuhan nya." Tatawa tawang sabi ni Althea.
"sira.... papaano naman sakin magmamana anak mo?" Natatawang tanong nito.
"Anak natin...dahil para sa akin you're officially mine..my lifetime partner, my strength, my hope and love of my life..na kasama kong bumuo ng mga pangarap..na kasama ko sa hirap at ginhawa, kasama ko sa bawat iyak at ngiti ko, kasama kong matulog araw man o gabi, kasama kong harapin ang mundong mapanghusga, kasamang bumuo ng pamilya at higit sa lahat, kasama kong tumanda. This is I promise you lablab." tugon naman ni Althea at halos matunaw naman ang puso ni Jade sa mga sinabi nito...kaya habang tumatagal lalo pa syang napapamahal dito..naiiyak sya dahil sa tuwa. Hinawakan nya ang dalawang kamay nito bago sumagot.
"Lab, I really thankful dahil dumating ka sa buhay ko.. na nakilala kita.. Lab, I can't promise I won't hurt you, I know time will come we're having some misunderstandings but its not a reason to give up, sabi nga nila the more aguments with your partner that both of you are facing the more you getting stronger..but one thing I really sure I will not let your arms to be alone. " Jade said na medyo naiiyak iyak na.
"Shhhhh.... dont cry lablab.. alam ko naman yun ehh." Althea said at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ni Jade at hinalikan sa noo.
"Alam kong lagi ko na sayo itong sinasabi, pero hindi ako magsasawang ulit ulitin sayo... hinding hindi kita iiwan, hinding hindi ako mapapagod mahalin ka, lahat ng ginagawa ko para sa inyo ni Miggy kayo ang buhay ko, kayo lang ang mundo ko." Dagdag pa ni Althea at muling hinalikan ang noo ni Jade.
"I heart you lablab.. wala na akong masabi." Ang tanging lumabas lang sa bibig ni Jade.
"I heart you more lablab." Sagot naman ni Althea at niyakap ng mahigpit ang girlfriend.

BINABASA MO ANG
World and Us
Romancepaano mo ipaglalaban ang isang pag ibig kung ang kalaban mo ay ang mundo?