First

22.3K 341 40
                                    

It is better to love someone who's far and craves to be with you than to love someone who's near yet doesn't even care to see you.

Hindi naman basehan ang lugar, hindi masama ang maging LDR at hindi masamang malayo kayo sa isa't isa. Alam mo kung ano ang masama? Ayun ang mawalan ng tiwala sa isa't isa na sanhi ng lokohan. Ayan lang ang natutunan ko simula ng makilala ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko ngunit isang araw paggising ko ay nawala na lamang siya na parang bula. Nasaan na kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako o ginamit niya lang ako para pampalipas oras sa mga panahong wala siyang magawa. Magsisilbi na lang ba siyang isang panaginip?

"Maine!" Sigaw galing sa ibabang parte ng bahay namin. Umaga na pero tinatamad pa akong bumangon. "Gumising ka na! Anong oras na." Kahit ayoko pang imulat ang aking mga mata ay napilitan na lamang akong buksan ito at nagsimulang mag-unat.

Anong araw ba ngayon? Hindi naman espesyal ngunit bakit parang aligaga ang tao ngayon? Hindi rin naman holiday? May nalimutan ba ako o sadyang ulyanin na ako? Bahala na, basta kakain muna ako rito at hindi muna sila papakialaman sa ginagawa nila.

"Oh, bakit ang bagal mo kumain? At bakit hindi ka pa nakabihis?" Napahinto si Mama sa kanyang ginagawa at pumamewang pa sa aking harapan. "Bilisan mo ang kilos, Maine, kapag tayo ay na-late. Sinasabi ko lang sa'yo!"

Galit na siya sa akin. Wala talaga akong kaalam-alam sa mga nangyayari? Itatanong ko na ba o susundin ko muna ang utos niya? Pero siyempre kikilos muna ako, ayokong mabungangaan nito. Ang aga-aga masisira lang ba ang araw ko. Aba'y hindi maaari.

Nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili, pagbaba ko ay ako na lang ang kanilang hinihintay. Ang mga mata nilang nakatingin sa akin, para bang tinatanong kung bakit ang bagal ko. Pasensya naman, nakakatamad lang talaga gumalaw ng sabado. Nakaupo lang ako sa loob ng sasakyan at nakikinig sa musika habang nasa byahe. Wala parin akong alam kung saan kami pupunta at hindi ko rin naman marinig ang pinagkukwentuhan nila ni ate dahil sa lakas ng tunog na naka salpak sa tainga ko.

"Baba na diyan." Utos ng nanay ko. Binasa ko lamang 'yan kung paano niya ibinuka ang kanyang labi at sa pagtingin ko sa bintana ay nasa airport na kami. Teka lang? OMG! Ngayon pala uuwi si papa galing America, bakit ko 'yon nalimutan? Pero sa pagkakaalam ko next week pa 'yon, ah.

"Ma, sino susunduin natin dito?" Tanong ko.

"Papa mo, sino pa ba?" Sagot niya habang inaayos ang kanyang buhok na nagulo ng hangin habang bumababa siya ng sasakyan.

"Eh, 'di ba po next week pa 'yung flight niya?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ang dami mong tanong. Naatras 'yung flight niya ngayon, okay na?" Iritang sagot nito at nauna na sa paglalakad.

Beast mode na agad, 'di ba dapat excited lang siya. Iba talaga pakiramdam ko ngayong araw. Kakaibang kakaiba. Nakakapanibago ang ikinikilos ni mama. Nag-away ba sila ni papa? Siya lang kasi ang taong nakita kong susundo ng asawa sa airport na naka simangot o feeling ko lang iyon?

"Papa!" Sigaw ko nung nakita ko siyang palakad papunta sa amin, bitbit niya ang dalawang maleta na kanyang dala. Paniguradong pasalubong ko ang laman nung isang maleta. Aba, nagbilin ako sa kanya bago siya magbusiness trip sa hongkong na gusto ko ng mga chocolates. Imposibleng biguin niya ako. Atayun na nga, dahil sa hindi na ako makapaghintay ay tumakbo na ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Miss na kita, papa." Bungad ko sa kanya at humalik sa pisngi.

Hindi rin nagpatalo si mama at yumakap narin, ang kaninang naka busangot nitong mukha ay umaliwalas na ang itsura. Pati na rin ang mas nakakatanda kong kapatid na si Nicoleen ay hindi na nakapagpigil at nakipag-agawan kay mama para sa pagyakap kay papa kaya naman heto ako at nawalan na ng p'westo. Nagkibit balikat na lamang ako at pinagmasdan silang tatlo. What a perfect family. hindi ko lang lubos maisip kung bakit mainit ulo ng nanay ko kanina.

Nang natapos na ang moment nilang tatlo. Umayos kami ng tayo at ibinuka ang magkabilang kamay namin ng malawak at saka sumigaw ng "Welcome back!"

Bago umuwi ay naghanap lang kami ng makakainan at kumain pagtapos ay umuwi na agad kami dahil gusto raw ni papa ang magpahinga muna. Nasa bahay nanaman ako maghapon, kaharap ko nanaman ang dingding at bintana sa kwarto ko dahil paniguradong si mama ay maglilinis ng bahay at si ate ay matutulog lang. Bored nanaman ako panigurado kaya naman binuksan ko na lang ang laptop ko para maghanap ng mapaglilibangan.

Facebook, twitter, Instagram,blog.. Paulit-ulit na lang, umay na ako sa mga nakikita ko diyan. Wala na bang iba?

Talk to strangers!

Agad 'yan nahagip ng mga mata ko habang nag-iiscroll down sa newsfeed ko. Anong mayro'n sa site na 'yan?

Omegle: Talk to strangers!

Kinilick ko agad ang www.omegle.com at bumungad sa akin ang isang chatting site. Mukhang exciting dahil napag-alaman ko na p'wede kang makipagchat dito randomly. Exciting! Sawakas may makaka-usap din ako pansamantala para maiiwasan ko ang pagkabagot sa buong araw na ito.

VOTE ♡ COMMENT ♡ FOLLOW

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon