Forty Eighth

2.9K 101 1
                                    

Napagdesisyunan naming buong pamilya na magmall pagkagaling namin sa simbahan. Bonding narin daw dahil minsan na lang ako mapirmi sa bahay dahil sa naging trabaho ko.

Tumagal kami sa isang restaurant dahil habang kumakain ng tanghalian ay nagkwentuhan pa. Nagtanungan kung kumusta naman daw ang buhay may trabaho at kung naka usap ko na raw ba si Alden. Naikwento ko kasi sa kanila na nakita namin si Lola Baba at nakakatakot ang itsura nito. Mukhang mataray at saka isa pa mukhang hindi boto sa akin dahil si Cindy nanaman ang kasama. Pero sabi nila lola ay sila na raw bahala kapag naghanap ito ng gulo.

Pagtapos namin kumain ay naglibot lang kami saglit. Pumasok kami ni ate sa Forever 21 para tuningin kung may maganda bang damit kaya naman walang nagawa sila mama kundi sundan lang kami kung saan man kami lumusot pero habang abala ang lahat pagshoshopping narin ay narinig namin si lola Nidora.

"Ano ba!" Pumunta agad kami sa labas para tignan ito. "Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo." Paninita nito habang hawak ang kanyang braso.

Hindi ko makita ang kaaway ni lola dahil naka talikod ito sa amin. Mukang may lumilitaw na madilim na ulap sa ulunan nilang dalawa. Rayot ata ang magaganap.

"Ikaw ang hindi tumitingin. Sisisihin mo pa ako sa katangahan mo?"

Nako, kukulo na panigurado ang dugo niyan ni lola. Lalapitan ko na sana si lola para awatin na pero pahakbang palang ako nang narinig kong may nagsalita galing sa likuran namin at ang taong nagsalita nito ay dumaan sa gilid namin. In fairness, pamilyar ang amoy niya. Ang bango!

"Lola Baba.. Ano pong nangyari?"

Alden? Mukhang wala siyang ideya na narito kami. Ito pala si Lola Baba, hindi ko pa tuluyang nakikita ang mukha nito ay kinikilabutan na ako.

"Ayan kasi." Tinuro niya si lola Nidora. "Sinisisi akong hindi raw ako tumitingin sa daan, eh, siya nga itong unang nambangga."

Bigla ni lola tinapik ang kamay ni lola Baba at nakita kong nagpipigil ng tawa sila lola Tidora at Tinidora.

"'Wag kang maniniwala diyan, Alden. Hindi 'yon totoo."

Biglang napalingon si Alden 'nung binanggit ni lola ang pangalan niya. Nanlaki ang mata niya at dahan-dahang inilibot ang tingin at nang tumapat ang kanyang mata sa aking mata ay nagpeace sign ako sa kanya.

Naghahagikgikan naman kami ni ate dahil wala itong alam.

"Aldrin! Aldrin.." Napalakas na ang boses nito dahil nawala ang atensyon ng kanyang apo sa kanya.

At nang bumalik na sa katinuan itong si Alden ay muli niyang kinausap si lola Baba. "La, 'wag niyo na po awayin si lola Nidor--." Hindi pa man nito natatapos ang kanyang sasabihin ay tumalak nanaman ang kanyang lola.

"Hindi, akala mo kung sino, eh. Akala mo kung sinong reyna na naglalakad." Madiin nitong saad.

"Hoy, babalu.. Bakit, pag-aari mo rin ba itong mall para magsalita ka ng ganyan?" Nagkakaroon na ng tensyon. Buti na lamang at wala masyadong tao sa lugar na kinakatayuan namin dahil baka magviral aa social media ang magiging away ng dalawang lola.

Dahil nasa gitna si Alden ay pilit niyang inaawat ang dalawa pero wala siyang magawa. Nagduduruan na ang mga ito. Hanggang sa itinaas na ni Alden ang kamay niya. "Teka lang!" Medyo malakas ang pagkakasabi niya pero effective naman dahil tumigil na ang iringan ng dalawa.

"Lola Baba, tama na po. Sa katunayan nga po siya ang lola ng taong mahal ko. Kaya 'wag na po kayong mag-away."

"Talaga ba?" Bigla itong kumalma at natawa. "Ba't hindi mo agad sinabi, Ijo?"

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon