Forty Third

3.3K 100 3
                                    

Kanina pa ako gising pero hindi muna ako bumaba. Alam ko naman kasing raratratin nila ako dahil sa pinag-alala ko sila. Pero kailangan ko na lang tanggapin ang lahat at dahil may ipinangako rin ako kay Alden.

"Meng, sandali lang." Paalis na sana ako ng hablutin niya ang kamay ko. Napalinga naman ako sa kanya at nakita siyang nakayuko at tinitignan ang kanyang sapatos.

"Bakit, ano 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Alam ko namang papagalitan ka nila sa pag-uwi mo. Kaya sana, makipag-usap ka lang sa kanila ng maayos, ah, 'wag mong tataasan ang boses mo. Kung maaari lang din ay mag-usap narin kayong lahat dahil para rin naman 'yon sa ikakabuti ninyong pamilya."

Tumango ako at niyakap siya. "Sige, gagawin ko 'yan."

Kaya kung ano man ang mangyari paglabas ko ng pintuan ng kwartong ito ay tatanggapin ko na lang ng buong puso ang mga sasabihin nila sa akin at para narin kay Alden.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Tuwing kakabahan ako lagi akong pinapa-inhale at exhale ni Alden para raw mawala ang kaba at effective naman. Kakayanin ko ito, hindi dapat ako matakot sa kakalabasan.

Nasa hagdanan palang ako ay natanaw ko na silang lahat na sabay-sabay na kumakain. Tahimik at walang nagsasalita, tanging tunog lamang ng kubyertos ang iyong maririnig.

Ano na ba ang nangyari sa pamilyang ito? Hindi na ito tulad ng dati at ibang-iba na. Nasaan na 'yung nanay kong natataranta tuwing umaga sa pagluluto? Nasaan na ang kapatid ko na aasarin ako kay Alden tuwing bababa ako sa hagdanan? Nasaan na si papa na aawatin kami ni ate dahil malapit na kaming magkapikunan? Nasaan na si lola Tinidora na laging sumasayaw tuwing umaga? Nasaan na si lola Tidora na laging humahalakhak sa tawa? Nasaan na si lola Nidora na laging sinasaway si lola Tidora na 'wag maingay dahil nakakahiya sa kapitbahay? At nasaan na si Maine na bubuo ng pamilya? Nakakalungkot na ang pamilyang nakilala ko ay wala na at ako ang dahilan kung bakit ito nangyari. Kaya kailangan ko nang kumilos.

Napalingon silang lahat sa akin. Ang awkward dahil nasa akin lahat ng atensyon nila. Sana bumukas ang lupa at kainin na lang ako.

"Gising ka na pala, anak. Umupo ka na at kumain." Inabot pa sa akin ni mama ang kanin.

"Sige po." Malumanay kong sagot.

Habang nginunguya ko ang kinakain ko ay para bang hirap na hirap akong lumunok. Ayoko na, hindi ko na kaya 'to! Ikakabaliw ko na ito. Uminom lang ako ng tubig at saka nagsalita. Nanuyot na ang lalamunan ko, buti na lamang at nadaan sa tubig.

"A-ano po.." Bungad ko. Sakto naman at nagsalita narin si Lola Tinidora.

"Ija, saan ka ba nanggaling? Pinag-alala mo kami."

Napalunok ako muli ng laway. Iniisip ko kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling na muna. Kung sasabihin ko ang tunay na nangyari, paniguradong uusok nanaman ang ilong ni lola Nidora at mas lalong kukulo ang dugo nito kay Alden. Eh, kung magsinungaling na lang kaya ako? Wala namang may alam na nagkita kami. Bahala na nga!

"Sa batangas po." Napayuko ako sa kinakain ko. Kulang na nga lang ay mahalikan ko na 'yung plato.

"Anong ginawa mo sa batangas? Ang layo 'non, anak, ah." Singit ni mama.

Sa oras na ito ay hindi pa sumisingit si lola Nidora at nakakasigurado akong puputak na 'yan 'pag narinig na niya ang pangalang Alden.

"Nabudol-budol ka ba, Ija?' Dagdag ni lola Tidora na hindi maipinta ang mukha.

Umiling ako at uminom muna muli ng tubig. Kinakabahan talaga ako. "Kasama ko po si Alden."

"Ano!" Napapikit ako dahil sa lakas ng pagkasigaw ni lola Nidora. Napatayo pa siya sa kanyang kinakaupuan at kitang-kita na galit na galit na ang mga ugat nitong gumuguhit sa kanyang noo. "Anong pinagsasabi mong, Alden.. Alden na 'yan?!"
Gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa. Paano ko ba uumpisahan ang pagkausap sa kanila kung sigaw agad ang bubungad sa akin. Siyempre kapag may nag-umpisa nang sumigaw paniguradong ang lahat ay magiging gano'n rin. Kailangan ko munang pakalmahin si lola para masabi ko na ang lahat.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon