Sixteenth

4.6K 141 6
                                    

Nandiyan naman si ate pero bakit ako ang inutusan na bumili ng ihahanda namin mamayang gabi. Tapos tanghaling tapat pa talaga mag-uutos, hindi na sariwa ang mga karne nito. Buti na lang at may malapit na grocery rito sa amin at hindi ko na kailangan pumunta sa palengke.

Kumuha ako ng push cart at itinulak ito.

Magkalayong agwat, gagawin ang lahat..

Mapasayo lang ang pag-ibig na alay sa'yo...

Ay bongga naman ang kanta. Patama ba ito sa akin? Sino ang nagplay niyan? Pagnakita ko talaga 'yan nako..

Ang awit na 'to ay awit ko sayo..

Sana ay madama.

Magkabila man ang ating mundo

Kahit nasa'n ka man 'di ka papalitan..

Nag-iisa ka lang, kahit na langit ka at lupa ako..

Ang bitwin aking dadamhin pag naiisip ka sabay kayong nagniningning..

Amerika at Pilipinas.. Napakalayo nitong dalawang bansa. Milyon-milyong distansya ang agwat sa pagitan nito at tanging teknolohiya lang namin ang tanging kasagutan para macontact namin ang isa't isa. Hindi biro ang nararamdaman namin at napakahirap...

Dito ay umaga at diyan ay gabi..

Ang oras natin ay magkasalungat..

Aking hapunan ay 'yong umagahan

Ngunit kahit na anong mangyari..

Nakukulangan kaming dalawa ng tulog kaya naman napupuyat kami. May pagkakataong bigla na lang akong nakakatulog sa gitna nang pag-uusap namin. Minsan nga naiisip ko kung nakakasagabal na ba ako para sa kanya dahil mas malaki ang sakripisyo niya para maka usap lang ako. Napupuyat siya tuwing gabi tapos may trabaho pa siya kinabukasan. Nadagdagan pa tuloy ang priorities niya na dapat ay trabaho lang.

Balang araw ay makakapiling ka..

Paano kaya kung nasa pilipinas lang siya? Paano kaya ang set up namin ngayon?

"Sorry." May bumunggo sa cart ko at halos mapamura ako sa gulat.

Kahit may iniisip ako ay naka tingin naman ako sa dinadaanan ko kaya hindi ako ang may kasalanan. Lumingon ako sa bumangga sa akin at mukhang nagulat pa siya.

"Maine.." Mahina nitong saad.

Tinignan ko siya ngunit hindi ito maka tingin nang maayos sa mga mata ko. Naiilang siya panigurado pero para sa akin ay wala na lamang ito.

"Oh, Krystal." Bati ko sa kanya na may kasamang ngiti sa labi. Gulat nanaman ang itsura nito sa akin. Para siyang nakakita ng multo kung manlaki ang mata.

"Ah.. Ano, can we talk?" Nashock siguro siya sa mga nangyayari ngayon.

"Sure." Ngiti ko ulit sa kanya. "Ngayon na ba?" Tumango lamang siya. "Sige, habang nag gogorocery tayo. Pag-usapan na natin 'yan." Sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman siya sa akin.

"I'm so sorry, Maine. Hindi ko gustong saktan ka." Napatigil naman ako sa pagkuha ng asin sa sinabi niya. "Sinubukan ko naman na iwasan siya kaso kasi.. Ayokong masayang ang mga efforts niya para sa akin." Medyo nanginginig na ang boses nito. "Alam kong mali ako, alam kong nasaktan kita kaya naman tanggap ko kung ano mang galit ang ibibigay mo sa akin." Sa pagkakataong ito ay tinignan ko lang siya. Sincere ang pagkakasabi niya ng mga ito.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon