Fourth

5.5K 155 0
                                    

Hindi ko alam pero ngayong araw ay maganda ang aking gising. Ngiti sa aking labi ang agad na pumorma sa aking mukha bago ko buksan ang ang aking mga mata. Nag-unat pa ako bago tumayo. Pagkatapos ng lahat ay tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama ko. 6:15AM masyado akong maagang nagising at naunahan ko pa ang alarm clock ko na tumutunog tuwing sasapit ang

Nagulat na lang ako ng biglang may tumabi sa akin sa pagkakaupo ko. Pinagdadasal ko na sana hindi muna ito si Krystal o kahit si Sam. Naaalala ko pa naman 'yung mga sinabi sa akin ni Alden kagabi at hindi ko 'yon malilimutan pero hindi pa kasi ako handa ngayon. Dahan-dahan kong sinilip kung sino ito, sa awa naman ng Diyos ay si Ivan ito. Kaklase rin namin ni Krystal noong college.

"Anong ginagawa mo rito mag-isa?" Tinignan niya ako at ngumiti. "Nasaan na si Krystal? Himala at hindi na kayo magkasama."

"Busy." Tipid kong sagot.

"Gano'n ba? O may ibang dahilan lang?"

Paano niya nalamang may ibang dahilan? 'Wag mong sabihin na may alam siya sa lahat. Close rin kasi si Krystal kay Ivan at huhulaan ko na may mga bagay itong naikukwento sa kanya na hindi sa akin naikukwento. Tatalon na ako sa mga conclusion kaysa mag tanga-tangahan pa ako 'di ba. I need more explanation for this. Bwahaha!

"Bakit alam mo ba 'yung ibang dahilan na 'yon?" Ibinalik ko sa kanya ang tanong.

"Ang galing talaga ng mga pilipino 'noh. Sinagot ka pa ng isa pang katanungan. Sasagutin ko ba muna 'yan o ikaw muna ang sasagot sa tanong ko?"

"Edi SAgutin mo muna ang tanong ko." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Chill. 'Wag kang magtaray, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, eh." Tumayo ito at nag-unat. "Marami akong alam pero hindi ko alam kung gugustuhin mo ba marinig ang mga ito?"

Of course I want to hear that! Bakit may gano'n pang pagtatanong. I hate this guy! Lagi na lang siya nagpapabitin ng mga bagay-bagay. Kaya maraming napapanganga tuwing magsasalita siya noon sa klase, eh.

"I'm willing to hear that.. So ano na ang mga alam mo?"

Tumingin ito sa kanyang orasan at ngumiti nang nakakaloko. "Sorry but I need to go." Akmang aalis na ito kaya naman napatayo ako. "Magkita na lang tayo tomorrow morning sa Kasa Cafe, eight thirty. Okay? Bye."

At tuluyan na nga iyang umalis. Hindi ko alam kung excited na ba ako sa mga malalaman ko o hindi na lang ako pupunta dahil mali ang gagawin kong pag-alam nito. Agh! God guide me. I don't know what to do..


Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon