Sixth

4.9K 170 5
                                    

"Uuwi raw po sila lola sa katapusan." Madali kong kwento kela papa at ate 'pagkauwing pagkauwi nila.


Matagal narin simula ng makita ko sila lola at miss na miss ko na silang tatlo. Oo, sila. Kasi tatlo silang lola ko, triplets. Kapag nagsama-sama sila nako walang mapaglagyan ang kasiyahan mo, hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ay gano'n parin sila. Huli ko kasing dalaw sa kanila ay nung fourth year high school pa ako, nung nag-ojt naman ako sa America ay wala akong time na dalawin sila kaya gano'n na lang kagrabe ang pagkamiss ko sa kanila.

"Talaga? Malapit na pala, nako.. May pinagmanahan naman pala si papa." Humagikgik si ate. "Magsasabi na uuwi na sa pinas kapag indulto na." Pati si mama ay nakisali sa tawa ni ate at ako naman ay sumimangot lang sa gilid dahil nung mga oras na 'yon para silang galit na ewan. a

"Grabe ka naman sa akin." Apila ni papa. "Pero mabalik tayo sa usapan. Anong oras ba raw ang flight nila?"

"Wala pa pong sinasabi tatawag na lang daw po sila ulit."

Sa tatlo kong lola kay Lola Nidora ako pinakaclose, simula palang kasi nung bata ako ay siya ang nag-alaga sa akin. Si Lola Tidora at Tinidora kasi ay busy sa kanilang trabaho kaya wala silang time na kulitin at laruin ako noon. Pero kapag may free time naman sila ay nakakabonding din naman namin sila ni ate.

Si Lola Nidora medyo seryoso ito pagdating sa mga bagay-bagay pero kapag alam niyang naaagrabyado na kami ay makikipaglaban 'yan ng patayan. Matigas pero lumalambot rin naman. Si Lola Tidora napaka kikay, sakanya raw kami nagmana ng kagandahan tiyaka make up artist 'yan sa ibang bansa, o 'di ba bigatin. At sa kanilang tatlo ang pinakamakulit at masiyahin ay si Lola Tinidora, healthy din ang life style dahil sa pagsasayaw.

Masyado na bang maraming impormasyon ang naibigay ko? Excited lang ako na makita ulit sila. Kaya ito naman si mama ay nataranta, nilinis ang bahay at inilabas na ang mga decoration para sa pasko. Aligaga ang nanay niyo, haha.

Kaya ito naman si papa ay pinagalitan si mama. 'Wag daw masyadong atat at ipagpabukas na lang gawin iyon. Natatawa na lang ako dahil ngayon na lang ulit nagkarayot sa bahay nang ganito.

"Meng, samahan mo ako bukas, ah." Pagyayaya ni ate.

"Saan?"Siyempre maninigurado muna ako. Mahirap na. "Libre mo?"

Humagikgik nanaman si ate. "Oo na. Basta samahan mo ako, pupunta tayo sa mall."

Tulad nga ng napagkaunduan ay pumunta na kami ni ate sa mall. Sisters bonding! Ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng quality time. Habang naglalakad at dala-dala ko ang iniinom kong milk tea ay may nabunggo ako, hindi ko siya nakita dahil nakalingon ako sa may bandang kanan dahil maraming taong nagkakagulo roon kaya naman ayun buti na lang at may takip ang iniinom ko kundi ay paniguradong dalawa kaming malagkit ngayon.

"Sorry." Banggit ko. Tinignan ko 'yung nakabangga ko at ngumit lang siya sa akin at humingi rin ng paumanhin pero 'yung taong nasa likod niya ang aking napansin. Iba ang titig nito at palapit siya sa akin.

"Ate, halika na." Madaling hinablot ko ang kamay ni ate at pinilit ko siyang hilahin palayo.

"Teka lang." Pagawat sa akin ni ate. "Bakit ba?"

"Basta"

Hindi ako nagpaawat at patuloy parin sa paghila sa kanya para makalayo sa lugar na 'yon. Nakita ko kasi si Krystal at hindi pa ako handa, wala pa akong lakas ng loob na kausapin siya at nahihiya ako dahil sa katangahang nagawa ko. In short, wala pa akomukhang ihaharap sa kanya.

Nag-iba na 'yung mood ko simula nung nakita ko siya. Hanggang sa pag-uwi ko ay halos matulala na lang ako sa isang sulok. Nagtaka na tuloy sa akin si ate at pinipilit niya akong tanungin kung ano ba raw ang nangyari sa akin at ang tanging nasagot ko na lang ay sumakit 'yung tiyan ko sa ininom kong milk tea, buti na lamang at naniwala siya.

Ito nanaman ba ako? Poproblemahin ko nanaman ba ang bagay na ito. Jusmiyo naman kasi, sa dami-rami ng lugar na pupuntahan ko bakit ba lagi ko siyang nakikita doon. Dahil sa pagkalito ko pati ang pinatay kong cell phone ay binuksan ko. Wala pang tatlong minuto ay nagpasukan na ang mga mensaheng matagal nang hindi ko binuksan.

33 text message received.

Wow, just wow! At sa iisang tao lang 'yan galing.

Can we talk?

Maine, please.. Reply naman diyan.

Bakit naka patay 'yung phone mo?

Please, Maine. Kausapin mo naman ako.

At ang huling mensaheng natanggap ko ay ang ikinadurog ng puso ko.

Okay, fine. I understand you naman and I'm so sorry sa bagay na nagawa ko.

Makikipagbreak na ako kay Sam.

Dahil sa text message na ito ay bigla akong nakapagreply. Oo siguro hindi pa ako ready para kausapin siya pero hindi ko naman kayang sikmurain na maghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan dahil lang sa akin. Ayokong maging kontrabida sa love story nila.

To: Krystal.

To be honest, I hate you. Pero please 'wag mong itaya ang pagmamahalan ninyo dahil lang sa akin.

SEND!

Pagkatapos kong isend ito ay pinatay ko na ulit ang phone ko. Baka kasi isipin ninyo na sobrang sama kong tao, kahit kailan hindi ko pinangarap na maging kontrabida.


[A:N/ I dedicated this story to all of you. And of course sa AldubNation. Sana suportahan ninyo ang kwentong ito hanggang sa dulo. Don't forget to vote and comment. Kahit feedback lang masaya na ako. Thanks.]


Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon