Eighteenth

3.5K 114 6
                                    

HIS Point of View

"Maine?" May babaeng naglalakad sa hindi kalayuan. Parang si Maine 'yon at hindi ako nagkakamali. Kaya naman ay hinabol ko siya. "Maine!" Sigaw ko ngunit hindi ata niya ako naririnig kaya hindi ito lumilingon.

Tumakbo ako upang maabutan siya pero bigla na lamang siyang sumakay sa isang taxi, buti na lang at naka para rin agad ako ng taxi para habulin siya. Si Meng talaga 'yon at hindi ako nagkakamali sa nakikita ko.

Pagkababa niya ay pinara ko na ang taxi sa tabi at nagbayad. Sa puntong ito ay mabagal lamang ang kanyang paglalakad kaya naman naisipan ko munang pagmasdan siya. Sa tagal naming nag-uusap sa skype sa wakas ay makikita ko narin siya ng personal, mahahawakan, at makakausap. Wala ng screen pang hahadlang. Totoo na ang isang ito.

Naluluha ako sa mga nangyayari, parang kailan lang pero ngayon ibinigay na sa akin ang tamang panahon. Gusto ko na nga lang siyang hawakan bigla nang walang pasabi at tumakbo sa kawalan pero baka magulat ko lang siya. Sa paglalakad niya ay napapangiti ako, saglit na lang at makakasabay mo narin akong maglakad. Ikaw at ako, tayong dalawa. Sa tagal kong hinintay itong pagkakataong ito ay hindi parin ako makapaniwala.

Ano kaya magiging reaksyon niya? Magugulat? Iiyak? Tatawa? Matutulala? Iniisip ko palang ang reaksyon niya ay naeexcite na ako. Basta kung ano man ang resulta ay yayakapin ko na lang siya ng mahigpit. Matagal ko nang gustong gawin sa kanya 'yon.

Patuloy parin siya sa paglalakad at walang ideya na nasa likuran niya ako. Tatawagin ko na ba ulit siya? Kaso teka, anong sasabihin ko?

"Kumusta?" Mali, ang pangit naman 'di ba.

"Finally, nagkita narin tayo." Napailing ako. Napakabaduy naman.

"Maine, I love you." Masyado namang biglaan? Nagmamadali lang?

"I'm here!"

Nakakabaliw na isipin kung ano ang sasabihin. Pangit ata kung scripted ang sasabihin ko, bahala na nga lang kung ano ang una kong masabi.

Nakakabakla naman itong pakiramdam na 'to. Pero kahit man nakakabakla ay ayos lang. Minsan ka lang naman mabakla para sa babaeng matagal mo nang gusto 'di ba. At hindi ko ikakahiya itong nararamdaman ko. Walang makakapigil sa akin. Haha.

Ang dami ko nang naiisip bakit hindi pa ako kumilos? Mamaya bigla na lang siya mawala sa paningin ko lalo na't dumarami na ang tao sa paligid.

Pagbilang ko ng lima ay tatawagin ko na siya. Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Apat at kalahati.. Li-- Teka kinakabahan ako. Pero teka, bigla na lang akong nagpanic nang biglang tumawid na siya sa kabilang kalye.

"MAINE!" Lahat ng makakaya ko ibinigay ko na sa pagsigaw para lamang matawag siya. Sakto naman at tumigil siya sa paglalakad at hinanap kung saang banda nga ba nanggaling ang pagtawag hanggang sa lumingon siya sa likuran niya kung saan ay malapit lamang sa kinakatayuan ko.

"Alden?" Hindi ko man narinig ang boses niya ngunit nabasa ko ito sa pagbuka ng kanyang labi. Mukhang hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa lahat. Para bang panaginip na ayoko nang magising pa.

Dahan-dahan siyang humakbang pabalik, pinagmamasdan ko lang siya.. Malapit na, malapit na malapit na siya..

"Shit! Maine!"

Bigla na lamang may bumulusok na sasakyan, sobrang bilis ng takbo kaya naman ay nahagip si Maine. Napatakbo ako, nagkagulo ang mga tao. Bigla na lang din tumulo ang luha ko sa nangyari. Inangat ko si Maine at inalalayan ang kanyang ulo. Punong-puno ng dugo at walang malay. Hindi ko alam ang gagawin.. Napabulong na lamang ako sa tainha niya.

"Maine, 'wag kang bibitiw. Please..." Hagulgol na ang pag-iyak ko. "Maine, gumising ka. Hindi magandang biro 'yan. Please, dumilat ka na." Tinatapik ko pa ang pisngi niya ngunit hindi parin siya dumidilat.

Bulungan ng mga tao, init, sikip, tensyon! Sigawan! Bigla na lang nagshut down ang utak ko at hindi na alam ang gagawin. Iyak na lang ako ng iyak hanggang sa lumapit sa akin ang tarantadong driver na nagmamaneho ng parang sira ulo. Papatulan ko na sana ngunit bigla na lang may hunawak sa kaliwang pisngi ko.

Ibinigay niya ang lahat ng lakas niya upang makapagsalita. "A-alden.. Sobrang saya ko dahil nakita na kita." Utal-utal niya 'yang binanggit. "Hi-hindi ko na kaya.. I love you, go-good bye." At tuluyan na siyang pumikit at ang kamay na nakadampi sa pisngi ko lamang kanina ay bigla na lamang nahulog.

"'Wag mo akong biruin! Maine! MAINE!" Hindi ko alam, hindi ko na alam ang nangyayari. Kung joke lang 'to o prank please lang sabihin niyo sa akin na na-good time ninyo ako. Nasaan na ang mga hidden cameras? Parang awa niyo na. Parang awa niyo na......

***

"Fuck!" Bigla akong nagising, sobrang init at basang basa ako ng pawis kahit naka aircon. Jusko, buti na lamang at panaginip lang ang lahat. Isang bangungot!

Alam ko naman na kapag panaginip ay hindi magkakatotoo kaya naman ay pinagpaliban ko muna ito. Uminom lamang ako ng tubig at bumalik na sa pagtulog ngunit may bumabagabag parin sa akin. Kinakabahan na ako.. Hindi ako mapakali! Kaysa ma rejuvinate ang energy ko sa patulog ay parang mas lalo akong napagod?

Minabuti ko na lang na tawagan si Maine para makasigurado. Ilang ring din ang lumipas, nag-aalala na talaga ako..

"Uy," Unang bati niya na mukhang gulat at nagtataka. "Ba't gising ka pa?" Naninibago siguro siya dahil madaling araw pa nga lang at tinawagan ko na siya.

"Naalimpungatan kasi ako. Nanaginip ako na nabangga ka raw kaya naman nag-alala ako." Pagpapaliwanag ko.

"Nako.. Kabaligtaran daw sa tunay na buhay ang mga nangyayari sa panaginip kaya 'wag ka na mag-alala. Safe naman ako.." Pareho kami ng naiisip pero gusto ko parin na makasigurado. Mahirap na.

Habang nagpupunas ako ng pawis ko ay sinambit ko ito. Ngunit kinakabahan parin ako. "Kahit na. Mabuti nang makasigurado. Grabe lang 'yung pawis ko kanina... Sobrang nag-alala na talaga ako."

"Okay na.." Ngumiti siya sa akin. "Okay naman na ak-- Ahh!!"

"Maine? Maine?! Sigaw ko sa telepono ko. Bigla na lang kasi siyang sumigaw at naputol ang tawag. Shit! Baka kung anong nangyari sa kanya? Mukhang naglalakad pa naman siya ngayon sa labas. Shit, shit... Wala akong magawa! Napakalayo ko.. Hindi ko alam kung anong nangyari! Ang hirap naman, paano ko malalaman kung anong nangyari? Mas lalo akong kinakabahan.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi na siya online. 'Wag ka nga munang mag-isip ng ganyan, Alden. Okay lang siya.. Magtiwala ka lang. Baka bigla lamang naagaw ang cellphone niya habang naglalakad. Okaya baka nahulog habangbpasakay siya? Oo gano'n lamang ang nangyari. Pero paano kung bigla siyang binaril o sinaksak pagkakuha ng cellphone? Paano kung 'yung sinakyan niya ay nabunggo?
Diyos ko, 'wag niyo naman po sanang pabayaan si Maine. Kayo na po ang bahala sa kanya.

***

Long distance! Wala kang magawa kundi maghintay kung kailan siya tatawag o mag oonline. Hindi ka makapunta sa bahay nila para tanungin kung anong nangyari. Hapon na simula nang maputol ang tawag at sobra-sobra na ang pag-aalala ko. Kahit sa trabaho ay tunganga ako at hindi maka usap ng maayos. Tinawagan ko si mama oara makisuyo na puntahan ang bahay nila Maine pero hindi raw nila magagawa dahil nasa Marikina raw sila at malayo ito sa Bulacan.

Ano bang buhay 'to? Gusto ko nang bumalik sa Pilipinas. Uuwi na ako doon sa lalong madaling panahon. Hindi ko na kakayanin ang maging ganito kaming dalawa. Ayoko na nang ganitong klaseng set-up.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon