Forty Seventh

3.3K 98 1
                                    

Tapos na ang maliligayang araw. Back to work, balik na sa realidad. 'Yung kakapasok ko palang sa trabaho pero miss ko na agad siya pero siyempre kailangan namin ito gawin para sa kinabukasan naming dalawa.

Nasa loob ako ng office ko, naka yuko sa lamesa at pinaglalaruan ang mga papel na nasa gilid ko. Nakakatamad magtrabaho! Nakakainis naman. Papikit na sana ako para umidlip nang biglang may kumatok sa pinto.

"Tuloy!" Sigaw ko.

Pumasok 'yung assistant ko at ibinungad nito ang kanyang malapad na ngiti. Nakita ko rin sa likuran niya ang isang bulaklak. "Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo." Inabot niya sa akin ito.

"Kanino galing?" Nakakapagtaka naman? Lunes na lunes ay may bulaklak agad?

"Hindi po sinabi, eh." Napakamot ito ng ulo at muling ngumiti. "Baka po boyfriend niyo, Ma'am?"

Napailing ako ng bahagya. "Imposible, busy rin 'yon sa trabaho niya kaya hindi 'yon makakasingit sa oras niya na bumili pa ng bulaklak."

At isa pa, wala namang importanteng okasyon ngayon para bigyan niya ako nito. Hindi naman namin monthsarry, hindi ko rin birthday. Anong mayro'n para padalhan niya ako nito? Pero sabagay, mahilig 'yon sa mga pakulo tiyaka sino pa nga ba ang magpapadala ng bulaklak sa akin, siya lang naman.

May sobre sa gilid kaya binuksan ko ito.

I miss you.

-Alden

Binibigyan niya ako ng dahilan para mas lalo ko siyang mamiss. Nakakatamad tuloy magtrabaho ngayon dahil sa nararamdaman ko pero ilang ulit ko bang sasabihin na para sa kabutihan namin ito. Anong klaseng pagmomotivate pa ba sa sarili ko ang dapat kong gagawin para ganahan ako?

Nagvibrate naman 'yung phone ko na naka patong sa lamesa, agad ko itong kinuha at sinagot.

"Nakuha mo na 'yung flowers?" Ito agad ang ibinungad niya sa kabilang linya.

"Oo, anong mayro'n?" Tanong ko naman.

Para akong timang na naka ngiti mag-isa. Sapat na para mabuo ang araw ko ang marinig ang boses niya tapos may additional flowers pa. Sa tinanong ko sa kanya ay natagalan siyang sagutin ito at may narinig akong bumubusina. 'Di ba nasa work siya? Ba't may busina?

"Nasaan ka?" Tanong ko ulit.

"He-hello." Ang tagal niya talaga sumagot. "Nagdadrive kasi ako, sorry."

"Ah.." Ayan nanlang ang nasagot ko at napakamot ako sa ulo ko.

"Tara meryenda tayo." Pag-aaya niya.

Nabuhay ang dugo ko sa narinig ko, makakasama ko na ulit siya. Hindi pa man ako sumasagot na sige ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng opisina. Nakatingin lahat sa akin ang mga empleyado kaya napangiti na lang din ako sa kanila at sumenyas na magmemeryenda lang ako.

"Sige, saan ba?"

Hindi na lakad ang ginagawa ko kundi takbo na. Naeexcite na talaga ako.

"Susunduin na lang kita. 'Wag kang aalis diyan, ah." Saad niya.

Napalingon ako sa kaliwa't kanan ko para tignan kung nasa tabi-tabi na siya. "'Wag mo na akong sunduin. Ako na lang ang pupunta?"

"Hmm. Sigurado ka?" Kahit hindi niya nakikita ay tumango ako. "Sige, sa may angelic café na lang tayo magkita."

Pagsabi niya nito ay binaba ko na ang tawag niya at saka pumara ng taxi. Malapit lang naman ito sa may office, mga five minutes lang at nandoon na ako.

Habang nasa byahe at medyo natraffic ay napatingin ako sa labas ng bintana. Napakaganda ngayon ng panahon. Bughaw na bughaw ang kalangitan, sakto lamang ang init, mahangin at maaliwalas ang paligid.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon