Twenty Third

3.8K 156 7
                                    

Oh no. Mababaliw na ako sa kakaisip ko. I mean baliw na talaga at hindi ko na alam ang gagawin. Para bang gusto ko nang ipukpok ang ulo ko sa pader. Two days straight ay nasa kwarto lang ako, guraguranit ang buhok at mukha ng matanda dahil sa stress.

Nakahiga ako sa kama at hinahagis sa ere ang stuff toy na padala sa akin. Wooh! Masyado ata akong naging masaya nitong nakaraan kaya pinaparanas naman siguro sa akin ang maging malungkot. Pati ang kaluluwa ko ay hindi matahimik, 'yung kahit tulog na ako pero nakikita ko parin ang paligid.. 'Yung bang iniisip ko bago matulog ay naalala ko pa at para bang nahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Malapit na ata akong ipadala sa mental.

Nagpost ako sa Facebool ko ng " AxA " Alden and Adrian. Pak na pak ang lola mo pero jusko, ayoko na! Pareho silang pinoproblema ko. Si Alden hindi parin nagpaparamdam tapos itong si Adrian ay nanliligaw sa akin. Hindi ko nga alam kung paano sasabihin kay Alden, eh, paniguradong magseselos 'yon.

Alden Richards Calling...

Gosh! Speaking. Look who's calling. 'Yung heart beat ko nanaman ay bumilis, akala mo ay may karera lang sa takbuhan.

Pagsagot ko ay bumungad sa akin ang lalaking matamlay, iba siya ngayon. Anong nangyari?

"Meng. Kumusta?" Ako pa talaga ang kinamusta niya, ah, dapat nga ay ako ang nagtatanong niyan sa kanya dahil siya ang hindi nagparamdam ng dalawang araw at sobra-sobra na ang pag-aalala ko sa kanya.

Nagtatampo ako sa kanya kaya hindi ko siniglahan ang pagsasalita ko. Makaramdam ka sanang nagtatampo ako. Hmp. "Ikaw ang kumusta?" I rolled my eyes.

"Sorry at hindi kita natawagan o kahit na chat man lang. Sinugod kasi ako sa ospital dahil sa taas ng lagnat ko. I'm sorry."

Sa mga narinig ko ay nawala ang pagtatampo ko at tinitigan lamang siya. Malungkot parin ang itsura nito. May sakit na pala siya tapos nagdrama-drama pa ako ngayon.

"Bakit hindi mo agad sinabi?" Panenermon ko pa sa kanya pero agad ko namang binabaan ang tono ng pananalita ko dahil baka mastress pa siya lalo.

"Siyempre, mangangamusta naman na muna. Ang pangit naman kung gano'n agad ang bungad ko 'di ba."

Nako kung malapit lang siya sa akin ay napingot ko na ang isang ito. Sasagot palang sana ako kaso bigla siyang nasamid. Mukhang hindi pa siya magaling.

"Magaling ka na ba?" Umiling lamang siya. Dahil naka higa siya sa oras na 'to ay nakita kong hinila niya ang kumot hanggang sa matakpan ang leeg niya.

"Hindi pa."

"Ano ba 'yan. Bakit ka nagkasakit? Wala pa naman ako diyan sa tabi mo para alagaan ka. Mag-iingat ka naman kasi." Para lang akong nanay kung maka salita, eh, 'noh.

Alam ko na ngayon kung anong pakiramdam niya 'nung mga panahong naaksidente ako. Alam ko na kung gaano kahirap ang tinatahak naming landas. Hindi biro ito pero napakaswerte ko na nagtitiis si Alden dito kaya naman ay magtitiis narin ako. Bigla na lamang tuloy ako napaluha.

"Ba't ka umiiyak?" Tanong niya. 'Yung daliri niya ay inilapit niya sa camera ng cell phone niya, para bang pinupunasan niya ang luha ko.

"Wala lang, naiiyak lang ako."

"Weh, pwede ba 'yon? Umiiyak ng walang dahilan."

Hindi ko na napigilan ito at ayaw nang matapos pa ang pagtulo nito. Mga luha, kumalma po tayo.

"Alden, paano kung mapagod ka na, na hintayin ako? Paano kung sumuko ka na?"

"Huh? Bakit naman ako susuko? Imposible "yon."

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon