Thirty Fourth

4K 115 32
                                    

Umaga nanaman, sumikat nanaman ang araw sa madilim kong mundo. Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa kakaisip, hanggang kailan ko kaya mararanasan ang ganito? Kailan kaya ako makakahanap ng kapayapaan sa utak ko?

Sinara ko na lamang ang kurtina sa bintana upang dumilim na lang muli. Ganyan naman ang buhay ko ngayon, eh, hindi na nasisinagan ng araw at ayoko muna makakita ng liwanag. Buti na lamang at dumalaw na sa akin ang antok. Pansamantala ko nanamang malilimitan ang lahat. Sana sa paggising ko ay maayos na ang lahat. Kung maaari ko lamang gawing panaginip ang nangyayari ngayon edi sana gising na ako.

HIS Point of View

Ilang bote rin ng alak ang ininom ko kagabi kaya naman napakasakit ng ulo ko ngayon. Ngayon ko lang 'to ginawa sa buong bubay ko, ang maglasing. Maraming nagbago sa akin at ito ay dahil kay Maine.

Tinakpan ko ng unan ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito, may hang over pa ako. Napapabigwas na ako sa sakit.. Pero habang dinadamdam ko ang nararamdaman ko ay bigla akong napasulyap sa labas, bakit gano'n ang kulay ng langit sa labas. Kulay kahel na ito na humahalo sa asul na kulay ng kalangitan. Hindi kaya hapon na? Ganon'n na lang katagal ang naging tulog ko? Sabagay, napagod din siguro ako sa pag-iyak. Habang gumugulong-gulong ako sa kama ay may naramdaman akong nagvivibrate sa may lamesa. Agad kong kinuha ang cellphone ko, baka si Maine ang tumatawag. Bigla na lamang akong nabuhayan ng dugo at nawala ang sakit sa ulo ng makita ko sa screen ng cellphone ko ang pangalan niya. Siya lang pala ang gamot ko.

"Hello." Masiya kong bungad. Hindi ko p'wedeng iparamdam na malungkot din ako dahil kung pareho kaming maaapektuhan ay paniguradong walang mangyayari sa amin.

"Alden?" Bakit iba ang boses? Boses matanda ang nasa kabilang linya at nakakasigurado akong hindi ito si Maine. "Ako ito si lola Nidora."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi kaya nakita niya ako kagabi? Patay tayo riyan at paniguradong lalo itong magagalit sa akin. Fifty percent na nga ako kay lola tapos mababawasan pa ba? Oo nga pala, hindi siya boto sa akin. Paano ko namang nasabi na fifty percent pa ang natitirang pursiyento para sa akin?

"Bakit po kayo napatawag?" Kinakabahan ako sa kung anong isasagot niya. Mini heart attack!

"Pumunta ka ngayon dito sa bahay, bilisan mo."

Totoo ba ang mga narinig ko? Pinapapunta niya ako sa bahay nila? Seryoso? Sasagot palang sana ako ng bigla na niyang pinutol ang linya. Kaya kahit masakit pa ang aking ulo ay pinilit ko nang bumangon sa kama at mag-ayos ng sarili. Kailangan walang bakas na naglasing ako kagabi para naman hindi masira ang imahe ko kay lola Nidora. Papatunayan ko sa pagkakataong ito na tapat ako at seryoso sa nararamdaman ko.

Bumili rin ako ng pasalubong para sa kanila at pulang rosas naman para kay Maine.

Sa pagbusina ko sa harapan ng bahay nila ay lumabas si lola Tidora. Hindi ako sigurado sa pangalan pero malakas ang kutob ko na siya iyon. Gabi narin kasi kaya hindi ko masyadong makita ang itsura nito.

"Ijo, buti na lamang at nandito ka na. Nag-aalala na kasi kami."

Tama nga ako at si lola Tidora ito. Mukhang nag-aalala ito at hindi maipinta ang mukha, pagkabukas na pagkabukas niya ng gate ay agad niya akong hinila papasok. Sa loob ng bahay ay nakita ko si tito na naka yuko habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri, si tita naman ay yakap-yakap lamang ang braso ni ate Nicoleen, at si lola Tinidora ay naka upo lamang sa sulok at hindi umiimik. Hinahanap ng mata ko kung nasaan si lola Nidora pero bigo akong makita siya.

"Nako, Ijo, nag-aalala na kaming lahat kay Maine. Kanina pa kasi siyang umaga hindi lumalabas ng kwarto. Baka kung ano nang nangyari sa bata. Kinakabahan ako."

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon