Twelfth

4.2K 145 12
                                    

Nagbabad ako sa harap ng laptop maghapon. Kung anu-ano lang ang ginawa ko para mapabilis ang oras. Naglaro pa nga ako ng online games, eh, pero hindi kinaya ng powers ko ang tumutok lang hanggang gabi kaya naman natulog muna ako at pagtapos ay kumain na ng hapunan.

Tulad nga nang napagkasunduan ay makikipag video call ulit ako kay Alden kaya naman pagsapit ng Alas otso ay tinignan ko ang skype ko para tignan kung online na siya, sakto naman na naggreen na ang maliit na bilog sa gilid ng pangalan niya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tumawag na ako, agad naman niyang sinagot ang tawag ko.

"Good morning." Bati ko, naniningkit pa nga ang mata nito habang kinakamot pa niya ito.

"Good evening." Bati niya rin at ngumiti.

Natutuwa ako sa sa kanya, sa gigil ko ay kinuha ko sa tabi si Minnie mouse at pinanggigilan ko. Nakakahiya lang pala na nakita niya ang pangigigil ko rito.

"Si Yadub 'yan, ah."

What? Tama ba ang naririnig ko? Tinuro ko si Minnie para siguraduhin kung ito ba ang tinutukoy niyang Yadub. Kasi kung oo, paano niya nalaman ang pangalan nito?

"A-anong sabi mo?"

"Si Yadub 'yan, ah." Buti pa aiya ay nakakangiti dahil ako hindi ko magawa dahil sa pagtataka.

"Paano mo nalaman?" May halong pag-aalinlangan kong tanong at tinitigan na lang muna si Minnie. "Manghuhula ba 'tong lalaking 'to?" Bulong ko.

"Hindi ako manghuhula 'noh." Hala, narinig pa niya 'yon? Ay malamang po naka earphone ka at kahit bumulong ka maririnig niya 'yon. "Paano ko ba 'to sasabihin?" Huminga pa siya ng malalim.

"Ano 'yon?"

Nagkamot siya ng ulo, nahihiya ba siya o ano? "Kasi nitong hindi tayo nakakapagchat na aning ako kaya naman may naisip lang akong bagay. Dahil alam ko naman ang full name mo tinary kong i-search 'yon sa facebook. Hindi ko naman alam na may lalabas kaya clinick ko na." Bigla niyang ibinaling sa akin ang tingin niya bago magsalita. "Nang stalk ako ng kaunti at tinignan ko 'yung mga pictures na bagong upload lang at nagulat ako dahil may picture kayo ni Angel."

Bakit pati si Angel kilala niya. Ay teka nga lang, may naalala ako.

"Nadumihan po kasi si Yadub."

"Yadub?"

"Opo, pangalan po 'yan ng stufftoy na ipinadala sa akin ni Tito Alden galing pong ibang bansa."

Tito Alden.. Tito Alden... Oo nga tama. Ibig sabihin. "Kapatid mo si Angel?" Tumango siya at ngumiti. "Binanggit kasi niya ang Tito Alden 'non. Agh! Ba't hindi ko man lang naisip na pwede palang ikaw 'yung taong 'yon?" Ngumuso pa ako.

"Nagulat nga ako nung nakita ko ang picture ninyong dalawa ka chinat ko agad si Mama. Sabi niya ay napakabait mo raw na bata at gusto ka nila."

Gusto nila o gusto mo? Ay ang kapal ng mukha mo, Meng. Ang harot, tigilan mo nga 'yang lag-iisip ng ganyang bagay. Masyado kang ano diyan.

"Ta-talaga?" Nautal na ako. Uminit kasi ang magkabilang pisngi ko at mukhang namumula na siya sa oras na ito.

"Buti pa sila.." Napabuntong hininga siya. "Nakita ka na nang personal.".

"Nainggit?" Pagbibiro ko at sabay tawa pero siya ay nanatiling seryoso. Tumitig pa siya sa akin. 'Yung mata niya parang may sinasabi sa akin kaya naman nawala nang bahagya ang mga ngiti ko.

Pero mas lalo akong naaning sa kasunod niyang sinabi. "Oo. Nainggit ako."

Bakit ka ganyan? Bakit mo sa akin pinaparamdam ang ganyang bagay? I hate you, Alden. Gumugulo nanaman ang nararamdaman ko dahil sa'yo.

"Meng, ang baduy man pakinggan pero I like you." Napahinto siya saglit. "I like you kahit ilang araw palang tayong magkakilala. I don't know why? Pero ayun ang ikinukulit ng puso ko kahit anong pigil ng utak ko."

Natulala na lang ako. Feeling ko nabingi ako. Sabayan mo pa ng naiilang niyang ngiti. May sparks shit! Dumaloy dahan-dahan sa buong katawan ko ang kuryente hanggang sa marating niya ang puso ko. Napahawak ako sa aking kaliwang dibdib dahil bumilis at lumakas ang tibok nito.

"Meng?" Tulala parin ako at hindi ako maka move on sa narinig ko. "May kakaibang bagay sa'yo na ikinagusto ko pero hindi ko alam kung ano 'yon." Dugtong niya.

Gusto kong tumalon sa kama ko at magsisisigaw sa kilig pero nakakahiya naman pero anong magagawa ko? Hindi ko na kaya, kusang ngumiti ang labi ko.

"Mutual feelings." Ngiting-ngiti kong saad. Tinignan ko ang reaksyon niya at hindi siya makapaniwala.

"Talaga?" Bigla siyang tumalon at para bang sumayaw pa sa galak. Kinikilig siya? Ganyan ba kiligin ang lalaki? Wala akong ideya pero natuwa narin ako kaya tumili na lang ako basta at tumalon narin. Nakatingin lang siya sa screen at tumatawa habang tumatalon parin.

At nang mapagod na kaming dalawa ay naupo na ulit kami at tumigil. Nagtawanan na lang kami pareho.

Nag-usap lang kami ng kung anu- ano, mga walang kwentang bagay at naglokohan lang kami. Kung baga walang sense na usapan. Hindi na nga namin napansin na alas dose na, nagulat pa siya dahil muntik niyang malimutan na may pasok pa pala siya.

"Ayoko man putulin itong pag-uusap natin pero kailangan ko na talaga umalis." Malungkot siya sa oras na 'to. "Good night, Meng. Sweet dreams." Nagflying kiss siya sa akin, sinalo ko naman at idinampi ito sa pisngi ko.

"Ingat ka sa pagpasok mamaya, ah. Bye." Nagbabye na ako sa kanya at in-end call ko na.

Omg! Gusto ko man isipin na baka ibang I like you ang ibig sabihin 'non pero kung iba man ang ibig sabihin 'nin, bakit gano'n lang ang reaksyon niya? Bakit gano'n ang itsura niya, ang saya pa niya? 'Di ba. 'Di ba!

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon