Thirty Sixth

3.2K 94 12
                                    

"Punta tayo sa Burnhum park." Balita ko kasi maganda ang tanawin doon at marami kang p'wedeng gawin. Tulad na lang ng boating, biking, at saka kahit umupo lang doon ay ayos na. Damhin ang malamig na simoy ng hangin.

Siya ang nagmamaneho, kabisado naman daw niya ang lugar. Sa pagkakataon na ito ay hindi na ako natulog, gusto ko lang sulitin ang isang linggong pag-iistay naming dito. Sayang naman kaya kukunan ko narin ng litrato ang mga magagandang tanawin na makikita ko.

"We're here!" Excited na banggit ni Adrian.

Inalalayan niya akong bumaba ng kotse sa sobrang kaexcited-an kong bumaba ay muntik pa akong matapilok, buti na lang at nandiyan si Adrian sa tabi ko.

"Dahan-dahan, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may sasalo sa'yo kapag nahulog ka." Napatingin ako sa kanya at napa-irap.

"Hugot? Natapilok lang ako, tiyaka sanay naman na akong masaktan."

Tumawa na lang siya ng malakas at saka ako inakbayan. "Hugot ka rin, eh."

Inuna muna naming ang magboating, first time ko lang kasing sumakay rito kaya medyo taong bundok ako. Feeling ko nga ay lulubog ang banggang sinasakyan naming tuwing gegewang ito pero buti at safe naman. Sa kalagitnaan ng pagsasagwan ni Adrian ay tumigil siya sa gitna, siguro ay napagod na siya.

"Pagod ka na ba?"

Tumango lamang siya at nag-unat. Hindi biro ang magsagwan, malamang masakit sa balikat 'yon. Napatulala naman ako sa sulok. Perfect place para magsoul searching, a place that can clear your mind.

"Pst, ayos ka lang ba?" Iniwasiwas niya sa ere ang kamay niya at itinapat sa mukha ko. "Natutulala ka na riyan?"

"Ang ganda kasi rito." Sumilip pa ako sa may tubig at nakita ko ang reflection ko. "Napakalayo sa itsura sa atin, tignan moa ng magandang tanawin na 'yan.. Malayo sa polusyon, ito 'yung lugar na tamang-tama para sa mga taong problemado."

"At ito rin ang tamang lugar para ipagtapat ko ang nararamdaman ko." Binanggit niya ito ng mahina pero dahil maliit lang ang Bangka at may takip ito sa tuktok ay narinig ko parin ang sinabi niya. Nagkunwari na lang akong walang narinig.

"Tara balik na tayo doon, mag bike naman tayo."

Sa pagbaba naming ng bangka ay natigilan naman akong maglakad dahil may naalala ako.

"Bakit nanaman?" Nagtaka nanaman siya.

"Hindi pala ako marunong magbike."

Napailing siya at hinila na lamang ang kamay ko, "I-aangkas nalang kita 'wag kang mag-alala." Saad niya pero tumanggi ako.

Paano ba naman kasi, noong bata ako ay inangkas ako ni ate sa bike at nilibot namin ang buong subdivision. Sa sobrang harot naman kasi naming dalawa ayun sumemplang kami sa may puno. Hindi ako nasugatan masyado noon pero pilay kung pilay naman ang braso ko noon at ipinangako kong hinding-hindi na ako aangkas ng bike kahit kailan.

"Ang kill joy mo naman."

"Eh, basta. Iba na lang.."

"Saan naman na tayo pupunta?"

"Sa bundok, hahanapin ko si Enrique Gil." Hinila ko siya para kaladkarin sa paglalakad. Wala naman siyang magawa. "Bilisan mong maglakad, ang bigat mo."

"Seriously? Anong gagawin mo doon?"

"Hahanapin ko 'yung forever ko." Isang nakakalokong sagot para sa nakakalokong tanong.

Ako naman ang bigla niyang hinatak para huminto sa paglalakad. 'Wag mong sabihin na naniniwala siya sa akin? Hello, joke lang po 'yon. Masyado lang akong na-hook sa palabas na forevermore at kapag usaping Baguio ay siya agad ang una kong naalala. Imposibleng hindi mo alam ang tungkol sa kambal na strawberry kung gano'n.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon