Forty Fifth

3.2K 97 9
                                    

Tagumpay sa unang misyon niya si Alden, pagtapos niyang linisin ang buong bahay ay awang-awa ako sa naging itsura niya. Pagod na pagod ito na umupo sa sahig, pinapalipat ko nga siya sa may sofa kaso tumanggi siya dahil baka raw mabasa lang ito at mangamoy pawis kaya para mawala ang pagod niya ay binigyan ko siya ng masahe sa kanyang likuran. Si mama naman ay ipinahiram kay Alden ang t-shirt ni papa dahil baka kapag natuyo ang pawis ay lalo pa itong magkasakit.

"May pasok ka ba bukas?" Tanong ko at tumabi na ako ng upo sa kanya.

Umiling siya. "Hindi muna siguro ako papasok."

Ayoko man siyang pag-absent-in ay sumang-ayon na lang din ako dahil paniguradong sasakit ng bongga ang katawan niya sa pagod.

"Basta pag-uwi mo ay maligo ka tapos magpahinga ka na, ah."

May nakita akong paa sa tabi ko kaya naman napatingala ako para tignan kung sino nagmamayari nito. "Anong tinitingala-tingala mo riyan, Maine?" Si lola Nidora pala.

Napailing lang ako at napatakip sa bibig ko para pigilin ang pagtawa. Eh, kasi naman, 'yung mukha ni lola ay hindi ko maipaliwanag. Tapos nagkatinginan pa kami ni Alden, mukhang pareho kami ng naiisip.

"P'wede ka na umuwi, Alden." Utos ni lola.

Tumayo kaming dalawa, si Alden naman ay ngumiti kay lola at nagmano. "Salamat po sa araw na ito, mauna na po ako." Aba't nagpasalamat pa ang isang ito. Pinasalamatan niyang pinagod siya nito?

Tumango lang si lola at siyempre nagpresinta akong ihahatid ko si Alden sa bahay nila. Marunong po akong magmaneho, 'wag kayong ano riyan, uy. Anong tingin niyo sa akin? Sadyang mas gusto ko lang magcommute. Tiyaka isa pa, malapit na lang naman na ang bahay ni Alden sa bahay namin. Hindi na siya taga Laguna. Pero siyempre, hindi naman maiiwasan na tumanggi siya sa alok ko pero dahil ako ang masusunod, kahit anong gawin niyang pakikipagtalo ay wala na siyang magagawa.

Pagbaba niya ng kotse ay niyakap ko siya at bumulong na. "Lumubog nanaman ang araw, naglaho nanaman ang liwanag nito. Natatakot akong baka sa kadiliman na ito ay may mangyaring hindi nanamang inaasahan. Pero 'di ba nga, walang problemang hindi natin malalagpasan?"

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. "Nabasa mo na?"

Tumango ako, "Oo, kanina lang nung nagligpit ako sa kwarto."

Niyakap niya ulit ako, this time ibang yakap. Nasa baywang ko ang kaliwang kamay niya habang nasa ulo ko ang kaliwang kamay niya. I feel safe talaga every time he hugs me. Itong pakiramdam na ito ay itatago ko hanggang sa huling hininga ko.

"Alden, ikaw ba 'yan?" May lumabas galing sa loob ng bahay, hmm. Kasama na pala ni Alden ang pamilya niya sa bahay, akala ko siya parin ang mag-isa, eh.

Nang medyo naaninagan ko na siya ay pareho pa kaming nagkagulatang tatlo. Bumeso ako kay tita at gano'n rin naman siya.

"Maine, kumusta na?" Tanong niya.

"Okay lang po." Sagot ko.

Hindi siya makatingin sa akin at panay kamot sa kanyang ulo. Siguro ay nanibago na lang ulit siya dahil halos isang taon narin kaming hindi nagkita. Habang kinakausap ako ni tita ay bigla akong hinawakan ni Alden sa kamay.

"Pumasok ka muna sa loob."

Tumanggi na ako pero makulit ang isang ito dahil bigla na lamang niya akong hinila papasok ng bahay nila pero si tita ay hinawakan naman ang isa ko pang kamay kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Marumi 'yung bahay, sa susunod na lang siguro."

"Paanong marumi, Ma? Nung umalis ako ay iniwan kong malinis ang bahay." Pagpapaliwanag ni Alden.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon