Thirty Seventh

2.8K 110 15
                                    

Pagbukas ko ng kwarto ko ay may bumungad sa akin na mga bulaklak. Kinuha ko ito at inamoy. Ibang-iba talaga kapag sa Baguio galing ang bulaklak. Ang ganda at parang ang fresh, 'yung binunot sa lupa na hindi naiistress. Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko para hanapin si Adrian pero hindi ko siya nakita, ito na pala ang last day namin sa Baguio.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad habang tinitignan ko ang bulaklak.

"Gising ka na pala." Sa paglingon ko ay nakita ko siya sa kusina na inaayos ang hapag kainan. "Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Sobrang effort niyang tao, simula nung araw na iyon ay grabe na lang niya akong alagaan. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ko siya binigyan ng pagkakataon noong college kami? Ilang beses na siyang sumubok pero hindi parin siya sumusuko, pinatunayan niya sa akin na kahit maghintay siya ay kaya niya, na kahit nasasaktan siya ay kakayanin niya, na kahit ilang beses ko na siyang pinagtulakan ay bumabalik-balik parin siya sa akin. Eh, si ano kaya? Kaya rin kaya niyang gawin 'yon? Napailing na lang ako, psh, paano naman 'yon mangyayari? Kung gusto niya dapat noon pa. Isang taon na kaya ang lumipas.

"Halika na at kumain na tayo." Inusog niya ang silya at inalalayan akong umupo.

Habang kumakain kami ay tinitigan ko si Adrian, paano kaya kung si Alden ang kasama ko dito?

Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Ngiting-ngiti siya sa oras na ito. "Ihahatid lang natin si Ate tapos diretso na tayo sa airport."

"Ayaw mo ba magpahinga muna?"

Pagod siya sa byahe dahil siya ang magmamaneho tapos didiretso agad kami sa airport?

"'Wag na, doon na lang ako sa Singapore magpapahinga."

Tumango-tango na lang ako at kinain na ang inihanda niya. Natahimik din kaming dalawa at wala nang naglakas loob na may magsalita ulit.

Mamaya pa naman kaming gabi aalis kaya p'wede pa akong magpahinga, napagod rin kasi ako sa ginawa namin kahapon. Lahat na ata ng p'wedeng gawin ay ginawa na namin. Ubos kung ubos ang enerhiya ko.

Kaso nakakabored din pala ang manatili dito sa kwarto. Try ko kayang mag-omegle ulit? Matagal narin simula nung bumisita ako roon. Pampalipas bored man lang.

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Philippines.

You: Hi.

Stranger: Hi!

You: Anong ginagawa mo rito?

Stranger: May hinahanap na tao.

You: Hinahanap? Eh, bakit dito sa omegle?

Stranger: Dito ko kasi siya nakilala at nagbabakasakali akong baka matagpuan ko pa siya.

You: Gano'n? Nahanap mo naman ba?"

Stranger: Hindi pa, one year na nga akong nagbabakasakali pero wala parin.

Bigla naman akong kinabahan, pero imposible.. Imposible ang iniisip ko kaya tama na ang pag-iisip ng kung anu-ano.

Stranger: Ikaw, bakit ka nandito?

You: Wala lang, bored.

You: Tiyaka naghahanap ako ng p'wedeng malabasan ng sama ng loob.

Stranger: Problema?

You: May tao kasing naging parte ng buhay ko, nagpromise pa siya na hindi niya ako iiwanan pero isang araw pagdilat ko ay wala na siya. Ang lakas niya magpaasa.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon