Fiftieth

6K 122 5
                                    

Dalawang taon na kaming magkakilala ni Alden at mag-iisang taon naman na simula nang magkabalikan kami ulit. 

Ilang ulit nang sinubok ang pagmamahalan naming dalawa. Nariyan na ang pagtitiwala, pagtatampo, pag-aaway, at kung anu-ano pa pero sa huli nanatili parin kaming matibay. Sa love story namin, pakiramdam ko ay dinaig pa nito ang pinakamadramang palabas sa telebisyon.

Naalala ko tuloy 'yung mga panahong hindi ko na alam ang gagawin para lamang makita si Alden. Nandiyan na 'yung pagkakataong muntik na akong sumuko at bitawan siya ng tuluyan. Pero love wins! Kapag tunay at totoo ang nararamdaman, kung kayo ay kayo at walang makakapigil dito.

Hindi ko masyadong binibigyang importansiya ang mga ngiting naibigay sa akin ni Alden.. Hindi ito masyadong mahalaga para sa akin dahil ang mas importante ay ang balde-baldeng nai-luha ko sa kanya. Lahat naman ng tao ay kaya kang pangitiin pero nariyan ang iisang tao na makakapagpaluha sa'yo. Luhang nagmula hindi lang dahil nasaktan ka.. Kundi dahil nagmahal ka ng lubos.

Nasaktan man kami noon ay ayos lang. At least sinubukan naming ipaglaban ang nararamdaman namin kahit masakit at walang kasiguraduhan na magtatagumpay ba ito. 'Yung darating 'yung punto na hindi mo pagsisisihan ang lahat. Ayos din naman kung hindi kami nagkabalikan, siguro ay gagawin na lamang namin itong isang aral at leksyon. Pero wala tayong magagawa dahil tadhana na ang gumagawa ng paraan para pagtagpuin kamin ulit.

Trials are just trials.. And he is worth fighting for. Hindi ko pagsisisihan na nagmahal ako ng isang Alden na nariyan para sa akin.

Bukas ay ika-23 ko ng kaarawan. Magkakaroon lang ng simoleng salu-salo pero wala pa akong ideya kung ano man ang mangyayari bukas dahil sila lola na raw ang bahala sa lahat. Sinabi ko nga sa kanila na baka gawin nilang debut ang birthday ko.. Nako, nakakaloka pa naman mag-isip ang mga lola's.

Madaling araw na pero gising parin ako. Hindi dahil may iniisip ako kundi dahil napakaganda ng kalangitan ngayon. Kitang-kita mo ang mga bituing kumikislap na parang diyamante. Napakaprice less ng tanawin ngayon. Wish ko lang na sana kasama ko si Alden ngayon para naman dalawa kaming nakakasubaybay sa tanawin na ito. Pero bawal mapuyat ang birthday girl kaya pumunta na ako sa kama ko at humiga. Bukas, pagdilat ko ay tatanda nanaman ako.

"Good morning!" Napadilat ako nang may nagtorotot sa tainga ko. Gising kung gising, hindi na kailangan pang mag-unat para gisingin ang diwa ko. Kung ordinaryong araw nila ito ginawa sa akin ay nako.. Paniguradong matatalakan ko sila.

Yup, sila nga. Ang buong pamilya ko ay narito sa loob ng kwarto ko. May hawak silang mga lobo, si lola Nidora naman ang may hawak ng cake. "Make a wish!" Sambit nila.

Napapikit naman ako upang humiling. Pero napaisip pa ako, nakuha ko naman na ang lahat, ah, ano pa ba ng dapat kong hilingin?

Paghipan ko ay nagpalakpakan sila. Hapon pa naman ang party kaya nagpaalam ako sa kanila na itutuloy ko muna ang tulog ko dahil alas syete palang ng umaga tapos anong oras na ako natulog kagabi.

**

"Meng! Mag-ayos ka na." Si ate bigla na lang pumapasok ng kwarto, eh, parang kabute.

Buti na lang at tapos na ako maligo at tapos ko narin suotin ang dress na ibinigay nila sa akin. Isang simpleng white dress lang ito pero napakaganda, pangmayaman. Tapos ternohan mo pa ng puti ring high heels. Parang ikakasal lang, ah?

"Okay na? Halika na rito at ma-make up-an na kita."

Simple lang ang inilagay sa aking make up ni ate. Hindi raw kasi bagay sa akin ang makapal at pa-fierce na make up, nagmumukha raw akong mataray. Tiyaka birthday ko raw kaya dapat litaw ang kagandahan ko. Hindi naman na kailangan 'yon dahil matagal naman na akong maganda.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon