Forty Fourth

3.6K 108 4
                                    

"Talaga? Ayos na kayong lahat? Mabuti naman kung gano'n. Eh, paano si Alden?"

"Sabi ni lola, may mga hamon daw siyang ipapagawa kay Alden at kapag nagtagumpay siya roon ay tiyaka lang niya ito matatanggap."

Nasa kwarto ako ngayon at nakikipagchikahan kay Krystal sa kabilang linya. Hindi ko pa kasi magawang makipagkita sa kaibigan ko simula nung nagkaayos kami ni lola Nidora. Busy kasi kami rito sa bahay na magkulitan at ngayon ko na lang ulit namin ito magawa kaya naman sa ngayon ay sa telepono ko muna ikukwento sa kanya ang mga nangyari.

"Alam na ba ni Alden 'yan?"

Inipit ko sa pagitan ng tainga at balikat ko ang cell phone ko dahil kinuha ko 'yung kahon na itinago ko sa ilalim ng kama.

"Hindi pa nga, eh, paniguradong magugulat 'yon kapag tumawag si lola Nidora sa kanya. Hiningi pa naman 'non 'yung number ni Alden kanina."

May alikabok na ang labas ng karton pero buti na lamang at naka sarado ito. Pagbukas ko nito ay una kong nakita ay si Minnie Mouse na ibinigay ni Angel sa akin noon sa Enchanted Kindom, ito 'yung pinaka unang stuff toy na galing kay Alden na noon ay wala pa akong ideya na kapatid niya ang nagbigay nito sa akin. Oh, 'di ba, umpisa palang ay tadhana na ang naglalapit sa amin.

"Tawagan mo kaya. Para naman may alam na siya."

"Hmm, 'wag na. Hayaan na lang natin si Lola ang magsabi 'non para surprise." Saad ko.

Inilabas ko ang lahat ng stuff toy sa karton at pinagpagan ito at saka ibinalik sa dati nitong kinalalagyan. Nasa taas ito ng kama ko nakapatong at inihelera ang mga ito ayon sa kung kailan ito ibinigay ni Alden sa akin.

"Sabagay. Nakakaexcite naman 'yang hamon ni lola."

"Nako sinabi mo pa."

Kahit ako ay walang ideya kung ano man ang iniisip ni lola. Pero kung ano man 'yon, paniguradong kakayaning gawin ni Alden 'yon.

At ang huli kong kinuha ay ang tatlong malaking jar. Laman nito ay ang mga bulaklak na ibinigay niya. Bulok na ito pero nananatiling korteng rosas parin naman. Ganyan ko pahalagahan ang mga bagay na ibinibigay niya. Ipinatong ko narin ito katabi ng mga stuff toy.

"Ano kayang reaksyon ni Alden kapag nalaman niya 'yon. Para tuloy gusto kong dumalaw diyan kapag sasabihin na ni lola ang hamon." Sa boses niya ay alam kong naeexcite narin siya kaya napangiti ako bigla.

"Bakit hindi? P'wede naman." Pag-aaya ko sa kanya.

"Soon.." Sagot niya.

Binuksan ko naman 'yung drawer sa tabi ng kama ko at kinuha 'yung pinagtataguan ng singaing ko. Pero bago ko pa makuha ito ay may nakaharang na notebook kaya tinanggal ko muna ito pero may nahulog na papel. Anong papel 'yon? Hindi naman ako nagpupunit ng papel pero bakit may nakahiwalay?

"Krystal? Tatawag na lang ulit ako mamaya, ah, bye."

"Sige. Bye-bye."

Pagpatay ko ng tawag ay inilapag ko ang cell phone ko sa kama at binuksan na ang naka tiklop na papel na may nakasulat na kung ano.

Kay gandang pagmasdan ng pagsikat ng araw.
Pambungad nitong liwanag
Ay isang bagong pag-asang daraan...
Na magiging gabay sa maliwanag na daan.

Mahabang oras itong makakapiling.
Hinihiling na sana'y 'wag itong tapusin.
Ngunit sadyang mapagbiro ang kalangitan..
May katapusan rin pala ang kasiyahan.

Paglubog nito ay napakaganda,
Ngunit may lungkot itong kasama..
Kadiliman ay nagwagi..
Lumbay ay kapiling.

Ngunit laging tatandaan..
Na sa bawat kadiliman
Ay muling babalik ang liwanag.
Hintayin lamang ito sa takdang panahon...

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon