Twenty Fourth

3.8K 130 12
                                    

"Kumain ka na ba?" Habang nagsusulat ako ay kausap ko si Alden. Okay na siya ngayon at wala ng sakit kaya namam ay nakakapag-usap na ulit kami ng matagal.

"Oo. Tapos na, ikaw? Nagugutom ka ba? Kumain agad pagnakaramdam ng gutom." Siyempre concern ako para sa kanya. Mas mabuti nang maagap kaysa nanaman magkasakit pa ulit 'di ba.

"Hindi pa naman, pero sige susundin ko po 'yan." Ngiti niya sa akin. Ay nako, nakakamiss rin ang ngiti niyang ganyan. Hindi na siya matamlay ngayon. "Teka, ano ba 'yang isinusulat mo?"

Busy parin ako sa pagsusulat pero sumulyap muna ako sa kanya ng tingin.

"Teka anong address mo diyan?"

Mukhang nagtataka siguro siya kung bakit ko hiningi ang address niya. Itong isinusulat ko kasi ay ipapadala ko sa kanya. Paano ko ipapadala kung walang address 'di ba. Buti na lang at hindi siya nagdalawang isip na ibigay sa akin ito.

"Bakit mo tinatanong?"

"Ipapadala ko kasi sa'yo 'to." Dahil tapos na ako sa pagsusulat ay ipinakita ko sa kanya ito.

"Hmm. Bakit hindi mo na lang i-send sa chat o kaya picturan mo. Pwede naman 'yon, ah." Pagpapaliwanag niya sa akin pero sinimangutan ko na lang siya. "Bakit? May nasabi ba akong mali?"

"Tss. Oo high tech na ang panahon ngayon at naimbento na ang email. Pero mas gusto ko 'tong ipadala sa'yo. Iba parin sa pakiramdam na mahahawakan mo talaga 'to. Ikaw nga diyan, eh, ganon din naman ang ginagawa mo. Kaya sana naman hayaan mong iparanas ko rin sa'yo 'to. Susuklian ko ang mga efforts mo." Ngumiti ako sa kanya.

"Ang sweet pero hindi mo naman kailangan suklian kung ano ang ginagawa ko para sa'yo." Umiinom siya ng kape ngayon. Wala lang, bigla lang akong natigil sa ginagawa ko at pinagmamasdan ko lang kung anong ginagawa niya ngayon.

"Eh.. Pabayaan mo na akong gawin 'to. Hindi sa lahat ng oras lalaki lang ang dapat gumagawa ng mga ganitong bagay."

Bigla na lang kaming natigil sa pag-uusap nang lumingon ako sa may pintuan dahil bumukas ito. Si ate nanaman, ang hilig magbukas. Hindi man lang kumatok. Sumenyas ito na lumapit ako sa kanya.

"Wait lang, Alden. Call you later." Tumango namam siya kaya pagkapatay na pagkapatay ko ay lumabas na ako at nakita ko si ateng naghihintay.

Kumapit siya sa braso ko at bumulong. "Meng, may lalaki sa labas manliligaw mo raw at hinahanap ka." Napahinto siya at humarap sa akin. Titig na titig siya at bigla na lang niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "'Di ba si Alden lang ang manliligaw mo? Eh.. Sino si Adrian?"

Nanlaki ang mga mata ko. What the? Nandito si Adrian, pero paano? Paano?

"Ate, mahabang kwento.. Mamaya ko na ikukwento. Halika na."

Pagbaba namin sa hagdanan ay mas lalo pang nagulantang ang pagkatao ko dahil nasa loob na ng bahay si Adrian at pinagsisilbihan na niya ang mga lola's. Omg!

"Adrian?!" Ayan lang ang nasambit ko. Tumingin naman siya pati narin ang mga lola ko.

"Hi, Meng." Bungad nito sa akin.

Binigyan ko lang siya ng awkward smile. Hinawakan ko ang kamay ni ate at pinisil ito. I need help. Bakit siya ganito? Hindi man lang siya nagpapaalam sa akin.

"Ija, gusto ko itong batang 'to. Maalaga at maasikaso hindi katulad ng iba.."

Napatigil ako sa sinasabi ni lola. Anong ibig niyang palabasin? Na si Alden ay hindi kayang gawin ang ginagawa ni Adrian? Hindi ba't mas nanuna namang manligaw si Alden pero bakit parang nababaliktad na? Akala ko okay na kay lola Nidora pero hindi pala?

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon