Omegle 4

6.7K 233 36
                                    

Kailan ba ako makakahanap ng matinong kausap dito? 'Yung taong ipapaunawa sa akin ang mga bagay-bagay. Nauubusan na ako ng pag-asa. Kailangang marefresh ng utak ko matapos ang mga nangyayari. Kailangan kong ma-enjoy ang kapaligiran ko. At gusto ko ngayong araw ay poproblemahin ko lang ay kung paano ako makakahanap ng matinong kausap sa Omegle.


Sana ay umayon sa akin ang tadhana. Sana matinong kausap na sa oras na ito at hindi na tungkol sa puro kalibugan at non sense na bagay lang ang makikita ko. Please, kahit ngayong araw lang. At isa pang hiling ko na sana 'wag silang magdisconnect agad at 'wag rin akong mawalan ng internet connection dahil nitong nakaraan ay ako naman ang nawala sa kasagsagad ng magandang pag-uusap namin ng babaeng nakakarelate sa sitwasyon ko.

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Philippines.

You: Hey!

Stranger: ?

Stranger: Hi tapos ano kasunod?

Stranger: Asl?

Stranger: Tapos ano?

You: Hello :)

Ang weird naman nitong taong ito. Hindi pa ako nakakasagot magcha-chat agad, kalma lang po.

You: 20, Female

Stranger: Mas bata ka sa akin.

Stranger: 22 na ako. Male siyempre.

Stranger: Hahahahaha

Ang ligaya masyado at isa pa two years lang naman ang tanda niya sa akin, masyado niya akong binabata. Buti kung ten years old lang ako nako saka niya ako sabihang bata.

Stranger: Pero okay lang 'yan.

Stranger: Age doesn't matter naman

Stranger: Sa nagmamahalan, eh.

Stranger: Ayun ang mahalaga.

Stranger: HAHAHA :D

You: Nagmamahalan agad?

Stranger: ayaw mo pa?

Kasparks ba hanap nito? Jusme.

Stranger: Parang ikaw pa lugi, ah?

Stranger: Lugi na nga ako niyan.

You: Mahirap magmahal ng mas matanda sa'yo. hindi kayo magkaunawaan.

Stranger: Wala naman sa edad 'yon para magkaunawaan.

You: Magkaiba ang takbo ng pag-iisip niyo.

Hindi ko rin alam kung anong pinaglalaban ko sa edad pero feeling ko gano'n talaga ang mangyayari. Kaya para sa akin hindi ako payag sa age doesn't matter thingy na 'yan.

Stranger: Ang mahalaga ay 'yung pagkakaintindihan at bigayan sa isa't-isa.

Stranger: Kailangan lang din ng tiwala.

Straanger: At kahit ano pa ang iyong nakaraan.

You: Gano'n? Mahirap na.

Stranger: Hindi 'yan. Swerte mo nga sa akin, eh.

Stranger: Nasa akin na lahat ng hinahanap ng babae.

You: Swerte agad? Lol.

Medyo mayabang ang isang ito, ah.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon