Tenth

4.4K 131 3
                                    

"Alam niyo po ba si Meng may nagugustuhan na." Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko si ate na may ikinakalat na chismis. Pagkalingon ko sa kanila ay nakatingin na rin pala sila sa akin.

"Totoo ba 'yon?" Tanong ni Mama sa akin.

Hindi pa man ako nakakasagot ay tumayo si lola Tinidora at lumapit sa akin upang akbayan ako. "Okay lang 'yan, ang mga kabataan ngayon kailangan ng inspirasyon."

"Tinidora, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Sa chat chat lang na 'yan niya nakilala 'yung tao. Mamaya hindi naman pala mapagkakatiwalaan 'yan." Mas kinabahan ako sa mga sinabi ni lola sa akin. "Sa panahon ngayon marami nang manloloko sa social media at dapat hindi ka nagpapadala riyan, Maine." 'Yung itsura pa naman ni lola ngayon ay nakataas ang kilay kaya naman natatakot ako. Para akong kakainin kapag nanenermon. "Dapat kilalanin mo muna ang isang tao bago mo sabihing gusto mo siya. Hindi lang basta-basta nararamdaman ang pagmamahal dapat ay siguraduhin mo muna kung tunay nga ba ito o hindi."

"Ate naman, sa panahon lang natin 'yan nag-eexist. Moderno na ang panahon." Paglalaban ni Lola Tinidora.

"Kaya maraming nasasaktan, eh, hindi kasi nila sinisugurado ang bawat bagay. Ako'y nagpapayo lamang, Tinidora. Hindi na baling maging makaluma at least sa paraang ito masasabi mo nga talaga kung tama na nga ba ang nararamdaman mo." Tumaas nanaman ang kilay nito. "Kaya, Ija. Siguraduhin mo muna kung disente nga ba ang taong 'yan. Oo hindi masama ang magmahal, pero sana naman ay hindi lamang ito mapunta sa maling tao."

Tumango na lamang ako at nakita ko naman sa gilid ko si ate na ngumingisi pa. Aba, iba 'to. Siya may kasalanan ng lahat ng ito, eh. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at inirapan.

"Pero ang mas mabuti ay hintayin na lamang natin ang tamang panahon. Ang tamang panahon na ibigay nang Panginoon ang tamang tao para sa'yo. 'Wag mong madaliin ang bawat bagay. Paulit-ulit ko mang sabihin pero mas masaya ang pag-ibig na pinaghihirapan. Tandaan ninyo 'yan."

"Opo." Ayan na lamang ang tangi kong nasabi at bumalik na ako sa ginagawa ko.

"Ang dami mong alam, ate. Bakit hindi mo na lang palitan si papa jack?" Pang-aasar naman ni Lola Tinidora kaya naman nagtawanan na lamang kaming lahat.

Habang abala parin sila sa pagtawa at pagkukulitan ay palihim na lumapit sa akin si Lola Tidora at bumulong. "Ija, pogi ba 'yan?"

"Sino po?" Pagtataka ko.

"'Yung lalaking gusto mo?"

Napatingin ako sa kanya. Seriously? totoo ba ang naririnig kong tanong o nanaginip lang ako? "Hindi ko po alam." Pero sa totoo lang wala rin naman akong ideya kung ano ang itsura ni Alden at wala muna akong balak isipin. Hindi naman importante ang itsura 'di ba, hindi naman mata ang nagmamahal. Sabihin na lamang natin na additional points na lang 'yon kung pogi man siya. Pero ready na ako para bukas, kahit mukha pa siyang alien o engkanto, buo parin ang loob ko na makipagkita sa kanya. "Pero sabi niya po ay pogi siya. Ayun ang sabi niya." Dagdag ko pa.

"Nako, may kutob ako na pogi 'yang batang 'yan, Ija." Umarte pa itong parang kinikilig kaya naman natawa na ako nang bahagya.

"Lola, hindi naman po importante ang itsura---" Naputol ko ang sasabihin ko nang biglang may sumingit sa usapan.

"Oo nga naman, Tidora. May punto rin naman ang apo natin." Humarap siya sa akin. "Hindi importante ang itsura, ah. Puso ang tumitibok apo at hindi ang mata."

Tinalikuran niya kaming dalawa at kumuha ng tubig at saka ininom ang gamot na hawak niya. "Osige, maiwan ko na kayong dalawa riyan."

Nagkibit balikat na lang si Lola Tidora at tinapik ako sa likod dahil iniwan na niya ako sa kusina. Nagsusulat kasi ako ngayon sa blog ko at ayoko muna magpaabala sa kanila sa salas kaya mas napili kong umupo rito, ayoko na kasi sa kwarto ko at nauumay na ako sa paligid, para maiba man lang.

I have feelings for him but I don't consider it love. Yes, that's right............................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................

Literal na nilagyan ko 'yan ng maraming dots. Naalala ko kasi ang lagi kong naririnig sa mga tao sa paligid na "'Wag kang magsalita ng tapos." dahil baka kainin mo lamang ang lahat ng sinabi mo sa huli. May point din naman 'to pero kasi sa oras na ito naguguluhan ako.

Katulad kahapon I miss him badly and he drives me crazy. Nung naka usap ko naman siya, sangkatutak na kasiyahan ang naramdaman ko. Tapos ngayon naman ay nagdadalawang isip ako kung ano nga ba iton nararamdaman ko. Gulong-gulo na rin kasi ako.

Para maibsan nanaman ang mga katanungan sa utak ko ay kinuha ko na lamang sa bandang kaliwa ko ang ear phone na nakapatong at saka isinuksok ito sa aking tainga. Habang nakikinig ako ay mas lalo akong nalulungkot.

It just hurts, that's all.

Pinatay ko na ang laptop ko at napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna sa labas ng subdivision namin nang mag-isa. Fresh air! I need fresh air para luminis narin ang utak ko. Inilibot ko ang paningin ko sa lahat ng bagay na makikita ko. Napatingala pa nga ako sa langit nang mapahinto ako sa paglalakad.

"Bakit ko ba 'to pinoproblema? Kung hindi ko siya gusto mawawala rin ito, pansamantala lang ang mga ito. Sinusubukan lang ako kung gaano ako katatag kaya, Maine, stop it. Hindi ka naman ganyan dati kaya maging normal ka na lang ulit. 'Yung dating ikaw. Okay?" Oh, 'di ba. Pati sarili ko kinakausap ko na.

Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa mangyayari bukas. Hindi ko na muna ipe-pressure 'yung sarili ko dahil baka kung ano pa ang maisipan kong gawin sa buhay ko. Hanggang dito muna.


Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon