Omegle 6

4.9K 156 4
                                    

🎶For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
🎶

Nagkamot muna ako ng mata ko bago tuluyang ibukas ang mga ito. At nang mahimasmasan na ako sa antok ko ay nanatili parin akong naka higa sa kama at niyakap ang aking unan.

🎶 For all the wrongs I repeated, though I was to blame

I still cursed that rain🎶

Ang lakas naman nung tugtog na 'yon. Paniguradong si ate nanaman ang may pakana nito. Pakiramdam ko tuloy ay ma-LSS ako sa kantang 'yan. Nako, pagnangyari talaga 'yon konyat sa akin 'yang ate ko.

🎶I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue
🎶

Habang palabas na ako sa kwarto, naka pajama pa siyempre ay bigla na lang humihina ang kantang kanina lamang ay naririnig ko hanggang sa maputol na.

🎶God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me---
🎶

Habang kumakain ako ng almusal ay nakita ko sila mama at papa na nanunuod lang ng t.v, nalate kasi ako ng gising ngayon kaya ako nanaman ang huling kumain. At pagkatapos kong kumain ay ako ang naghugas ng mga pinagkainan nila, bunso problems. Wala kasi kaming kasambahay, ayaw nila mama dahil trabahong tamad lang daw 'yon. Kaya wala silang karapatan na pagsabihan kami na kapag mayaman maaarte.

Habang naghuhugas ng pinggan ay sumigaw si mama mula sa salas. "Meng1 Kailan mo balak?

Si ate naman biglang sumulpot sa gilid ko. "Kailan ka magtatrabaho?"

Oo nga pala 'noh. Ilang buwan narin pala ang lumipas simula nung naka graduate na ako. Hindi ko rin alam kung anong magiging plano ko. Pero 'yung pinag-ojt-han ko sa ibang bansa ay kinukuha ulit ako para maging chef doon. Hindi pa ako sumasagot sa alok nila dahil mismong ako ay naguguluhan. Iba parin kasi 'yung pakiramdam na nasa sariling bansa mo ka, eh. Nakakahome sick rin naman 'yon. Tapos ayoko naman magtrabaho sa family business namin dahil umay na ako doon. Since high school pa lang ay nandoon na ako nagmamasid-masid. gusto ko rin naman ng ibang atmosphere.

"Next year" Sagot ko out of the blue.

"Bakit hindi mo muna hawakan 'yung business natin habang wala ka pang nahahanap?"

"Eh, tinatamad pa ako." Ayoko pa talaga.

Narinig ko naman sila mama. "Alam mo kailangan mo na kumita ng pera para sa sarili mo. Hindi porket mayaman tayo ay aasa ka na lang doon. Kaya ngayon palang sana magplano ka na." Panenermon ni mama na may halong aral naman na.

"At isa pa," dagdag ni papa. "Kung ayaw mo sa business natin ay magsimula ka nang maghanap ng trabaho."

Onting taon na lang naman, eh, next year ko pa talaga balak humanap ng trabaho. Seventeen years ka ba naman mag-aral. Ipapahinga ko muna ang utak ko. Ngayon na nga lang makakapagpahinga, eh. HAHA

Hindi ko na napansin ang oras dahil sa pag-uusap namin kaya lumagpas na ng nine o'clock at nasa kusina parin ako buti na lamang at napalingon agad ako sa orasan. Five minutes lang naman akon na-late kaya aad na akong tumakbo sa kwarto at saka biuksan ang mahiwagang laptop ko. Boom, taanta alert.

Pagkastart ko ng omegle, buti na lang at siya agad ang lumabas. Worth it rin naman pala ang pagtakbo ko sa hagdanan.

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Maiden

You: Kanina ka pa?

Stranger: Medyo, pangatlong search ko palang naman.

You: Sorry, napatagal 'yung pagkukwentuhan namin sa baba. *A*~

Stranger: Tungkol saan?

You: Work.

You: Kailan daw ako mag tatrabaho. Haha, sabi ko next year na lang.

Stranger: Oo nga pala 'noh. Wala pa akong alam tungkol sa'yo, kwento ka naman.

You: We're still stranger to each other pa talaga haha. Sure, basta ikaw din, ah.

Stranger: Oo nga, eh, kaya sige na.

You: Formal ba dapat ang pag-iintroduce? haha, so I am Nicomaine but I prefer to be called Maine for short. 20 years of age. I am Culinary Arts graduate from De La Salle-College of Saint Benilde. May isa akong kapatid na babae at ako ang bunso. We have our own business na hinahandle ni papa.

Stranger: Cool.

You: Ikaw naman.

Stranger: Alden Richards, 22 years old. I am Business Administration graduate from De La Salle Canlubang sa Binan City, Laguna. Currently working... Ahm.. Okay na ba?

You: Ay, oo nga pala. Meng tawag nila sa akin dito. Hahaha

Stranger: Ah, haha ang cute. Tisoy naman sa akin.

You: Maputi ka 'noh?

Stranger: Paano mo nalaman? HAHA

You: Tisoy, eh. Hahaha hinulaan ko lang.

Stranger: Uy, inaantok na kasi ako. Hanggang dito na lang muna ulit, okay lang ba?

You: Sure sure. Bye..

Stranger: Ingat ka, ah.

Stranger has disconnected.

Kahit maikli lang ang pag-uusap namin ngayon okay lang. Ang saya ko nanaman haha. Napayakap na lang ako sa unan ko at saka nagpapapadyak sa kama, hindi ko rin alam kung ano nga ba itong nararamdaman ko. Basta ang saya lang.. Jusme.

"Meng!"

Napahinto ako sa pagngiti ko at natarantang tumakbo pababa. Nakita ko si mama na may hawak na kutsilyo sa kanang kamay at telepono naman sa kabila niyang kamay.

"Si Lola Nidora mo nasa kabilang linya, ikaw muna ang kumausap at masusuno na 'yung niluluto ko."

Si Lola tumawag? Bakit kaya? Inabot ko kay mama 'yung telepono at sinagot ito.

"Hello, lola." Napahinto ako at napangiti. "Talaga po? Kailan? Excited na po akooo!"


[Dedicated to all ALDUBnation. Hope you like this, enjoy and God bless]



Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon